"Alak? Ako nga, ang tagal ko nang umiinom ng alak pero bihira yan mangyari sa akin! Sabi ko nga sayo, magpa check up ka dahil baka buntis ka!" Sa bwusit ko sa kanya ay binato ko yung unan, tinamaan siya sa kanyang ulo ngunit natawa lamang siya. "Hindi magandang biro yan ha! Aalis na lang ako rito, ayaw kong uminom at wala na akong plano pa na makipag usap sayo! Mabuti sana kung bibigyan mo pa ako ng pera eh!" Nilapag niya ang alak sa lamesa at nagsimula na siya sa pag gapang niya sa akin. "Isang round tapos papauwiin na kita agad!" sambit niya pa. Habang papalapit siya sa akin ay siya ring kabog ng aking dibdib. I really do not want to get near him at halikan siya. What if immune lamang siya sa lason na pinainom ko tapos ipinasa niya ito sa akin? "Wag kang lumapit sisipain kita!"

