AVA POV Nagising ako sa lakas ng aking alarm clock. Yung alarm ko na nakaka inis, kasi kapag gusto ko yung tunog ng alarm clock, napapansin ko na mas lalo pa akong tinatanghali na gumising pero ngayon ay gising ang diwa ko. Ang sarap pa naman ng lamig ng aircon at ang pagkakayakap ko rito sa boyfriend ko na panay ang hilik. Pinagbigyan ko na siya kagabi at talagang grabe yung naging bakbakan namin. Ang tindi rin ng kanyang pagtatampo kaya pumayag na ako. Kaysa naman sa iba niya ito gawin, mas mabuti pa na sa akin na gf niya. "Ano ba yan patayin mo nga yang alarm clock mo!" pagmamaktol ni Sean habang nag uunat. Tumalikod siya ng pag higa sa kama at humilik ng malakas. Nagrereklamo pa siya sa alarm clock ko samantalang ang lakas ng kanyang hilik. Hiyang hiya naman ako sa kanya. Buma

