Sumimangot siya and that means na naka abot na nga sa kanya ang balitang ito. "Ano pa nga ba ang magagawa natin? Malaki ang pera na iniwan ng stepdad mo kaya asahan mo nang may dadagsa pa rito para manloko ng tao. Eh ang layo kaya ng hitsura ni Emily sa stepdad mo na gwapo. Ako nga, yung mga anak ko ay halos kamukha ng asawa ko. Jan pa lang ay dapat batid mo nang manloloko sila!" Ngumiti ako, "Tama nga po kayo sa sinabi niyo. Mahirap talaga paniwalaan ang mga sinasabi nila kaya darating din ang time na lalabas ang buong katotohanan. Sabi pa nga ni Sean sa akin, once na mapatunayan raw namin na niloloko nila kami, then sampahan ko ng kaso!" "Aba dapat lang!" sagot niya and she seems to be so affected by this, "Ang nararapat na parusa sa mga taong manloloko ay sampahan sila ng kaso. An

