CHELSEY POV "Oh bakit Hector ha? Anong problema mo? Ayaw mo na bang uminom?" "Yung totoo, kanina pa kasi masakit ang tiyan ko!" "Hahahaha!" malakas na tawa ko, "Oh kanina pa pala masakit ang tiyan mo tapos ngayon ay iinom ka pa? Nasaan ang common sense mo!?" "Hindi mo ako naiintindihan. Alak lang talaga ang nakaka intindi sa akin. Sa sobrang dami ng mga problema na dumarating sa buhay ko, you cannot blame me why I am acting this way. Actually, sobrang nag sisisi ako sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan lalo na kay Ava. Kung bibigyan nga lamang ako ng pagkakataon para itama ang mga kamalian ko ay gagawin ko na. Ngunit parating nasa huli ang pag sisisi. Kapag bumalik ako sa buhay nila, natitiyak ko na muling babalik ang matinding galit sa akin ni Ava at Sean. Makukulong ako ulit kasi

