"Oh anong nangyari? Akala ko ay si Ma'am Anna at Garry ang hosts?" "That is what I thought pero hayaan mo na. I am so sure na may explanation nito sa atin si Ma'am Anna later." "Alright once again ay palakpakan natin ang ating bagong kasal, Ava and Sean!" Nag palakpakan ang mga tao pagkatapos magsalita ni Chelsey pero parang hindi ko talaga bet na maging host siya kasi naiingayan ako. Si Sean din, halatang pilit din ang kanyang ngiti. Pero baka bumawi itong si Chelsey mamaya. "Pero bago ang lahat, gusto muna din natin pasalamatan ang lahat ng mga tao na dumalo sa wedding na ito!" Papalakpak na nga sana ako pero itong si Chelsey ay biglang humirit pa ng joke na wala naman sa hulog. "Syempre of course gagawin lang natin yan sa mga taong may dalang regalo. Yung wala, ehem, baka naman,

