AVA POV And right after that ay tinawag na kami nila Garry and Chelsey para mag bigay ng message para sa isa't isa. Syempre ito ang aming gagawin bago kami kumain. Hinawakan ni Sean kamay ko at pag hawak niya nito ay nagulat na lamang ako sapagkat bigla niya akong binuhat. Ang dami ngang mga kinilig sa nangyari at ako naman, feeling prinsesa na medyo nahihiya pa sa mga nangyari. Medyo awkward nga ito pero pag bibigyan ko na siya. "Sana all sweet!" sambit ni Chelsey ng maayos akong ilapag ni Sean sa stage. "Oo nga eh! Parati namang sweet ang dalawang kaibigan natin dito no! Pag bigyan na natin!" dugtong ni Garry. Lumapit si Chelsey kay Sean, "So ikaw Sean! Partners in crime tayong dalawa rati naalala mo ba ha?" "Oo Chelsey, naaalala ko pa! Ang laki ng naitulong mo para makita ko no

