Narinig ko na kumalang ang kaniyang tiyan kaya naalala ko na marami nga pala akong mga order na pagkain para sa aming dalawa. "Oh by the way, kakain na pala tayo ha? Gabi na rin kasi ngayon and I am so sorry if hindi na kita natanong kung ano ang gusto mong kainin sapagkat mahimbing kang natutulog kanina. But I am so sure na magugustuhan mo ang mga pagkain na ihahain ko sayo." "Salamat Wendy pero siya nga pala, sa ilang linggo nating magkasama, pangalan pa lang ang alam ko tungkol sayo. Sino ka ba talaga at ilang taon ka na?" Ngumiti ako sa kanya, "I am 49 years old already and I owned several companies in the Philippines pero ang mother company ay nandito sa America. So I don't want to brag or anything of that nature but I have a lot of money. I assure you na wala kang ilalabas na pe

