AVA POV Napaka tindi ng traffic ngayon sa daan at ngayon lang kami nakauwi nitong si Sean matapos ang ilang oras. Nakakapagod ang biyahe, nakaka stress ngunit ano ba ang magagawa namin dito? Mabuti pa nga yata doon sa dati naming condo na tinitirahan, traffic man pero mabilis kaming makakarating. Pero tiyagaan lang kasi ganito na talaga sa Pinas. "Babe buksan mo na yung pintuan para makapag park na ako kaagad," sambit ko dito kay Sean. Mabilis siyang bumaba at binuksan ang gate. Pinasok ko na ang kotse ko at si Sean na ang nag lagay ng mga pinamili naming mga grocery sa loob. Ako, iilan lang ang binitbit ko kasi nga buntis. Nakita ko si tita Risa sa kusina na nagluluto na ng pagkain. Nagugutom tuloy ako ulit bigla ng maamoy ko ang niluluto niyang tinolang manok. Lumapit ako sa kanya a

