Tumigil na kami sa paghahalikan nitong si Sean na biglang nagsalita ng humarap siya sa kanila. "Sana all naka iphone! Ako, hindi ko alam kung magkakaroon ako ng ganyang klase ng cellphone eh!" pagpaparinig niya pa sa akin. "Oo na Sean, kapag nakapunta na tayo sa mall ay bibili na tayo ng bagong phone kaya wag ka nang magpaparinig pa diyan!" sambit ko sa kanya. "Naks, sana all may partner na kaya kang bilhan ng iphone!" panunukso ni Chelsey. Natawa na nga lang ako eh! Pinakita nila sa amin ni Sean yung picture at ang ganda ng pagkakakuha niya. Lalo na yung naging halikan namin ng asawa ko na ang sweet. "Oh ayan ha? Maayos ang pagkuha ko ng letrato! Baka pwede na tayong kumain kasi nagugutom na ako eh!" dagdag pa ni Chelsey. "Oo nga kain na tayo kasi ang lakas maka noche buena ng

