AVA POV "Guys, wala ba kayong napapansin ha?" tanong ni Doc Andrew. Sabay na lumingon si Garry at Chelsey kay Doc Andrew. "Anong meron doc?" tanong ni Garry. Itong si Chelsey ay diretso naman ang tingin sa asawa ko at maya maya pa ay nagsalita na siya. "Ah alam ko na, oo nga, napansin ko na nangangayayat ka ngayon ha!" "Ako?" "Malamang Sean, nako siguro ay araw araw ang ehem ha..." Napatingin sa akin si Sean na para bang ako ang sinisisi niya. Oo nga, I also noticed ang bigla niyang pangangayayat. Baka dulot din ito ng kanyang stress. "Oo nga eh, nangangayat ako dahil sa araw araw-" Pasimple kong sinipa ang paa niya bago pa niya ako ilaglag sa mga kaibigan namin. Ayaw ko na magsalita pa siya tungkol sa s*x life namin. Porket alam niya na buntis ako at sobrang pinaglilihia

