CHAPTER 5

1041 Words
AVA POV Katabi ko si Chelsey sa sasakyan. Inabot kami ng mahigit forty minutes sa aming biyahe bago kami makarating sa simbahan. Nauna nang bumaba si Chelsey ng aming sasakyan dahil sa isa siya sa mga abay. Ipinark ni papa Hector sa labas ng simbahan ang kanyang sasakyan. Inalalayan niya ako sa paglabas ng bridal car at kumapit sa bisig niya habang papasok kami ng simbahan. Naka belo man ang ulo ko ngunit natatanaw ko ang malaking kahoy na pintuan. May dalawa pang mga escorts na nakasuot ng corporate attire na s'yang magbubukas ng pintuan. Parehas silang masaya at ilang sandali pa, binuksan na nila ang pinto at bumungad sa aking harapan ang iilang mga bisita namin. Nagpalakpakan silang lahat ng makita nila akong papasok sa loob. Gustong tumakas ng mga namumugtong luha sa aking mga mata dulot ng labis na saya subalit mabubura nito ang make up ko. Habang naglalakad sa red carpet ay sinasabuyan ako ng red petals ng mga bisita namin. This is really the happiest day of my life. Naging sentro ng tingin ko si Sean na katabi ng pari. Natutulala siya at pinupunasan ng kanyang panyo ang mga mata niyang may bakas na ng luha., he looks so handsome sa puti niyang coat at bagong hairstyle. Ito yung unang beses na nakita kong umiyak ang lalaking pinaka minamahal ko. And I am glad na tears of joy ang nakikita ko sa kanya. Sinasabi nito sa akin na mahal niya ako at sa wakas ay mag iisang dibdib na kami, na magiging mag asawa na kami. Hinatid ako ni papa sa tapat altar at nagyakapan muna sila sila ni Sean bago niya ako binigay sa mapapangasawa ko. Hinawakan ako ni Sean sa kamay ko at umakyat kami sa hagdan patungo sa altar. "Sobrang ganda mo babe, hindi ako nagkamali ng babaeng pinakasalan ko," saad niya habang titig na titig sa akin. "Ikaw din, you looked so handsome sa gupit mo!" "Babe-" sambit niya ngunit nagulat ako ng bigla siyang natumba sa aking harapan. Halos tumigil ang mundo ko sa mga sandaling ito ng makita ko kung paano siya bumagsak. He seems to be so okay pero all of a sudden ay nangyari ito. Nagkagulo sa loob, ginising ko si Sean ngunit bigla na lang bumula ang bibig niya. -------------------------- -------------------------- HECTOR POV Isang oras matapos ang insidente, na kansela ang isa sanang magandang pag iisang dibdib nila Ava at Sean. At ngayon, nandito kami sa hospital at yakap yakap ako ng mahigpit ni Ava habang nakasandal siya sa balikat ko. Samantala, ang mga magulang ni Sean, naka upo din at parehas silang umiiyak. Wala siyang kamalay malay na plano ko ang lahat ng ito simula't sapul pa lang. Hindi ko hahayaan na ang babaeng iningatan ko upang maging isang babaeng parausan ko ay mapupunta sa ibang lalaki. Sa loob ng ilang taon na nasa puder ko si Ava, hindi ko siya itiniring bilang isang anak ko kaya dapat na ako ang makinabang sa kanya at hindi ibang lalaki. Inaamoy ko ang mabango niyang buhok habang dinadama ko ang init ng kanyang katawan- isang bagay na matagal ko nang gustong gawin. Titiyakin ko na aabutin pa ng isang taon bago pa magising si Sean sa pagkakaratay niya dito sa hospital. Kausap ko na si Doctor Chavez na doctor ng hospital na ito at malaking pera ang itinapal ko sa kanyang pagmumukha at nagtangka na kikidnapin ko ang kanyang dalagang anak sa oras na hindi siya pumayag sa gusto kong mangyari. Siya pa mismo ang nagbigay sa akin ng cyanide poison na nilagay ko sa pinadala kong tsokolate kay Sean dalawang araw na ang nakakalipas. Sinabi kong kainin niya ito bago ang kasal, isang bagay na sinunod niya. Siya na ang bahala upang palabasin na nacomatose ang pasyente. "Kumalma ka, everything is going to be alright," pagpapakalma ko kay Ava. Lumabas si Mr Chavez sa loob ng hospital at napalunok siya ng makita ako. Sa talim pa lang ng tingin ko sa kanya, alam kong natatakot na siya kapag pumalya siya sa sasabihin niya sa amin. "Doc, kamusta po ang lagay ng anak ko?" tanong ni Risa, ang mama ni Sean na napatyo sa kanyang upuan. Tumayo din si Gardo, ang papa ni Sean at hinaplos niya ang likod ni Risa. Parehas silang nag aalala sa mga nangyari. Ibinilang ng natatakot na doctor ang kanyang atensyon sa mag asawa. "Pasensya na po kayo ngunit ikinalulungkot kong sabihin na malala po ang brain damage ng pasenye dahilan para mag collapse siya. At malaki po ang chance na abutin ng ilang buwan bago siya magising. At gusto ko po sanang itanong kung mayroon ba na case na naaksidente ang pasyente at nabagok ang ulo niya?" May bakas ng takot sa nanginginig niyang boses. "Doc saglit lang po? Hindi namin kayo naiintindihan kasi sobrang tagal na po simula ng magkaroon ng head injury ang anak namin ng mahulog siya sa hagdan sa kanilang paaralan. At ang sabi ng doctor noon ay maayos na po ang lagay niya." "Well Miss Risa, I am the top doctor of this hospital at kahit minsan ay hindi pa po ako nagkamali sa aking pagsusuri sa pasyente ngunit para po sa ikakapanatag ng loob niyo ay bibigyan ko po kayo ng lab result ng inyong anak. If you do not have any questions, please excuse me lang po." Maging si Ava ay natulala sa narinig niyang masamang balita. Pero ako, gusto kong uminom ng isang matamis na wine mamaya kapag nakabalik kami sa bahay ni Ava dahil pumabor na ang tadhana sa akin. "Tita ano po ang ibig nitong sabihin ha? Bakit ngayon ko lang nalaman na nagkaroon ng aksidente si Sean?" nagtatakang tanong ni Ava. "Sorry Ava, matagal na panahon na kasi ang aksidente na 'yun at ang buong akala namin ay maayos na ang lahat." Hinaplos ko ang likod ni Ava dahil nararamdaman ko sa nauutal niyang boses ang kanyang pagkagulat. Umuwi na kami ni Ava matapos ang mahabang oras na itinagal namin sa hospital. Pagod siyang nakaupo sa sofa habang suot pa rin ang kanyang bridal gown, binura ng mga luha sa kanyang mga mata ang maganda make up niya kanina. Kumuha ako ng isang basong tubig at nilapag ko ito sa harapan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD