AVA POV
Grabe naman si papa Hector. Tila ay napapadalas ang pag susuot niya ng ganito sa harapan ko. Alam kong maganda ang pangangatawan niya at pinaghirapan niya ang abs niya. Pero nagsisimula nang mag iba ang kutob ko sa pangyayari.
"Oh gising ka na pala? Ito nagluto ako ng pagkain natin," nakangiti niyang sambit.
Gusto ko sanang lawakan ang ngiti ko sa kanya pero nag aalala pa rin ako sa fiance ko na nasa hospital. Ayaw ko pa nga sanang kumain pero baka ako naman ang magkaroon ng sakit nito. Natatakam din kasi ako sa niluluto niya eh.
Umupo ako at uminom ulit ng tubig.
"Gusto ko po sanang puntahan ulit si Sean sa hospital. Kung ayos lang po sana ito sa inyo. Magco commute na lang po ako. Sadyang nag aalala po kasi ako sa kanya eh."
Mahinahon man ang pagkakasabi ko nito subalit deep inside ay hindi na ako mapakali pa.
"Mas maganda kung bukas na lang tayo magpunta doon. Hayaan na natin muna ang pamilya niya na mag bantay sa kanya. Ipahinga mo muna ang sarili mo para bukas ay may lakas ka para magbantay kay Sean," sagot niya habang nakatalikod. "Pero kung gusto mo, pwede mo silang tawagan para malaman mo ang lagay ni Sean."
For sure, stress na ang mga magulang ni Sean kaya mahihiya akong manghingi ng update sa kanila.
"Sige po, bukas na lang ako pupunta ng hospital."
"Bakit ka mahihiya sa pamilya ng fiance mo? Gusto mo ba ako na ang kumausap sa kanila?"
"Hindi naman po sa ganun pero mas maigi po siguro kung personal po akong pupunta doon bukas."
"Sige ikaw ang may sabi niyan."
"Pero nagtataka lang din po ako kung bakit bigla na lang itong nangyari kay Sean. Maayos naman ang kalusugan niya noong nagkita kami kahapon."
Pinatay na niya ang kalan at naglagay ng mga plato sa aming lamesa.
"Ikaw kasi eh, sinabi ko na sayo na wag kang magpapakita isang araw bago ang kasal niyo eh. Minsan hindi masamang sumunod tayo sa pamahiin."
Nabugnot at napa buntong hininga ako ng malalim sa sinabi niyang ito. Si papa talaga, puro pamahiin sa buhay. Okay na sana siya pero ito ang pinaka ayaw ko sa kanya eh. Ngunit hindi ko na lang siya kokontrahin para wala na kaming pagtalunan.
Kumain na lang kami ng tahimik at magkatabi. Medyo naiilang nga lang ako kasi naka boxer shorts siya.
"Pasensya ka na ha? Hindi kasi ako kasing sarap magluto mo pero alam ko na wala ka sa mood."
"Sakto naman po ang pagkakaluto niyo. Pwede na rin sa kumakalam na tyan."
Nilagay niyang bigla ang kamay niya sa balikat ko at napahinto ako sa pagkain. Napatingin ako sa kamay niya na tila ay mayroong malisya ang ginawa nito.
"Tulog ka ulit mamaya sa kwarto ko. Mahirap mag isa kapag malungkot ka."
Natahimik ako ng ilang sandali, mula sa kamay niya, unti unting umikot ang mga mata ko sa kanyang nakangiting mukha.
"Salamat po ngunit gusto ko lang talagang mapag isa ngayon eh," pagtanggi ko.
Sumagi kasi ulit sa isipan ko ang ginawa niya kagabi. Lalo na ang mahinang pag ungol niya sa tenga ko. Bahagyang naglaho ang ngiti sa kanyang labi pero wala akong plano na baguhin ang sagot ko.
"Sige, naiintindihan ko naman, walang problema sa akin. Pero kung ayos lang sana sayo, dalhan mo ako ng alak mamaya. Kahit na dalawang bote para sana makatulog ako ng mahimbing."
"Hinay hinay lang po sa pag inom niyo ng alak ha? Baka po kasi makasama sa kidney niyo eh."
"Dont worry about me, maayos naman ang kalusugan ko at ang pag inom ko ng alak ang nagsisilbi kong vitamins. Sanay na ang tiyan ko sa pag inom ng alak. Isa itong bagay na sobrang mahirap nang alisin sa katawan ko. Ikaw, ayaw mo ba akong samahan sa pag inom ko? Malaki ka na naman, isa pa, kapag nagising na si Sean, aalis ka na sa pamamahay na ito. Mag isa na lang ako ulit at malulungkot."
Kahit na pinilit niya pang ngumiti ay nakikita ko pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata. Ilang taon na siyang mag isa sa buhay. Pinapayagan ko naman siya ma mag date pa ng ibang mga babae pero siya pa mismo itong may ayaw.
"Gusto niyo po ba na i set up ko kayo ulit sa isang blind date. Nag aalala lang din po kasi talaga ako sa inyo eh. Ako na po ang bahala pumili ulit ng babae. Titiyakin ko po na mas maganda pa siya sa inaakala niyo. Model or mala artista sa ganda. At kahit na kasing edaran ko lang din po sana."
Natawa siya sa sinabi ko at tinanggal na ang kamay sa balikat ko. Akala ko nga ay makakahinga na ako ng maluwag pero lakas loob niya pa itong ipinatong sa legs ko.
"Hayaan mo na ako. I just realized kasi na masyado rin akong busy sa trabaho ko at pag gi gym."
"Eh sayang naman po ang maganda niyong katawan kung hindi niyo po magagamit. Baka nga po kapag lumabas kayo ng shirtless ay magkandarapa ang mga babae sa inyo eh," pag bibiro ko sa kanya.
"Ganun ba hehe! Ako ginawa ko ito hindi para magkaroon ng maraming babae na magkakagusto sa akin. Ginawa ko ito para maging healthy ang katawan ko. Kaya ikaw, kung gusto mo ay pwede kang sumama sa akin sa gym kapag may oras ka."
"Pass na po muna ako sa ganito. Eh hindi naman ako nire required ni Sean na mag gym eh. Masaya na kami sa katawan ng bawat isa. As long as parehas kaming nasa healthy weight, wala po kaming problema."
"Bukas nga pala, kung pupuntahan mo si Sean, hindi pala ako makakasama dahil mayroon din akong lakad pero pipilitin kong magpunta doon ng kahit na gabi."
"Ayos lang po, maiintindihan naman ito ng pamilya ni Sean eh. Pero kapag pagod po kayo, kahit sana wag na kayong magpunta doon. Ako na lang po ang magbabalita sa inyo kapag umuwi ako," sambit ko.
Mas lalo pang lumagkit ang tingin niya sa akin at nagulantang ako ng inilapit niya ang mukha niya sa pisngi ko.