AVA POV "Hayaan mo na bes! Ang tawag jan ay investment. Nagi invest siya para sa future niya kaya kung saan siya masaya, suportahan na natin." Sa bagay, kung saan masaya si Garry ay masaya na rin ako. Pero nagulat ako ng wala na si Doc Andrew sa paligid at kasabay pang nawala si Sean. Nasaan kaya sila nagpuntang dalawa. Na destruct tuloy ako, bakit sila umalis ng walang paalam sa akin? In as much as I'd like to stay here to watch Garry, bumalik muna ako sa kabilang resort and to my suprise, nakita ko si Sean at si Doc Andrew na parehas nakatayo, nagkukwentuhan pero ang mas ikinagulat ko ay ang pagsusuot nila parehas ng underwear. Si Sean, naka asul na underwear pero si Doc Andrew ay puti. Napalunok ako, hindi ko inaasahan na ang ganda rin pala ng katawan ni Doc. Bakat ang kanyang abs

