Paglabas ko ay nasa pool na sila Sean at Doc Andrew, doon na nila ipinagpapatuloy ang pag uusap nila. Nako, kapag umahon sila nito mamaya, sure ako wet na wet ang mga brief nila. Pumunta na ako sa swimming pool at nilublob ang kalahati ng katawan ko. So far, hanggang sa bewang ko ang tubig pero habang ako ay papalapit sa boyfriend ko ay palalim ng palalim. When I reached them, hanggang leeg ko na halos ang tubig. Grabe, sobrang lalim pala nito. Ang hirap, para akong malulunot nito. Ang hirap huminga, I feel suffocated by this damn water. Sayang, ang sarap pa naman ng pagkakalamig ng tubig na ito. Baka pwede namin ipa adjust sa may ari ng resort. "Oh babe, bakit ka pumunta rito malalim na?" tanong ni Sean. Ang buong akala ko ay hindi na nila ako papansinin kasi kanina pa sila abala s

