Tiningnan ni Garry ng may pandididiri si Chelsey, "Yuck! Sobrang kadiri ka girl! Ano yun parehas kaming gay? Ayaw ko nga ng ganyan, pass ako, just thinking about it ay nakakadiri na. Anyway, wag niyo akong iistorbohin ha? Ang sarap sarap ng kain ko dito tapos bigla niyo na lang akong guguluhin ng ganyan!" Napalingat ako sa pintuan ng restaurant at nakita ko ang grupo nila Vince na pumasok dito sa loob. Aba! Napaka small world talaga namin. Nakita kami ni Vince at nag smile siya sa akin. Ang gwapo niya rin tapos nagiging singkit siya kapag ngumingiti. Itong si Garry, sure akong maiihi ito sa kilig once na makita niya ang boylet niya! "Psst! Garry lumingon ka sa pintuan!" "Ayaw ko nga!" pagsusungit niya. Si Chesley tuloy ang lumingon at tinapik niya kaagad si Garry. "Gago tumingin k

