AVA POV "Oh bakit nga pala hindi mo kasama dito Ang boylet mo ha? Akala ko naman ay hahatakin mo siya papalapit dito?" "Oo nga! Itatanong ko nga sana pero naunahan na ako kaagad ni Chelsey." "Nasa kabilang table sila. Wag nga kayo jan, mamaya na ako magcha chat sa kanya. Anyway, busog na ako, balik na tayo doon sa resort para makapag bikini na ako. Char! Joke lang, para sana maka swimming tayo. Aba syempre dapat na sulitin natin ang ating bakasyon." Tumayo bigla si Chelsey at nagmadali. Nagtanong siya kung saan ang cr at umalis na lamang bigla. "Anong nangyari doon?" Tanong ni Garry. "Nagsusuka siya. Baka siguro dahil yan sa alak kagabi. Alak pa more, yan ang mapapala niya karma hahaha!" Grabe makapag salita si Garry, kahit na concern ako sa lagay ni Chelsey ay talagang natawa rin a

