HECTOR POV Sobrang tulala pa rin ako sa mga sandaling ito. Parang kaylan lamang ay maayos pa ang lagay ko. Nakakakain ako ng gusto ko, marami akong nagagawang bahay. Pero ngayon, ang pera ko ay tila isa na lamang palamuti. Ang isang presidente ng malaking company na tinitingala ng lahat, ngayon ay isa na lamang preso na nakasuot ng orange na damit. Sobrang sakit nito, sana pala ay nag baliw baliwan na lamang ako para sa mental hospital na ang bagsak ko at hindi rito. Mabaho, nakakadiri, at wala akong matinong kasama. Hindi pa maayos ang hinihigaan ko at lahat ng mga tao rito, wala akong trip na maging kaibigan sa kanila. Wala pa akong isang araw sa lugar na ito ngunit gusto ko na kaagad umuwi. Sobrang hirap pala makulong, and to think na pang habang buhay ang sintensya ko, baka mas na

