Nagtawanan ang lahat at alam ko kaagad kung sino ang nagsasalitang ito kaya lumingon ako. Yung lalaking nang bugbog kanina, siya ang muling nagpapasikat ngayon sa akin. Lumapit pa siya sa kinatatayuan ko! "Ano ha? Anong pakiramdam na wala nang kakayahan ang pera mo na iligtas ka mula sa rito ha? Walang matanda o bata rito, kaya ka nandito ay lumabag ka ng batas. Wag mong isipin na lahat ay kaya mong daanin sa usapan at tatapalan mo pa ng pera ang pulis. Hindi gagana ang ganyan dito kaya matuto kang tanggapin ang katotohanan na wala ka nang takas pa. Ang tanging magagawa mo lamang ay sanayin ang sarili mo sa ganitong klase ng pamumuhay. Wag ka na rin umasa na may mga taong tutulong sayo bukas na mag linis ng cr. Sa ginawa mong gulo kanina, nadamay pa kaming mga nananahimik rito sa loob.

