AVA POV Gabi na at tapos na ang aming pagsasaya sa videoke at heto kami at kanya kanya na ng pasok sa loob ng aming mga kwarto. Buti at nanindigan kaming walang iinom sa amin kahit na isa kaya bukas ay magiging maayos ang biyahe namin. Walang kahit na isa ang magsusuka. Now, we are going to rest for a while. Bukas ay 12 pm kami uuwi, syempre mag swimming ulit kami ng ilang sandali para maging sulit ang aming bakasyon and right after that, tapos na ang maliligayang mga sandali. Back to work and back to reality na ako. Papasok na sana kami sa loob ngunit itong si Sean at Doc Andrew, nagpasyang sa labas muna ng ilang sandali para makapag kwentuhan. Ako lamang tuloy mag isa dito sa kwarto ko, ang boring, walang kausap na kahit na sino kaya natulog na lang ako. I can't be mad to my boyfrie

