"Ha? Eh anong natutulog? Wala nga siya sa higaan niyo no!" "Ah! Baka nag cr siya, pero kanina ay natutulog na siya. Ikaw kasi, ang lakas ng katok mo sa pintuan kaya nagising tuloy siya!" "Hoy ako pa ang sinisi mo Sean, malay ko ba na matutulog kayo ng 9 pm. Anyway, gusto ko sanang itanong kung anong oras tayo uuwi bukas? Icha chat ko sana siya ngunit nandito na ako so it's better to ask her personally about it." Sayang, hindi ko hawak ang cellphone ko para ichat sana siya ngunit mamaya na lamang siguro. "Hindi ko alam eh, pero pwede mo naman siyang tanungin bukas. Sure ako na papayag siya kung may valid reason ka sa pag uwi mo ng maaga," sagot ni Sean. "Okay sige! Basta sabihin mo sa kanya ha? I am so sorry, I do not want to be killjoy ngunit may importanteng lakad pa kasi ako an

