AVA POV "Aba malay ko, itanong natin yan sa kanya mamaya!" sambit ko. Kinuha ni Sean ang bag ni Chelsey mula sa kamay ni Garry tiningnan ang iba pang mga bulsa ng bag. Tapos may bigla siyang nilabas, nagulat ako ng makita ko ang makapal na pera. Talagang ang kapal nito, feeling ko ay more than one hundred thousand itong pera. "Teka saan yan galing? Ang yaman naman pala nitong si Chelsey!" sambit ni Garry. Kami ni Sean ay nag titinginan lamang. Ganun din ang tanong ko sa isipan ko, saan kumuha ng pera itong si Chelsey na ganito kalaki? Akala ko ay wala siyang pera. Awang awa na nga kami sa kanyang kalagayan. Pero alam kong magagalit siya nito kasi pinakialaman namin ang kanyang gamit. Sinuway ko nga kaagad itong si Sean. "Wag mo nang pakialamanan, baka magalit siya nito kasi nila

