Natawa siya, "Joke lang ano ka ba! May suot naman ako ngayon pero sa bahay kasi, madalas talaga akong walang bra kapag natutulog. Hindi kasi talaga comfortable na magsuot ng bra no!" Tama siya, mahirap talaga mag suot lalo na kapag walang kakapitan ang bra. "Tara na guys, umalis na tayo!" saad ni Garry. "Ava, pwede bang makilagay muna ako ng mga gamit sa bag mo ha? Hindi naman natin pwedeng dalhin itong bag ko at mangangamoy sa loob ng sasakyan." May space pa naman sa loob ng bag ko kaya kinuha ko ang mga gamit niya at nilagay namin sa loob nito. Tinapon niya ang bag niya sa basurahan at umalis na kami. Ganun pa rin, sa dating mga pwesto kami, walang nagbago. "Chelsey, magkano ang paluwagan niyo?" tanong ni Garry. "Bakit nagpaplano ka bang sumali ha?" tanong na sagot ni Chelsey

