For me, nakakagana ang ganitong klase ng office lalo na't may paparating na stress. Nakaka touch, ang init ng pagtanggap sa akin ng mga staff dito sa loob ng company so masasabi ko na mas magiging mabait na boss ako sa kanila. "Surprise for you guys! Sana ay magustuhan niyo ang aming inihandang surprise!" sambit ni Chelsey. "Tama Ava and do not worry about it dahil wala tayong ginalaw mula sa kaban ng gobyerno at mas lalo na sa kaban ng company. Lahat ng mga ito, ladies and gentlemen ay galing mismo sa bulsa ng ating number one sponsor, no other than Chelsey!" Nagpalakpakan ang lahat at napatingin ako kay Chelsey. Grabe, akala ko ay nagbibiro lamang itong si Garry pero yung ngiti mismo nitong babaitong ito ang nagco confirm na siya nga ang sumagot ng lahat ng mga gastusin dito. Yay

