AVA POV "Sean, buhatin mo ang laptop ko papunta sa meeting room," paguutos ko sa kanya. "Saan yun?" tanong niya. "Sumunod ka na lang sa akin and do not forget to take notes sa meeting okay? That is your first task for today?" sambit ko ng nakangiti. Sinuot ko ang blazer ko sa cabinet. Buti at nilagay nila ito dito kasi medyo giniginaw ako. Binuhat naman ni Sean ang aking mga gamit at nagpunta na kami sa meeting room kung saan nakita namin si Ma'am Anna sa loob. Mag isa siya at abala rin siya sa kanyang pagla laptop. And the moment she saw us entering the room, she smiled at me. "Ava! Wow, it's so nice to see both of you!" she greeted. "Congratulations sa inyong engagement. I am so happy for you!" Nag greet na siya kanina sa akin pero ngayon ay ginawa niya ito. Umupo ako sa kanyan

