Hindi lang siya nanjan para sa kasiyahan ko, nandito rin siya sa ganitong klase ng pagkakataon. "Thank you Sean!" sambit ko pa. He smiled at me pero ako itong lumapit sa kanya para halikan ang kanyang labi. Ang hayok nga kaagad ng halikan naming dalawa at ang sarap nito sa pakiramdam. Nakakawala ng stess ang kanyang pagyakap sa akin. "Hey!" isang malakas na sigaw galing sa pintuan. Parehas pa kaming napatingin rito at nagulat na lamang ako ng makita ko si Chelsey at si Garry sa pintuan. "Hahahahah! Huling huli kayo, isusumbong ko kayong dalawa sa HR hahaha!" sambit ni Garry na ang lakas pa ng sigaw. "Grabe kayo ha! Bawal ang ganyan dito sa office natin. Ginawa niyong motel itong office ha!" Nag tinginan kami ni Sean at sabay kaming natawa. Hinawakan niya ako sa aking balikat

