"Ganyan talaga ang mga mayayaman na tao dito, mga pasimple lang ang pormahan pero wag ka! Ang lalaki ng puhunan nila! Milyon ang halaga ng mga chips nila," bulong ni Chelsey. "Papalitan natin kung sino man ang matatalo sa kanila mamaya." Nag observe muna kami at napatingin ako doon sa lalaking tinaya ang lahat ng chips na meron sa kanyang table. Wala siyang tinira kahit na isa. Sa kanya din nakatingin ang iba pang mga nanonood dito. Gulat na gulat ako, kinakabahan ako para sa kanya. Siguro ay lulong na sa sugal ang lalaking ito o baka mas gusto niya pang mas dumami ang kanyang panalo. Ang yabang pa ng ngiti ng lalaking ito, para bang balewala lang sa kanya yung pera na pinag casino niya. "Lulong na yan, noong nakaraang araw ay ang laki ng talo niya, halatang bumabawi!" bulong ni Chel

