AVA POV Namamaga na ang mga mata ko sa kakaiyak. Hanggang sa mga sandaling ito ay hindi ko lubos maisip ang nangyari kanina. Ubos na ang mga luha ko and I feel so drained. Nandito man ako sa loob ng office pero lutang ako and I cannot work properly as my brain is not functioning. Kahit nga simpleng pag pirma ng mga documents ay hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay wala akong kalakas lakas para magtrabaho. Ayaw ko pang umuwi dahil ayaw kong harapin ang mga tao ko after that embarrassing moment. And I will never forget about it, I let everyone down. And this company is going down with my management. Paano na ako ngayon? Saan ako pupulitin kapag nawala ang company na ito? Hindi ko alam kung paano kami babangon, ngayon na wala na kaming makukuhang investors sa aming company. Ayaw ko itong ib

