Baka nagtataka na rin siya sa mga nangyayari at hindi na niya pinapaniwalaan ang mga lumalabas sa bibig ng stepdad ko. I am so glad that he's really such a clever guy and I swear, ako na ang magpu pwersa na pakasalan si Sean. Pinilit ko ulit tumayo at dahan dahang iniyayapak ang mga paa ko pero gamit ang buong lakas ko. Kumakalam na ang sikmura ko, gutom at lutang na ako. Isang hakbang pa papunta sa banyo ng magbukas ang pintuan. "Hoy Ava! May pinapunta ka ba dito ha?" sigaw niyang pagtatanong, sigang siga ang boses at akala mo ay mananakit sa pagsasalita. Lumingon ako at napangisi, "Bakit ako ang tinatanong mo kung ikaw ang lumabas?" "Sumasagot ka pa ha!" "Wala akong napansin sa labas. 'Di ba may mga cctv camera kang nilagay sa bawat sulok ng bahay na ito? Tapos ako na nakakulong d

