SEAN POV Kainis, wala na akong nagawa pa! Hinubad niya ang damit ko at pinatalikod ako ng matandang ito. Nilagyan niya ng langis ang likod ko at nagsimula na itong hagudin. Napasarap ako sa unang masahe niya sa akin sa unang hagod pa lamang. Sa kalagitnaan ng pagmamasahe niya ay narinig ko ang isang pamilyar na boses sa labas. "Magandang araw po, ako si Chelsey, ang kaibigan ni Sean, nandito po ba siya?" Pakiramdam ko ay gumaan ang pakiramdam ko ng marinig ko ang boses ni Chelsey sa labas. Nabuhayan ako, nagkaroon ng sigla at masasabi ko na excited na akong makita siya! "Nako ineng, nagpapahilot pa siya sa kwarto niya, ayaw niyang magpa istorbo, hintayin mo siya dito maya maya." Nakaka inis! Gawa gawa pa ng kwento si mama, I don't mind na makita ako ni Chelsey na minamasahe dito sa

