SEAN POV Noong una ay hindi ko ito pinansin, dedma lamang ako kahit na pagalit ang katok. Bukod dito ay ang hirap pang igalaw ng katawan ko. Natatakot na akong muling tumumba. Gusto ko ang thriller book na binabasa ko at wala nang kumatok sa pintuan. Ito lamang ang ginawa ko sa ilang oras na pamamalagi ko dito sa kwarto. Napasarap ako sa pagbaba, pakiramdam ko nga ay nasa loob ako ng istorya na binabasa ko. Ilang saglit pa ang lumipas ay may kumatok ulit sa aming pintuan. Malakas ulit ito at sa lakas ay para bang sisirain na ang pintuan. Nakaka inis, nilapag ko sa kama ang libro na binabasa ko at tinanggal ko ang basang bimpo sa ulo ko. Pagtayo ko ay nanginig ulit ang tuhod ko at matutumba na yata ako ulit kaya sa takot ko na bumagsak ako sa sahig kaya mas mabuti pang ibagsak ang sari

