WENDY POV Umabot ng ilang mga minuto bago nila ako napansin at si Lea nga ang unang nakapansin sa akin. Ngumiti ako sa kanya after niyang tumayo. "Hello Ma'am Wendy, kamusta po ang araw niyo?" tanong niyang may pag galang. Napa buntong hininga ako ng malalim and I am glad na bago ang ibang mga tanong ay nagawa niya muna akong kamustahin. "Heto, medyo stress na ako sa trabaho ko at sobrang namiss ko itong si Hector na hindi nawawala sa isipan ko kanina," nakangiting sambit ko sa kanya habang nakatingin ako kay Hector na ang sungit pa rin ng tingin. "Sige po, gusto niyo po bang kumain na tayo? Mag hahanda na po ako ng makaka kain natin. Kaya ko rin po magluto," sambit niya. "Sige ikaw na ang bahalang mag luto. At pakilagay din itong pizza sa lamesa at pagkatapos ay mag timpla ka n

