CHELSEY POV Kinabukasan ay nagising na lang din ako ng marinig ko ang mga maiingay na boses sa labas. At dahil sa naalala ko kaagad ang nakaka inis na mukha noong si tita Risa at ang kanyang pag uugali na nakakasuka ay napag pasyahan ko muna na wag lumabas. I don't want to go out yet kahit na nagugutom ako. Pero pwede na siguro akong umuwi ngunit tinawagan ko muna si Rowena. Sa kanya nakasasalay ang lahat. Sa unang tawag ko nga sa kanya ay hindi ako sinagot nito. Sinubukan ko itong gawin ulit ngunit wala talaga. Naku, 10 am na ngunit hanggang ngayon ay tila tulog pa siya. Malamang nito ay matindi ang pagpupuyat na kanyang ginagawa kagabi at madaling araw na nagising. But today is Sunday, basta ako, never akong uuwi sa bahay hangga't nandoon si tita Sobrang natatakot ako sa kanya kaya

