bc

Broken Marriage

book_age18+
108
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
twisted
sweet
bxg
heavy
serious
lies
sacrifice
Neglected
like
intro-logo
Blurb

BROKEN MARRIAGE

ITHINKJAIMENLOVE

ON GOING

When Dhara married her long-term boyfriend, Bernard, she was probably the happiest woman on the earth. He loves her, but she even loves her more. She never imagined her life without him. But things suddenly changed.

Sadness, fear, and doubt have taken the place of their once-joyful married life...

Will she still be able to stay in such a broken marriage?

chap-preview
Free preview
SIMULA
B R O K E N M A R R I A G E S I M U L A -- D H A R A Kanina pa ako nakaupo rito sa aming sala. Magdadalawang oras na ang nakalilipas at hindi pa rin dumarating si Bernard. Hindi naman siya madalas na ma-late galing sa trabaho. Sa katunayan niyan, sa limang taon naming pagsasama ay madalas maaga siyang umuwi dahil gusto niyang palaging kaming nagsasabay tuwing hapunan. Naiintindihan ko naman na kailangan niyang mag-doble kayod dahil nais niyang mas lumago pa ang kompanyang pareho naming ipinatayo nang masama kaming dalawa. Pero hindi ko lang maiwasan na hindi mag-alala. Papaano kung may nangyari sa kaniyang hindi maganda? Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko siyang tinawagan ngunit hindi naman siya sumasagot. I even tried to call his office phone number but no one is answering. Anong oras na ba? Malamang ay nasa kani-kaniyang bahay na ang kaniyang empleyado pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dumarating? Kinakabahan na ako. Malakas ang dagundong ng aking puso sa mga oras na 'to. "Ma'am, bakit hindi pa po kayo nagpapahinga?" Napatingin ako rito. Si Ate Tessy na mukhang nagising yata dahil kinukusot-kusot pa niya ang mga mata. Sinabi ko kasi sa kaniyang magpahinga na siya at huwag na akong hintayin pa. Ngumiti ako. "Hinihintay ko pa po si Bernard, Yaya." Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa pader malapit sa pinto papuntang kusina. She look at me again. "Alas-dose na po. Hindi pa po ba dumarating si Sir? Ay baka napano na po siya. Subukan niyo po kayang tawagan?" Tila ba nagising ang diwa niya nang sabihin iyon. Bumuntonghininga ako at saka umiling. "I've tried it many times already, pero hindi man lang siya sumasagot. Kinakabahan na nga ako, Yaya. Baka nga may nangyari na sa kaniyang masama," sagot ko. Lumapit siya sa akin at naupo sa aking tabi. "Sasamahan ko na lang po kayo rito, Ma'am. Ipapanalangin po natin na makakauwi po ng ligtas si Sir," aniya at saka ngumiti. Kahit papaano naman ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Yaya. Tahimik at taimtim kaming nanalangin dalawa. We prayed and wish that Sorin is safe. Ang dami pa namang mapagsamantala sa labas. Pagkatapos nga ng halos tatlumpong minutong pananatili pa sa sala, naaninag namin sa labas ng bintana ang ilaw na nagmumula sa kotse. Nagkatingin kami ni Yaya at saka naman siya tumayo upang silipin kung sino ang parating. Tumingin siya sa akin. "Ma'am, si Sir na po 'yan," she said with a smile on her face. Nakahinga ako nang maluwag. Naghintay kaming dalawa ni Yaya sa loob ng bahay ng limang minuto at bumukas na nga ang pinto nitong bahay. Kaagad kong nakita ang aking asawa, nakasuot ng kulay abong long sleeve at nakabukas ang butones sa itaas. Nasa kaniyang kamay ang coat niyang pang-opisina at nakasabit sa kaniyang balikat ang strap ng kaniyang bag. Wala na rin siyang suot na necktie. Nagtaka ako sa ayos niya. This is so unusual. Umaalis siya nang maayos na maayos at umuuwi siyang ganoon pa rin ang ayos ng kaniyang suot. Pero hindi ko na lang pinansin iyon. Baka pagod lang siya. Tama. He's tired and I have no right to think something that will only start an argument. Tumayo ako at agad siyang nilapitan. "Ho—" Hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko nang bigla na lang ako nitong nilampasan. Tila ba wala ako rito, naghihintay na dumating siya. Kumunot ang noo ko at napatingin kay Yaya nang mawala si Sorin sa paningin naming dalawa. "W-What happened?" I asked her but she just shrugged her shoulder as an answer. "Hayaan mo na po, Ma'am. Baka po pagod lang si Sir at 'di kayo napansin," sabi niya at iyon na lang ang pinaniwalaan ko. Sa itsura pa lang ni Bernard ay mukhang pagod na pagod siya sa trabaho. Naiintindihan ko iyon dahil minsan ay sa tuwing pagod ako, wala akong ibang nakikita kundi ang magpahinga. "Sige po, Yaya. I'll just take it from here. You can rest now. Salamat sa pagsama sa akin," sabi ko. Ngumiti lang si Yaya Tessy at saka na siya umalis upang makabalik na sa kaniyang kuwarto. Tumingin naman ako sa hagdan kung saan umakyat si Bernard. I took a deep breath. Yaya's right, he's tired. Pinatay ko na ang ilaw rito sa sala at saka ako sumunod sa aking asawa. - Pagpasok ko sa loob ng aming kuwarto at narinig ko ang buhos ng tubig mula sa banyo. Nagkalat ang mga damit niya sa sahig kaya kaagad ko iyong pinulot isa-isa. Nang ang long sleeve na niya pupulutin ko'y biglang bumukas ang pinto ng banyo kaya roon ako napatingin. It was my husband who immediately went near me, but I thought he's going to hug me or apologize for what he had done.. Pero mabilis niyang pinulot ang long sleeve at muling pumasok sa loob ng banyo. Nakatapis siya ng tuwalya at basang-basa pa ang buhok niya Sumunod ako upang ilagay rin sa lagayan ng aming maruruming damit. "Why aren't you sleeping yet?" he asked. Ewan ko pero hindi iyon ang inaasahan kong sasabihin niya. Hinihintay ko ang paliwanag niya kung bakit late na siyang umuwi galing sa opisina. 'Di ba dapat ay magpaliwanag siya? Dahil asawa niya ako. Malamang ay mag-aalala ako sa kaniya lalo pa't ni hindi man lang siya sumasagot sa mga tawag ko. But I remained calm. I took a deep breath. "Hinihintay kita." "Sinabi ko naman sa 'yong 'wag mo na akong hintayin palagi dahil may mga araw na 'di ako makakauwi ng maaga." "I know. I just can't help it. You didn't answer my calls and I am worried." Nagulat ako nang lampasan ako nito. Sumunod ako rito nang lumabas siya. "Nawala ang cell phone ko," sabi niya pero 'di naman siya nakatingin sa akin. Naghanap siya ng pampatulog sa may cabinet. "E 'di sana naghanap ka nang paraan para matawagan ako. Kabisado mo naman ang numero ko," sagot ko sa kaniya. May kalakasan din ang naging tono ko pero hindi niya iyon pinansin. "I was too occupied. Marami akong naka-scheduled na meetings dahil mayroon akong business trip sa susunod na linggo. Nawala sa isip kong tawagan ka," aniya. Tapos na siyang magsuot ng damit. Humarap siya sa akin. "Look, I'm really sorry." "A-ayos lang. H-Huwag mo na sanang uulutin pa." Lumapit siya sa akin at bigla niya akong niyakap nang mahigpit. I felt relieved. "I won't, I promised." At saka niya hinalikan ang aking noo. Lahat ng mga sinasabi niya'y tagos sa aking puso. It's been ten years nang magkakilala kaming dalawa. limang taon na nang ikasal kami at hanggang ngayo'y 'di pa rin nawawala iyong kilig. Para bang ang lahat ng ito'y nangyayari sa unang pagkakataon. And I couldn't imagine my life without him. Isinumpa ko iyon sa altar na kahit anong mangyari ay hinding-hindi ako bibitaw sa aming mga pangako. "Mahal na mahal kita," sabi ko at tumingin sa kaniyang mga mata. "You're the most beautiful woman I've ever seen and even if a few thousand years pass, I will still love you. Always remember that." I smiled. Mabilis niya akong hinalikan na siya ring tinugunan ko nang punong-puno ng pagmamahal.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

His Obsession

read
74.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook