bc

With You Forever

book_age18+
7
FOLLOW
1K
READ
billionaire
family
HE
badboy
brave
bxg
lighthearted
campus
rejected
like
intro-logo
Blurb

Heather Jean Duerre is the dumbest, bitterest woman who believes that forever doesn't exist. She is a new student at South Middleton University, where she met the man who can't be moved, Raven Kim Del Valle, who would change her perspective on love in a most unpleasant way.Experiencing a number of dangers and menaces whenever their paths crossed, proving that they are ill-fated, would she be able to cope with it or also leave him just like how his ex did?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Jean!" Napamulat agad ako nang marinig ko ang boses ni mama. Agad akong bumangon sa higaan para puntahan ang dakila kong ina na hinding-hindi nagsasawang mahalin ang maganda n'yang anak na walang iba kundi AKO! Oo, ako, dahil bukod sa unica hija niya ako, maganda naman talaga ako. "Po?" walang kagatul-gatol kong tanong kay mama habang kinukusot ang mga mata ko at tinatanggal ang muta. "Anong oras ka na naman ba natulog kagabi? Napuyat ka na naman sa pagsusulat, 'no?" "Ma, nag-update lang po ako. Nakakaawa naman kasi 'yong mga readers ko. Naghihintay sila sa akin. Nangako kasi ako sa kanila na magde-daily update ako. Ayoko namang umasa sila sa wala. Palagi na nga silang pinapaasa, dadagdag pa 'ko?" sarkastiko kong tanong. Napahikab pa ako dahil totoong napuyat nga ako sa pagta-type kagabi. Inabot na nga yata ako ng alas tres ng madaling araw. "Puro ka hugot! Ano bang sinusulat mo? Baka puro kalokohan lang naman yata? Magkakasakit ka sa ginagawa mo. Sige ka, mababawasan ang kagandahan mo," banta ni mama na ikinabahala ko. Agad akong tumingin sa salamin. Cute pa rin naman ako kahit may eyebags. "O s'ya, tama na ang tingin sa salamin at ibili mo muna ako ng toyo sa tindahan para maluto ko na 'yong manok." Binuksan ni mama ang pitaka niya at nag-abot sa akin ng barya. "Ma? Did you see? Kagigising ko lang, uutusan n'yo kaagad ako." Agad naman akong nakatanggap ng batok mula kay mama. "Anong 'did'? Can't you see 'yon! Buti na lang talaga maganda ka." Sabi ko nga. "Mag-bike ka na lang. Nand'yan naman ang bike ng kuya mo. Maghilamos at magmumog ka muna bago ka bumili ha," paalala ni mama tsaka niya ako tinalikuran at naghiwa ng sibuyas at bawang. "Nasaan po ba si Kuya?" pag-iiba ko ng usapan habang ginagawa ang mga paalala ni mama. "Hindi ba nga, ka-ga-graduate lang n'ya ng college? Ayon, naghahanap—" "Ng forever?" pagputol ko sa sasabihin ni mama. "Nako, wala s'yang mahahanap, mama. Pramis. Signal meron pa, pero forever? Nah available. Kenah bee rich." "May hawak akong kutsilyo, Jean." Kinuha ko na lang ang perang nilapag ni mama sa lamesa bago ako padabog na naglakad papunta sa bakuran kung saan naroon nakatambay ang bisikleta ni kuya Jake. Ang taas na pala ng araw kaya nakakasilaw na rin. Kung mag-shades kaya ako? Kaso papasok na naman ako sa loob. Huwag na nga! Binaybay ko na ang daan paalis ng bahay. Wala naman kasi akong magagawa kung hindi ang sumunod kay mama, syempre nanay ko s'ya at anak n'ya ako. Alangan namang s'ya ang sumunod sa akin, 'di ba? Bakasyon ngayon kaya nasa bahay lang ako, at isang dakilang utusan ni mama. Daig ko pa ang nagpa-part time job ngayon, ang kaso lang, walang sahod. Minsan naisip ko, h'wag na lang kaya akong mag-aral tapos mamasukan na lang akong kasambahay sa bahay namin para pasahurin ako ni mama. 'Di ba? Ang talino ko talaga buti na lang may sentido komon ako. Kasi 'di ba kung gagamitin natin ang isang daang porsyente ng ating utak, bakit pa tayo mag-aaral kung mamamatay rin naman tayo? Anyways, ayoko sanang magpakilala dahil paulit-ulit na lang nagpapakilala ang mga bida sa unahan ng kwento pero gusto ko kasing malaman niyo ang maganda kong pangalan. Ako nga pala si Heather Jean Duerre. Hindi ko alam kung bakit gan'yan kaganda ang pangalan ko siguro dahil talagang binagay sa mukha ko. Ehem, ganda ko talaga. Kagigil. Seventeen years young na ako. Katatapos ko lang ng 4th year High School sa Lizelle East at nilipat ako nila mama sa bagong school. Ewan nga eh, okay naman ako sa dati kong school. Bagong pakikisama na naman tuloy. Pero sabagay, at least mukhang mayaman 'yong mga tao sa bagong school na papasukan ko. Pwede akong mamburaot sa kanila. Biruin mo, South Middleton University 'yong pangalan. Pangalan palang pangmayaman na, eh. "Yes? What do you want to buy?" tanong sa akin ng tindera. Aba, English spokening! I'm good better best in English. You knows. Pinagmasdan ko 'yong tindahan. Shems, 'kala ko nasa mall ako. Eh, maliit naman 'tong tindahan na 'to! Tapos kung maka-English pa! Pero duh, I'm good kaya. Itinaas ko ang manggas ko tsaka sumagot. "Yes." Tinanong n'ya ako kung bibili ako, 'di ba buy ang English ng bili? Tama naman ako 'di ba? Napataas naman ng kilay ang tindera. Is she problem? "Huh? I asked you, what do you want to buy? Are you going to buy anything or what?" pagtataray n'ya. Tsk. Ang daming sinasabi! She can't the fit me! 'Kala niya hindi ako lalaban? Mataas lang ang kilay niya pero ako, mas angat ang kagandahan ko! "No, I'm—I'm cannot buying any or what. How much is what if it's free I'll buy one and take three," sagot ko. "Are you kidding me? If you're not going to buy anything then, why are you here? Don't tell me, you can't understand what I am saying?" Kidding? Bata pa ba s'ya? Tanda n'ya na, ah. Kita ko nga 'yong wrinkles niya. Tsaka bakit n'ya ba sinasabing bibili ako ng anything? Eh, toyo ang bibilhin ko! At ang pangalan n'ya ay Saying? Weird. "Yes and no," tugon ko. Nakita ko namang napasapo ng mukha ang tindera. Ano bang problema niya? Ang arte naman nito. Napabuga siya na para bang hindi siya makapaniwala sa akin. "Don't tell me, you can't understand English? Oh my goodness! Ano bang bibilhin mo?" Oh, bakit s'ya nag-Tagalog? Hah! Sabi na nga ba't matatalo ko ang isang ito sa english-an! "Toyo ang bibilhin ko," mataray kong sabi habang nakahalukipkip at nakataas ang noo. Inabot ko na sa kaniya 'yong perang bayad ko sa toyo niya. "Next time, mag-aral ka ng English. Basic na basic, hindi mo pa maintindihan. Bobo ka ba?" Nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. "Anong bobo? Lumabas ka rito! Tingnan natin kung sinong bobo sa 'ting dalawa!" sigaw ko. Aba, sino siya para sabihan ako ng bobo? Siya nga 'tong unang nag-Tagalog! "Pinipigilan ko lang ang tawa ko sa 'yo kanina pero, what the hell? May tao pa palang hindi marunong makaintindi ng English kahit simula Grade one tinuturo na 'yon sa atin! Hindi ka ba nakikinig? O bobo ka lang talaga?" Napabuga ako. Ang bastos naman nitong tindera na 'to! Mag-aamok talaga ako rito! "Bakit ikaw? Ang baho ng hininga mo? Hindi ba't tinuro sa atin na magsipilyo araw-araw? Alam mo ba 'yong hygiene?" Inirapan ko siya tsaka ko kinuha 'yong toyo. Binelatan ko pa siya bago tuluyang umalis sa lugar na iyon. Binilisan ko na ang takbo para makauwi na ako. Gusto ko nang makauwi dahil tumataas na ang presyon ko! Kumakalam na rin ang sikmura ko. Napatingin ako sa lalaking makakasalubong ko. Shems! Mababangga ko na siya! Hindi niya ba napapansin? "Tabe!" sigaw ko sabay pindot sa preno pero wala. Ayaw gumana ng preno! Ano ba 'to? At sa isang iglap tumilapon ako sa sahig. Lumiliko-liko naman ako kanina kaso, bakit sumasalubong din siya na parang hindi ako nakikita? Siya yata ang totoong bobo. Dahan-dahan akong bumangon at napansin kong ganoon din siya. Sumalubong kaagad sa akin ang nanlilisik na mata ng lalaking iyon. "Are you blind?" Wow. English na naman? Napapikit ako at napakapit sa ulo ko. Wala ba ako sa Pilipinas? Bakit lahat na lang ng tao nag-i-english dito? Kaya ayokong lumalabas ng bahay, eh! Nagsakto pa na ngayon na lang ulit ako nakapagbisikleta. Ano bang kamalasan ito? Lumapit siya sa akin kaya nabahala ako at agad ring tumayo. Hindi ako makatingin sa kaniya pagka't ayokong tagpuin ang mga matang iyon. "Look at what you did. Don't you know how to bike? Are you stupid?" Stupid? Napakagat ako sa labi habang nagpipigil pero bakit ba kung hindi bobo, tanga ang itatawag sa akin? Sinamaan ko siya ng tingin. "Aba! Grabe ka naman sa pananalita mo! Alam kong kasalanan ko pero kasalanan mo rin! Paharang-harang ka d'yan! Kanina pa ako sumisigaw ng tabi pero hindi mo ako naririnig!" Doon ko napansin ang airpods na suot niya. Hinubad niya iyon at bakas sa mukha niyang naaalibadbaran siya sa sinasabi ko. Pwes! Ako rin. Sino ba siya? "Kung marunong kang magbike, hindi mo ako mababangga. It is you to blame," matabang niyang sagot. Aba. "Kasalanan mo! Bike lang 'yong nakabangga sa 'yo pero kung maka-react ka parang motor, ah! Ang o.a mo! Overaction!" "Overaction?" Nakita ko siyang ngumisi kasunod ay ang malakas na tawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko, aber? May sapak na ata ang isang ito. "Was that supposed to be overacting?" Nagngitngit ang mga ngipin ko. Tsk. Ano bang mali sa sinabi ko? Pareho lang naman 'yon! Magsasalita pa sana ako nang may napansin akong parang tumutulo sa noo n'ya. Lalong nanlaki ang mga mata ko. "Hala! May dugo sa ulo mo!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.3K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
81.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.1K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
301.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook