Chapter 18: Meeting Mae Amor
"HUWAG kang malikot. Magigising si Lotus," suway sa akin ng gagong ito. Paano ba kasi pinipilit kong kunin mula sa bisig niya ang anak ko.
Bakit kasi ayaw niyang ibigay sa akin ang baby ko? Bakit gustong-gusto niya rin itong buhatin at yakapin?
At ang bubwit naman ay ang himbing nang tulog!
Wala na nga akong nagawa pa kundi ang magpaubaya na lang sa engineer na ito. Mukhang maging siya ay nararamdaman niya rin ang lukso ng dugo. Malamang, anak niya talaga si Markiana. Pero ano kayang klaseng utak ang lalaking ito at hindi man lang ako naaalala? I mean hindi niya naaalala ang gabing iyon.
Humugot ako nang malalim na hininga saka ko pinagmasdan ang anak ko. Nakahilig na siya sa malapad na dibdib ng Daddy niya at ang haba ng nguso niya, natural na pouty lips. Dahil sa pagpikit niya ay kitang-kita talaga ang malalantik at mahahaba niyang pilikmata. Napangiti ako at parang natutunaw ng yelo ang puso ko nang makita ko ang paraan nang pagtitig ni Engineer Markin sa anak namin.
Nakikitaan ko nang pagkamangha at pagtataka rin at the same time. Iyon lang ang nababasa kong expression niya.
"He seems...a girl... Parang...mas mukha siyang babae. A beautiful baby girl..." he uttered and he glanced at me. I avoid looking at him, and took a deep breath again.
"He's so cute...and Kuya Markus is right... Kamukha mo rin si Lotus... Sigurado kang pamangkin mo lang ito?" nagdududang taong niya sa halip na sasagutin ko siya ay idi-divert ko ang atensyon niya.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at nangunot ang noo ko, "Markiana Reyan ang pangalan niya. Hindi Lotus..." Huli na pala bawiin ko ang sinabi ko. Napatutop ako sa aking bibig.
"Markiana Reyan... He's not a boy... He's really a girl... Rea..."
"Tumahimik ka na nga, magigising ang bata sa ingay mo, eh," supladang sabi ko at inirapan na lamang siya.
Sumakay lang kami ng taxi since hindi naman siya makapag-drive ng kotse niya dahil sa batang nasa bisig niya. At oo, may balak siyang ihatid kami sa studio na tinutulungan namin.
May pa-cry-cry pa talaga ang batang ito, eh gusto niya lang talaga makasama ang Daddy niya.
Nakarating kami sa studio ko at labag sa kalooban ko ang papasukin ko siya sa loob. Nahalata niya iyon kaya tumaas lang ang sulok ng labi niya. Nang-aasar lang ang gago. Inirapan ko siya ulit at nagtungo kami sa kuwarto namin ni Markiana.
Ako ang nagbukas ng pintuan para makapasok siya at agad na dumako ang nanunuri niyang tingin sa sulok ng kuwarto naming mag-ina. I rolled my eyes.
Wala kang makikita na alikabok diyan. Tss...
Inayos ko ang kama namin ni Markiana at naglagay ng baby pillow niya.
"Ilapag mo siya rito," masungit pa ring sabi ko. Narinig ko naman ang pag-ungos niya na tila hindi nagustuhan ang sinabi ko. Eh, wala namang mali sa katagang lumabas mula sa aking bibig.
"Ilapag? Bagay lang, kulot?" nakangising tanong niya.
"Rea ang pangalan ko. Tigilan mo ako sa katatawag mo sa aking kulot," ani ko sa kanya.
Ayoko talaga tawagin niya akong Kulot, eh! Oo na, kulot ang buhok ko. Kaya tigilan niya ko sa katatawag niya sa akin ng ganoon.
"Eh, sa kulot ka. Akala mo straight ang buhok mo?" laban pa rin niya sa akin. Itinaas ko ang palad ko para sana hampasin siya nang marinig ko ang pag-ingay ng buzz sa front door ng studio ko. Meaning may tao... May nakapasok sa loob.
Salubong ang kilay ni Engineer Markin nang tiningnan niya ako at nasa kama na si Markiana.
"Babalik ako and don't touch anything without my permiu," banta ko sa kanya at mabilis ang bawat hakbang na lumabas at bumaba sa second floor.
Nang makarating ako ay agad akong huminto nang makita ko ang isang babae. Halos wala ng laman na artworks ko ang studio dahil binalot ko nga iyon lahat dahil nagustuhan nga ng kliyente kong bigatin. Maliban sa tatlong painting na gawa ko last month at ngayon ko lang talaga inilabas ang mga ito.
Parang naghihintay lang ako ng tamang panahon upang maipakita na ito sa magiging kliyente ko ngayong araw at baka siya na ito...
Nakatalikod mula sa akin ang babae. Nakasuot siya ng office attire na kumikintab pa ang tela nito na kulay pula. Napatitig ako sa suot niyang itim na booths, sa halip na black shoes or heels ang isusuot niya. Bumagay naman sa outfit niya.
Kahit nakatalikod siya ay visible pa rin talaga ang ganda ng katawan niya at matangkad pa siya. Mas matangkad yata kaysa sa akin, eh.
"You know staring is rude," narinig kong bulong niya.
Walang ingay na naglakad ako kanina sa hagdanan. Paanong nalaman nito na may tao nang nakatingin sa kanya? Siguro dahil sa presensiya ko. Napansin niya siguro iyon.
Ang kulay ng buhok niya ay may pagka-blonde at umaalon-alon iyon. Lampas balikat niya ang haba no'n.
Dahan-dahan naman siyang pumihit at hindi na ako nagulat pa nang makita ko ang hitsura niya.
Maganda nga siya. She seems a mysterious girl. Sobrang lamlam ng mga mata niya at sa paraan naman nang pagtitig niya ay parang pati kaluluwa ko ay nakita na niya. Napakalalim.
Walang ekspresyon ang maamo niyang mukha pero nakaangat nang bahagya ang sulok ng labi niya.
Para lang siyang isang manika sa aking paningin. Bakit ang ganda ng babaeng ito? Hindi kaya isa siyang anghel? Pero ang presensiya niya ay kakaiba rin. Parang may dark aura din siya kaya hindi siya papasa bilang anghel. Baka demonyo, magandang demonyita.
"Mas rude ang pumasok sa studio ko kahit alam mong naka-close na ito," sabi ko. Nasa pintuan ang placard na kung bukas o hindi ang studio ko. May open and close, duh... Bulag yata siya.
"Oh, sorry. I didn't notice it earlier. Basta na lamang ako pumasok sa loob, eh. I got curious about the name of your studio, Behind this Black. I can feel the creepy here, and mas creepy pala ang artist nito. Anyway, bago ka lamang ba rito? Kaya..." sabi niya at tumingin sa dalawang painting na kanina pa niya yata tinititigan, "Kaya ba na tatlo lang sila ang nariyan?" tanong niya. Hindi naman siya mukhang curious, ah? Interesado ba siyang malaman ito?
"Actually, I just delivered my artworks earlier today. Sold-out na silang at bago ko lang inalabas ang tatlong 'yan," sagot ko at tumatango-tango na naman siya.
But the truth is kung ipade-deliver na ba iyon sa address na ibinigay ni Ms. Theza kanina. Dahil alam kong nasa hospital pa siya kasama ang boyfriend niyang si Engineer Markus.
Alam kong sila ang mag-aasikaso no'n since mga tauhan din naman nila nag tumulong sa akin kanina.
"Tila... nakatakdang ipakita sa akin itong artwork mo. How did you get the idea to paint this, hmm? Interesting." Hayon ang curious. Nasa boses na niya iyon.
"Mas maki-creepy ka sa akin," makahulugang sagot ko at pinagmasdan ko naman ang ipininta ko.
"Gusto mong malaman kung ano ang ibig sabihin nito?" tanong ko sa kanya at saglit na sinulyapan dahil mabilis ang pagtango niya.
Walang bago sa tinta ko, kulay itim at puti lang siya pero may halo ng pula. Sa isang puti at malinis na canvas, may isang babae ang nakatayo sa likuran ng batang babae na nakaupo sa tapat ng vanity mirror. Sa salamin din na makikita ang mukha ng babae na nakatayo at hawak niya ang magkabilang balikat ng batang babae. Sa salamin ay nakangisi ang babae kaya madalas nila akong tawagin na wicked dahil marami na akong subject na ipinipinta na puro nakangisi silang lahat.
Kahit bahagyang nakayuko ang batang babae ay nakikita naman ng malinaw ang mukha niya sa salamin. May matamis na ngiti ang nakapaskil sa mga labi niya.
"Sa tingin mo, bakit ganyan kung makangisi ang babae?" tanong ko at lumapit ako sa puwesto niya para mas makita ko sa malapitan ang paintings ko, "Na nakangiti naman ang batang babae at mukhang masaya siya," dugtong ko.
"Na kung tutuusin ay dapat magkapareho ang kanilang ekspresyon dahil sa isang bagay na hawak ng batang babae na tila itinuturo ito sa kanya," sagot naman niya at ako naman ang napatango.
"Na iyon naman ang dapat pero sa halip na ngiti ay iba ang ginawa niya. Siguro dahil sa sobrang kagalakan kaya siya ngumingisi?" tanong ko.
"Sapagkat may isa siyang nais na naging masunurin ang batang babae at sinunod ang gusto niya. Kaya nakikitang masaya siya kahit nakangisi na tila may isang bagay rin siyang gagawin na hindi maganda," dugtong naman niya sa akin, "Na tila ginagamit niya lamang ang bata para sa kanyang kapakanan," dagdag niya at napatingin ako sa kanya na sa pangalawang painting naman ang pinagmasdan niya.
Doon dumako ang mga mata ko. Iyong babae lang ang nag-iisang ipininta ko roon pero hindi tumugma sa ipininta ko sa salamin ang ekspresyon niya. Umiiyak ang babae...
"Sa tingin mo bakit umiiyak siya? Hindi tugma ang ekspresyon niya sa salamin. Nakangisi siya sa salamin pero sa personal ay umiiyak siya?" tanong ko.
"That not every emotion she shows is genuine. Her facial expression are just fake and pretentious, that's it," seryosong sagot niya at parang may pinaghuhugutan pa.
Ang huling tiningnan namin ay ang pangatlong painting, kung saan ang batang babae naman ang makikita namin. Lalo na ang dalawang litrato na hawak-hawak niya. Magkaiba ang mga mukha ng mga ito na tila dalawang tao rin sila.
"The little girl, instead of focusing on her face in the mirror, she diverts her attention in the other direction. In these pictures and just like that, through the pictures her mother drew, she discovered one of her talents," makahulugang sabi niya.
"Na siguro iyon talaga ang pinag-uusapan nila," I told her.
Simpleng painting lang iyon at siya na mismo ang nagbigay ng kahulugan na iyon kahit wala na akong ipapaliwanag pa tungkol sa pangatlong painting na ito. Siya ang creepy sa aming dalawa.
"Pero ang paggawa ng iba't ibang mukha ng isang tao at panggagaya ay isang makasalanan kaya nasagot ang sarili nating tanong kung bakit nakangisi sa salamin ang babae, na kanyang ina at ang pag-iyak niya...that was a trace of joy in the chosen path her daughter will take and I know it has a fourth painting."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya, "Sigurado ka?" tanong ko.
"Let me guess. Sa pang-apat na painting ay ang malinaw na mukha naman ng isang batang babae na hindi katulad ng nasa salamin ay nakangiti siya. Walang ngiti at kahit na ano'ng emosyon ang mga iyon..."
"Dahil kahit sinabi niya ang gusto niyang maging paglaki niya ay hindi siya sang-ayon o hindi niya nagustuhan ang naging desisyon niya," ako na ang nagpatuloy.
"Walang alam ang nanay niya sa totoong saloobin niya. Nakatutok sa salamin ang babae kaya hindi na niya nakita pa ang emosyon ng batang babae," sabi pa niya, "Sapagkat hindi naman mahalaga sa kanya ang kapakanan nito..." aniya.
"The whole story is never to force something someone doesn't want to do. Kahit na gustong-gusto mo pa rin iyon sa kanya ay huwag mong pagtulakan. Mas mahalaga ang opinyon at kasiyahan ng sarili mong anak. Dahil balang araw 'yang ngisi na 'yan ang maghahari sa kanya," sabi ko at itinuro ko ang babae sa salamin. Titig na titig siya sa sarili niya na nakangisi. Proud na proud ang gaga.
"Na ang ngisi ring 'yan ay ngayon palaging gamit ng batang babae," sabi ko at tiningnan siya.
Nakita ko ang pag-awang ng mga labi niya at kumislap ang mga mata niya na nilingon ako, "Paano...paano mo..."
"Pareho kayong weirdo. What's with the paintings?" bigla ay sumulpot ang walang hiya.
Nakita niyang nag-uusap pa kami pero heto siya. Kasama pa niya ang anak niya na ngayon ay gising na.
"Tsismoso," I mouthed him and he just raised his eyebrows.
"I'll pay for the paintings," sabi ng babae at bumalik ang matigas na aura niya.
Ibinigay ko lang sa kanya ang bank account ko at sa paraan na iyon ay mababayaran na niya ako. Ngiting-ngiti pa ako dahil nabili na ang natitirang tatlong painting ko.
Hays, another sold-out paintings...
"And Miss, wala ng pang-apat na painting 'yan. Ikaw lang ang nag-isip niyan, at para sa 'yong kaalaman... Ang eksena nila ay nakita ko na sa panaginip ko," nakangising sabi ko.
"I'm Mae Amor Wates. I'm painting collector. I'll be visit your studio next time. Thank you for this, Miss?" Naglahad siya ng palad sa akin.
"Rea, Rea Suwaib," bigkas ko sa pangalan ko at tinanggap ang pakikipagkamay niya sa akin.
"I'll be leaving. Nice to meet you."
"Likewise," tipid na sabi ko lang at binalingan ko na ang dalawa.
"Gising na si Markiana. Puwede ka nang umalis," pagtataboy ko kay Engineer Markin at nilapitan silang dalawa.
Sa puntong iyon ay hindi na nagmatigas pa ang anak ko at naagaw ko na rin siya sa wakas.
Hinalikan ko ang pisngi niya na hinabol naman ng mga labi niya.
"Aba, alam ko na kaya nakuha na kitang baby ka," ani ko. Inosenteng ngumiti lang siya sa akin at hinalikan ang pisngi ko kaya nag-iwan na naman siya ng laway roon.
"Okay... Bye, Lotus..."
"It's Markiana Reyan..."
"Lotus, bye," nang-aasar na sabi niya sa akin. Umirap ako.
"Shut up! Umalis ka na nga rito!" sigaw ko pa.
Tumango-tango naman siya sa akin at naglakad na palabas pagkatapos niyang magpaalam sa anak niya.
Parang doon lang ako nakahinga ng maluwag pero hindi ko inaasahan na dumating siya kinabukasan at gustong bilhin ang painting namin ni Markiana.