CHAPTER 19

1775 Words
Chapter 19: New client (Engineer Markin) "HINDI 'yan pinagbibili! Seriously?" hysterical na sabi ko sa kanya pero halos yakapin na niya ang painting namin ni Markiana. Para siyang bata na maaagawan ng isang laruan. "I want this... Sa akin na..." he said. Kung bakit ba naman kasi pinapasok ko siya sa kuwarto namin at nakita pa niya ang painting ko na kasama ko ang baby ko. Pastel color lamang iyon pero hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ng lalaking ito. Nagdududa na talaga ko sa kanya. Nandiyan ang mukha ko, oy. "Hindi 'yan kasali sa ibibenta ko. Ang kulit mo naman, Engineer!" sigaw ko sa kanya. "Babayaran ko ng double para sa isang painting mo. Come on, Rea. I'm your new client. Huwag ka ng tumanggi," pamimilipit pa niya sa akin. "Kung si Markiana lang ang nandiyan ay ipagbibili ko ang painting ko pero ang mukha ko riyan? Seryoso ka ba?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. He stared my face on the painting and smiled like an idiot, "What's wrong with that? I'm attractive to this girl, anyway," sabi niya kaya nabigla ako. Bumilis ng hindi normal ang t***k ng puso ko. Pinagsasabi niya? Wait... attractive? Attractive pa siya sa akin hanggang ngayon? "Hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo, Engineer Markin. Sa pagkakaalam ko sa mga engineer ay abala ang mga ito at dapat nasa site ka lang din at this moment!" sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang painting para agawin iyon mula sa kamay niya. Nagawa ko naman pero pumulupot naman ang braso niya sa baywang ko. Nanigas ang katawan ko at tumayo lahat ang balahibo ko sa katawan. Parang pinagpawisan ako agad. May maliliit na boltahe ng kuryente ang nararamdaman ko na nagmumula iyon sa kamay niya. Tumutusok hanggang sa kaibuturan ko. "Ipahiram mo na lang sa akin si Lotus kung ayaw mong ipagbili ito," suhestiyon niya na malapit sa tainga ko. Naramdaman ko tuloy ang mainit na hininga niya na dumapo sa aking balat. "Oo na!" pagsuko ko dahil hindi ko nakakayanan ang paglapit ng katawan niya sa akin na halos yakapin na niya rin ako. Nangangatog ang tuhod ko dahil sobra akong naaapektuhan sa paraan lang nang paghawak niya sa akin. Narinig ko ang matunog na pagngisi niya at kasabay no'n naramdaman ko ang malambot na bagay sa aking leeg. "The hell!" sigaw ko at tinulak ko siya palayo sa akin. Umalingawngaw sa apat na sulok ng studio ko ang boses niya. He's damn sexy voice, shet Engineer Markin. Huwag kang ganyan! Baka mahulog na naman ako! "Thank you, Miss," sabi niya sa akin at ang lawak-lawak ng pagngisi niya. Umirap ako sa kanya at pinag-usapan na lamang namin ang tungkol sa double payment niya sa isang painting lang. Aba siya ang nag-suggest niyan, panindigan niya. Pero hindi talaga nawaglit sa isipan ko ang paghalik niya sa leeg ko. Mariin na dumikit ang labi niya kanina. Naaalala ko lang ang ginawa niya sa akin noon. Puro marka ang katawan ko nang gabing iyon dahil sa makasalanan niyang mga labi. Naka-received naman ako ng email mula sa isang kompanya kung saan gumagawa ako ng horror book. Ngayon na kailangang ipasa ang mga iyon at personal talaga siya idadala sa editor nito. Napatingin ako kay Markiana na nasa mini-bed niya na nagkasya naman ako sa tuwing gusto kong tabihan siya roon. Nakahiga siya at pinaglalaruan na naman niya ngayon ang mansanas niya habang nakataas ang matambok niyang mga paa. Napangiti ako. Ang cute ng anak ko. Halos mapaigtad naman ako sa gulat nang maramdaman ko ang paghawak sa aking magkabilang pisngi at namilog ang mga mata ko nang makita ang lapit-lapit ng mukha ni Markin sa akin. Sa maling kilos ko lang ay magtatagpo na ang mga labi namin. Kailan pa siya nandiyan sa table ko at nakaupo?! Nakahilig siya sa akin at ano naman kaya ang binabalak niya? "You're so familiar, Miss... Your eyes...your beautiful face... Maybe yes, and we've meet at the party but I've never stared your lovely face this close... Because you are not paying attention to me, anyway," sabi niya at maging ang mabango niyang hininga ay nalalanghap ko rin. Teka, bakit niya sinasabi ang mga ito sa akin? Ano'ng hindi ko siya pinapansin? Eh, sa ibang babae yata siya nakatutok sa mga oras na iyon, ah. Bumaba ang mga mata niya sa labi ko at nakita ko ang bayolenteng paglunok niya, ang pagbaba ng adams apple niya at ang paraan din ng pagtaas nito. Hindi ko namalayan na nakahaplos na pala sa kanang pisngi ko ang kamay niya. "Can I kiss you?" he asked in a husky voice. Bago pa man ako makapagsalita ay siniil na niya ng mariin na halik ang mga labi ko. Ang lakas nang tambol sa dibdib ko dahil sa mabilis na pagkilos niya. Nagtatanong pa siya kung puwede niya akong halikan pero ngayon! Nakahalik na siya sa akin. Para akong kakapusin nang hininga at mabilis na nag-init ang magkabilang pisngi ko. Napapaso ako sa labi niyang nakadikit sa akin. Hindi naman siya gumalaw at tanging pagdampi lang iyon pero nag-iwan pa rin iyon ng bakas. Kuryente... at nakaliliyong pakiramdam. Humiwalay siya sa akin pagkatapos at nakaawang ang mga labi niya na namumula na ngayon. Namumungay ang mga mata niya at napakarahan ng bawat pagkurap niya. "Damn it," mahinang mura niya at sinakop niya ulit ang labi ko. Para mas dumiin iyon ay hinawakan niya nang mahigpit ang batok ko. Hinahalikan niya ako habang nakaupo ako sa swivel chair ko at siya nakaupo sa dulo ng mesa ko. Mas mahirap ang posisyon niya dahil sobra ang pagkahihilig niya sa akin para lang mahalikan ako. Gumalaw ang mga labi niya na kung bakit nagpaubaya ako sa mga oras na iyon. Sinabayan ng paghagod ang mga labi niya sa akin hanggang sa maramdaman ko ang pagkagat niya sa pang-ibabang labi ko para lamang makapasok sa loob ng bibig ko ang dila niya. Nagiging mapusok ang mga halik niya at nakawawala ng ulirat. Nakakalimutan ko ang lahat ng dahil sa kanya. Kung hindi lang namin narinig ang pag-iyak ni Markiana ay hindi kami titigil. Mas nauna siyang lumapit kay Markiana at kinuha ito. Marahan na niyugyog niya ito at hinihele para tumahan na sa biglaan na pag-iyak nito. Napaisip naman ako. Ganito rin kaya siya sa anak ni Leighton? Kung umiiyak din ba ang anak ni Leighton ay ganito niya rin kung ihele ang bata? O baka...ginagawa niya lamang ito dahil nakikita niya ang batang iyon sa anak ko? Parang may kung ano'ng bagay ang bumaon sa aking dibdib pero...naniniwala pa rin ako sa lukso ng dugo. Alam kong genuine ang pag-aalaga niya sa anak namin... Kahit wala siyang ideya sa bagay na iyon. Alam kong makasarili nga ang itago ko mula sa kanya ang anak niya. Pero naaalala ko lang ang clan nila. Iyon ang mas ikinatakot ko. NAPAGKASUNDUAN namin ni Engineer Markin na isama niya si Markiana sa kanya. May tiwala naman ako na hindi niya ipapahamak ang anak niya. Komportable na komportable sa kanya ang cute na baby na 'yan. Na pinakamamahal ng Mommy niya. Hinatid pa niya ako sa pupuntahan ko at may sarili na siyang driver ngayon. "Saan kayo? Saan mo dadalhin si Markiana?" tanong ko sa kanya bago ako bumaba mula sa kotse niya. Nakatingala sa akin si Markiana. Patawad anak ko, hindi pa talaga kita maipapakilala sa Daddy mo. Bigyan mo pa ako ng sapat na panahon upang paghandaan ang tungkol sa 'yo. Napakahirap pa sa ngayon... "Sa hospital. Alam mo namang nasa hospital si Theza, right?" aniya at tumango naman ako. "Sandali lamang ako. May ipapasa lang ako sa--bakit ko ba sinasabi ito sa 'yo?" bigla ay saad ko at tumaas na naman ang sulok ng mga labi niya. Inirapan ko siya. "Ihatid mo sa studio ko ang ana--pamangkin ko," mariin na sabi ko. Muntik na akong mabuking! "At kung makita ko lang na may bakas ng luha ang pilikmata niya... Lagot ka sa akin," I warned him pero sa halip na matakot sa pagbabanta ko ay ngumisi lang talaga siya. "What you gonna do, Miss?" malambing na tanong niya. "Tse!" Humilig ako kay Markiana at nahalikan ko ang matambok nitong pisngi kahit nasa bisig pa niya ang anak ko pero hinila niya ang braso ko at napaharap ako sa kanya. Matunog na hinalikan niya ang gilid ng labi ko. Napaatras ako at bago pa nagsara ang pintuan ng kotse niya ay nakita ko pa ang p*****a niya sa labi niya. "p*****t!" sigaw ko at kasabay no'n ang pag-usad ng sasakyan niya. "Tang-na ng isang iyon, ah! Nakararami na siya!" inis na sabi ko at nagawa ko pang magpadyak. Pumihit na ako at pumasok sa kompanya. Walang bago na ako na naman ang pinagtitinginan nila. Maayos ang suot ko ngayon, black outfit nga lang. Katulad ng madalas kong sinusuot. "Ang ganda nito, Miss Rea. Kunin mo na lang ang full time mo as official illustrator namin," ani ng cheif editor namin pero umiling ako. "Stick po ako sa passion ko bilang artist, Sir. Maganda po ang offer niyo pero hanggang ganito lang po ang trahabo na makakaya ko...sa ngayon," magalang na sabi ko. He just nodded his head at hindi naman siya mamimilit ng mga empleyado niya. Ang pangarap ko lang ay maging painter. Ang makilala ako bilang artist kahit hindi gaano sikat dahil iilan lamang ang nakakakilala sa akin. Saka... Hindi ko rin talaga puwedeng kunin ang full time work dahil kay Markiana. Hindi ko siya puwedeng ihatid sa probinsya at ang mga magulang ko na naman ang mag-aalaga sa kanya. Hindi pa nga raw sanay ang anak ko na wala ang presensiya ko, na wala ako sa tabi niya. Kaya siya nagkakalagnat dahil hinahanap niya talaga ako at nagbi-breastfeed pa siya. "Okay lang. Basta palaging bukas ang offer ko, Miss Rea. Magkakasundo talaga kayo ng writer mo," sabi niya at itinuro niya sa akin ang isang babae. Siya lang ang nagsusulat at sa kanya ang storya. Ako lang ang nagbibigay buhay sa mga karakter niya. Kung tutuusin, mas mahirap ang trabaho ko bilang illustrator pero ayos na rin iyon. May ibang pinagkakakitaan ako, maliban sa pagbebenta ko ng mga painting. Nagpaalam na rin ako pagkatapos at pauwi na sana ako nang masalubong ko si Leighton. Kasama niya si Annaliza. Wala akong balak na magpakita sa kanila pero hinarangan nila ako at gusto pa akong makita. "Naalala niyo naman ang ginawa niyo sa akin isang taon na ang nakararaan, hindi ba?" malamig na tanong ko sa kanila at tinaasan ko pa sila ng kilay. "I just want to talk to you, Rea. Wala kaming masamang gagawin sa 'yo... Please, tungkol ito kay Markin..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD