CHAPTER 20

1708 Words
Chapter 20: Astrid's father NAGSALUBONG ang kilay ko dahil sa rason niya kung bakit gusto niya akong makausap. Sa dami-rami ng maisip niyang palusot ay iyon pa? Mukha ba akong interesado na pag-usapan ang engineer na iyon? At paano ba nila nalaman na nandito ako? May alam na ba ang dalawang ito? Pati ba ang studio ko ay natunton na nila? Hindi puwedeng guluhin pa nila ang buhay ko! "Leighton, Annaliza, ayokong makipag-usap sa inyo at bakit ang engineer na iyon ang iginigiit niyo sa akin para lamang makausap ako? Asawa ko ba iyon para pag-usapan natin at humihingi kayo ng permiso ko? Wala tayong pag-uusapan tungkol sa lalaking iyon. Puwede bang tigilan niyo akong dalawa? Nakalimutan niyo na ba ang ginawa niyo sa akin noon? Ang laki ng atraso niyo sa akin, ah!" sigaw ko sa pagmumukha nila at napaatras pa sila dahil sa gulat. Kahit sinabi ko na ayoko silang makausap ay nasa mukha nila ang pagkadesperada na kausapin ako. Hindi nila ako titigilan hangga't hindi ako sumasama sa kanila. "We're just drunk at that time, Rea, and we were just playing." I gritted my teeth dahil sa sinabi ni Annaliza. Playing?! Naglalaro lang talaga sila?! Eh, balak nilang ipa-r@pe ako sa Christian na iyon! Lasing?! Lasing lang sila noon kaya naisipan nila ang tangnang laro na iyon?! "Mukha ba akong nakikipaglaro sa inyo ng gabing iyon? Tapos sasabihin niyo sa akin na lasing lang kayo?Nilagyan niyo ng drugs ang alak! Kaya pala pinipilit niyo akong uminom no'n! Alalahanin niyo ang laki ng atraso niyo sa akin!" sabi ko pa at matalim na tiningnan ko sila. Dinuro-duro ko pa ang makapal na mukha nila. "Ang lakas pa rin ng loob niyo na kausapin ako at magpakita pa sa akin! Walang kapatawaran ang ginawa niyo sa akin nang gabing iyon!" asik ko sa kanila. "Hindi naman iyon natuloy, Rea. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit magkasama na kayo noon ni Markin sa isang silid?" tanong ni Leighton sa akin. She seems curious. Tumaas ang sulok ng mga labi ko at sumilay na ng tuluyan ang ngisi ko. Nakita ko ang pagtiim bagang ni Leighton at para akong susugurin na ng malakas na sampal ni Annaliza. "Pareho kayong...nakainom noon kaya may nangyari sa inyo at iyon na ang anak mo..." she added. I shook my head dahil ayoko talagang makasama sa isang lugar ang dalawang bobita na ito. Mas nag-iinit ang ulo ko dahil sa kanila. Nakaka-stress ang pagmumukha nila. "Binalaan mo na ako noon, Leighton. Na huwag kong sabihin kay Engineer Markin ang pagdadalang tao ko. Lalo na ng malaman mo na babae ang pinagbubuntis ko," seryosong usal ko. "Dahil bawal magkaroon ng babae sa pamilya nila!" sabat ni Annaliza. Nasa boses niya ang tila nagsasabing, "Tanga ka ba?" "Eh, bakit gusto niyo pa ring kausapin ako tungkol sa lalaking iyon?! Pakialam ko ba sa engineer na iyon, ha?!" naiinis na sigaw ko. "Dahil balak kong ipakilala sa Brilliantes clan ang anak ko! Kahit hindi puwede sa kanila ang magkaroon ng anak na babae!" sigaw ni Leighton at natigilan ako. "At bakit sinasabi mo `yan sa akin?" tanong ko pa. Ipapakilala lang pala niya ang anak niya sa pamilya ni Markin pero... Teka...totoo kaya na ang lalaking iyon ang ama ng anak ni Leighton? Pero...ano naman ang kinalaman ko sa bagay na iyon? Bakit pa sila nag-abalang puntahan ako at kausapin? "Tama ang hula mo, Rea. Anak ni Markin si Astrid," mahinahong sabi pa ni Leighton na ikinatango pa ni Annaliza, "I've already asked him about it but... he doesn't want that because our daughter might be in trouble. Nagbago naman ang isip niya noong hindi ka pa dumating pero nang nakita ka na niya at ang anak mo... Ayaw na niyang ipakilala ang anak niya sa pamilya niya dahil...dahil may hint si Markin na posible siya ang ama ng anak mo... Baka...naaalala na ang gabing iyon. Inakala niya rin kasi na ako iyon..." mahabang saad niya. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa nalaman ko. Umawang ang labi ko sa gulat. Kaya ba nagsisimula na siyang kulitin kami ni Markiana? Kaya ba pumunta siya sa studio ko at nasabing hihiramin niya ang anak ko? Binili pa ang painting naming mag-ina... Binayaran ng doble at sinabi pa niya na attractive siya sa babaeng nasa painting na iyon. Pero ang akala ko ba ay anak ni Leandro ang batang iyon? Bakit naging si Markin na? "Ang sabi sa akin ni Markin ay si Leandro ang ama... Paanong naging siya na agad?" naguguluhan na tanong ko sa kanya. Baka nagsisinungaling lang siya. Imbento nito ay hindi nakatutuwa. "Dahil... Dahil palabas lamang iyon. Baka malaman ng pamilya niya na anak niya si Astrid. Kilala ako ng Brilliantes clan at nakikita nila ang closeness namin ni Markin." Wala akong pakialam sa bagay na iyon. Kahit na gusto pa siya ni Markin. "You know what, Leighton. Ang best friend mo ang kausapin mo tungkol diyan at wala akong kinalaman sa problem niyo. Hindi tayo magkaibigan kaya labas ako sa issue niyo," masungit na sabi ko at nagsimula na akong maglakad palayo sa kanila. "Magbabago ang isip ni Engineer Markin kung babalik ka sa probinsya, Rea. Na kung hindi ka na magpapakita pa sa kanya. Gawin mo naman ang bagay na nararapat," pahabol na sabi ni Annaliza pero hindi ko na iyon pinansin pa. Nakakakaba ang malaman na may hinala na ang Daddy ni Markiana at totoo kaya? Totoo kaya na siya talaga ang ama ng anak ni Leighton? Pero bakit ba talaga sinabi niya iyon sa akin dati? O baka hinuhuli niya lamang ako? Na baka naniniwala talaga siya na si Leandro rin ang ama ni Markiana? Ano ba talaga? Naguguluhan na ako at bakit na nagbago ang isip ng gagong iyon?! Kung totoo nga na anak niya ang batang Astrid na iyon ay bakit nagbago ang isip niya at hindi na niya ipapakilala pa ang anak niya? Sa paanong paraan kami na naging dahilan kung bakit nagkaganoon na lamang ang utak ng isang iyon?! Pagbalik ko sa studio ay `saktong dumating din ang kotse ni Engineer Markin. Kabababa lamang niya mula sa sasakyan niya ay agad ko nang inagaw sa kanya ang anak ko. "Dahan-dahan naman..." mahinang suway nito sa akin. Sa totoo lang ay feeling close ang lalaking ito. Sa pagkakatanda ko ay hindi naman kami magkaibigan, hindi ba?! Pero narinig ko ang maliit na boses sa isip ko. Pero nahalikan ka na niya at tumugon ka pa ng halik... Tangnang pag-iisip na `yan! Nadala lang naman ako! Napatingin ako sa anak ko at nakita ko ang pamamasa ng pilikmata nito at namamaga na rin. Hilam ng luha ang pisngi niya. Umiyak ang baby ko! Matalim na tiningnan ko agad ang engineer na ito. Parang may apoy ang umuusok sa butas ng ilong ko at any moment ay bubuga na rin ako ng apoy mula sa bibig. "Bakit basa ang pilikmata niya? Pinaiyak mo ba si Markiana?! Ano'ng ginawa mo?! Ano'ng ginawa mo sa anak ko?!" supladang tanong ko sa kanya at hindi naman natakot sa akin si Markiana. Sumubsob ito sa leeg ko at naririnig ko pa ang mahihina niyang paghikbi. Hindi pa tapos sa pag-iyak ang baby... "Bigla na lang siyang umiyak. Wala akong ginawa kay Lotus, kulot," dispensa niya pero pinanlakihan ko siya ng mga mata ko. "Walang ginawa?! Pero bakit umiiyak ito?! Narinig mo ba ang mahihina niyang paghikbi?!" tanong ko sa kanya at nakagagalit lang. Kung iiyak lang pala sa kanya ang anak ko ay hindi ko na sana siya isinama pa sa lalaking ito. Ako nga ay takot na takot na makita ang pag-iyak ng anak ko dahil nasaksaktan ako sa tuwing nakikita ko ang mga luha niya. "I don't know. Believe me..." sincere na sabi naman niya pero inismiran ko lamang siya. Hindi ako naniniwala na wala nga siyang ginawa sa bata. "Siguro dahil...natakot yata sa mga kapatid at pinsan ko kanina. Dumating kasi sila. Pinagpasa-pasahan siya dahil ayaw niyang tumigil sa pag-iyak. Pilit siyang inaalo at hinihele pero mas lalo siyang umiiyak," pahayag niya. Natigilan ako dahil doon. Ano'ng pinagpasa-pasahan nila ang anak ko?! "Mukha bang laruan ang batang ito para pagpasa-pasahan niyong mga gago kayo?!" sumbat ko. Kinalikot ng daliri niya ang tainga niya dahil naingayan yata siya sa akin. O nabingi na dahil sa pagsigaw ko? "Pinapatahan lamang siya. Tumigil lang siya no'ng dumating si Grandpa..." Tangna! Ano'ng dumating ang Lolo niya?! Kung ganoon ay nakita na ng matandang iyon ang anak ko?! Teka nga lang... Bakit ako kinakabahan? Eh, sa pagkakakilala ko naman sa Lolo ng hayop na ito ay mabait naman iyon. Siya ang naging first client ko sa exhibit sa probinsya. Pero kinakabahan talaga ako na baka makilala nila si Markiana. Natatakot pa ako para sa bagay na iyon. Huwag naman sana... Susumbatan ko pa sana siya nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ito nang hindi talaga umaalis sa harapan ko. Hindi ko na narinig pa ang hikbi ni Markiana at mukhang nakatulog ang bata. "Leighton? What happened to Astrid?" narinig kong sabi niya at dahan-dahan siyang tumalikod sa amin. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan niya and just like that. Umalis siya ng hindi nagpapaalam sa amin... I mean kahit hindi naman kailangan, kasi pakialam ko naman sa kanya? Pero napaka-disrectful ang ganoon dahil hindi talaga siya nagpaalam, like "aalis na ako." Bigla na lamang siyang umalis. Hinagod ko ang likuran ni Markiana dahil sa marahan na paggalaw niya. Pumasok na kami sa studio at umupo ako sa sofa. Matiim na tinitigan ko si Markiana. Hinaplos ko ang matambok niyang pisngi at pinaghahalikan iyon, "Bakit ka umiyak, love? Natakot ka ba sa kanila? Natakot ka ba sa pamilya ng Daddy mo?" mahinang tanong ko sa kanya. Nakatulog nga ang baby ko. Siguro napagod ito sa kaiiyak niya. "Ilalayo na talaga kita sa Daddy mo, love. May anak na pala iyon at binalak na ng gunggong na ipakilala ang anak niya sa pamilya niya. Napakasinungaling niya rin. Tapos ikaw sasabihan niya na anak ni Leandro? Ni hindi niya yata naisip na puwedeng anak ka rin niya..." sabi ko at napabuntonghininga na lamang. Pero sa nalaman ko kanina ay nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Totoo kaya? Totoo ba talaga ang sinabi nila sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD