Chapter 21: Dada (Markiana)
NAPASILIP ako sa terrace ng studio ko nang marinig ko ang pagbusina ng sasakyan sa labas. Bumaba ang tingin ko at nakita ko ang paglabas ni Engineer Markin mula sa sasakyan niya. Napakasuwabe ng bawat galaw niya. Grr... Hustisya...
Tumayo siya sa tapat ng nguso ng kotse niya at ipinuwesto ang magkabilang kamay sa baywang niya. As usual ay sa ganitong kaaga ay pupunta na siya sa agad pero makikitaan sa mukha niya na parang ang laki ng problema niya sa buhay dahil tila stress siya.
Sobrang aga niya yata gumigising para lamang maabutan niya na kung kailan ko bubuksan ang studio ko. Dahil madalas niyang naaabutan na sarado ito.
Isang linggo na niya `yan ginagawa at pagkatapos lang nang pag-uusap namin--hindi pala dahil bigla siyang umalis ng araw na iyon ay hindi ko na binuksan pa ang studio ko at hindi na rin kami nagpakita pa sa kanya.
Hindi dahil sinusunod ko ang inuutos ng mga babaeng iyon. Sina Annaliza at Leighton. Sino sila para sundin ko ang mga utos nila? Hello, buhay ko ito at may sarili akong desisyon.
"Da..." Nilingon ko ang anak ko dahil sa biglaang pagsambit niya ng dalawang letra na iyon. Umawang ang mga labi ko dahil nakatingin din siya sa baba. Kung saan nakatayo ang Daddy niyang epal sa buhay namin.
"Da..." sambit pa niya at humaba ang nguso. Hinawakan niya ang pisngi ko na para bang gusto niya rin na ipakita sa akin ang nakikita niya ngayon.
Umiling ako at mas humaba ang nguso niya, "Da?" parang patanong na sambit niya.
"Ano'ng da, baby ko? Walang dada na `yan," ani ko dahil hindi ko naman naintindihan kung ano ba ang sinasabing da nitong makulit na bubwit.
"Da?" sambit niya ulit. Akmang papasok na sana kami sa kuwarto namin dahil baka makita pa kami ng engineer. Mapapansin niya kami rito sa terrace. Nagsisimula na siyang mag-ingay.
Oo, pinagtataguan namin ang lalaking iyon. Baka isipin din no'n na wala kami at nagpunta sa lugar na wala na siyang pakialam pa roon.
Pero napahinto ako nang biglang sumigaw si Markiana dahilan na nakuha namin ang atensyon ng Daddy niya. Napatingin ito sa itaas, particular na sa terrace at nagsalubong ang mga mata namin.
"Dada! Dada!" paulit-ulit na sambit ni Markiana. Nanlaki ang mga mata ko nang maintindihan ko na ang sinasabi niya. Kung bakit dada siya nang dada.
"Dada! Dada! Dada..." paulit-ulit na sambit niya at itinuturo pa niya si Engineer Markin saka siya pumalakpak.
"Lotus..." Mas lalong gumalaw-galaw ang anak ko sa bisig ko at tumili pa nang tawagin siya nito. Hindi naman niya pangalan iyon, eh. Itong baby na ito talaga...
Nasa baba pa rin ang tingin niya at parang gusto na rin niyang bumaba. Dahil sa pagkabigla ay naibaba ko na nga siya.
"Rea si Markiana!" sigaw sa akin ng lalaki pero hindi ko siya pinansin.
"Dada... Dada..."
Bumalik lang ako sa sarili ko nang makita kong nakaluhod na ang baby ko at nakahawak sa railing. Pilit na inaabot ng matambok niyang kaliwang kamay ang Daddy niya.
"Dada..." sambit pa niya at muli kong binuhat ang favoritism na ito.
Iiyak talaga ako nito ng bonggang-bongga!
"Dada?" Umigkas pataas ang isang kilay ko nang makita ko ang pagtaas ng sulok ng mga labi niya.
Ang kanina na stress na pagmumukha niya ay parang umaliwas ulit. Naging fresh ulit? Nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng slacks niya at naaaliw na tiningnan niya si Markiana.
"Did you just call me, Dada means Daddy, little champ?" amused na tanong niya sa bata. Umirap ako lalo na ng tila sumagot sa kanya ang anak niya at sinabayan pa ng pagtango.
"Dada! Da...da..."
"I miss you, so much Lotus... Inilalayo ka yata sa akin ng Tita mo..." sumbong niya sa bata. Tsk.
"Ma..." Nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa bagong salita na naman ang lumabas sa bibig niya. Don't tell me tatawagin niya rin akong Mama?!
Favoritism siya, eh. Ako ang nagsilang sa kanya, kasa-kasama ng ilang buwan pero ang Daddy niya lang pala ang una niyang tatawagin?!
"Ma... Da...da..." Hindi ko alam kung maiinis ako sa baby na ito o makakahinga ako ng maluwag.
Maiinis dahil ang Dada pa rin ang binigkas niya o felt relief dahil hindi niya ako tinawag na Mama para hindi malaman agad ng engineer na ako talaga ang biological mother niya?
"Dada!" sigaw niya na halos tumili na talaga. Parang excited na makita ulit ang Daddy niya.
"Rea." I ignored him at pumasok na ako sa kuwarto habang buhat ko pa rin ang anak ko.
Ibinaba ko siya sa kama at humahaba ang nguso ko dahil nakakatampo siya.
"Bakit ang Daddy mo agad ang tinawag mo, love? Bakit hindi Mommy or Mama? Ikaw ha, favoritism ka na talagang baby ka... Dapat ako ang tinatawag mo bago siya," nagsusungit na sabi ko sa kanya. Bumungisngis lang siya at nag-ingay na naman.
"May favoritism ka sa akin. Ang daya mo sa akin, love..." sabi ko at mariin na hinalikan ko ang pisngi niya. Dahil sa tagal ng pagkakadikit ng labi ko roon ay namula ang matambok niyang pisngi.
Amoy pulbo at gatas pa ang baby ko. Baby na baby nga, eh. Marunong ng tumawag ng Dada, ilang araw pa lamang niya nakakasama iyon, ah.
"Napakaduga mo, love... Ako naman... Tawagin mo akong Mommy... Ma...mi. O puwede ring Mama... Sige na, love. Say Mama... Ma... Ma... Mama..." sabi ko at hinihintay ko ang paggaya niya sa bibig ko pero iba pa rin ang lumalabas.
"Dada... Dada..."
"Tse!" inis na sabi ko at kiniliti ko siya. Mas lumakas ang pagbungisngis niya. Hinalikan ko rin ang leeg niya.
"D-Da...da... Dada!" sigaw niya. Napahinto rin ako sa pagkiliti sa kanya nang may sumampa sa kama naming mag-ina at gulat na gulat na napatingin ako kay Markin.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok sa loob?!" hysterical na sigaw ko sa kanya. Hindi siya umimik at tinanggal niya lang ang black leather shoes niya at iniwan lang ang medyas niya. Saka siya tumabi nang higa sa anak niya.
"What are you doing?! Sarado ang front door, ah! Saan ka pumasok?" asik ko. Itinuro niya ang isang banda at hinabol ko iyon nang tingin. Ang terrace. Sa terrace siya pumaso--umakyat?! Seriously?
"Paano kung nahulog ka roon?! Kargo de konsensya pa kita!" sigaw ko pa sa kanya.
Hindi talaga siya nagsasalita at umiigting lang ang panga niya. Dumapa si Markiana at binuhat niya iyon. Ibinaba niya lang sa dibdib niya at hinalikan ang pisngi nito. Bakit mukhang nagpapalambing siya sa anak niya?
"What are you doing?" tanong ko.
Wait... Hindi naman sana niya narinig ang kanina hindi ba? Hindi naman niya ako narinig, `di ba? Kinakabahan talaga ako, eh...
Pero mukhang wala naman siyang narinig.
"May problema ba tayo, Rea?" Sa wakas ay nagsalita na siya pero bakit iyon ang lumabas sa kanyang bibig?
"Ano'ng pinagsasabi mo? Ano'ng problema natin? Kung makapagtanong ka ay ang akala mo naman ay tayo," supladang saad ko at binigyang diin ang salitang tayo.
"Isang linggo mo na akong iniiwasan, Rea... Hindi ko na rin nakikita si Lotus. Hindi ka na rin nagbubukas pa ng studio mo. Galit ka ba? Nagalit ka ba sa akin dahil umalis ako ng araw na iyon ng hindi nagpapaalam sa inyo?" seryosong tanong niya.
"Bakit naman ako magagalit sa `yo? Ano ba kita?" Bakit iyon ang naisip nito? Nagalit ba ako? Tsk!
"Tell me, Rea..." marahan ang boses na saad niya. I rolled my eyes.
"Ano ba ang ginagawa mo rito? Wala ka bang trabaho ngayon? Kaya kami rin ang inaabala mo?" puna ko.
"Aalis kayo? Saan kayo pupunta?" sa halip ay tanong niya. Napabangon siya sa kinandong si Markiana.
Nakatingin siya sa bagahe namin ni Markiana. Hinanda ko ito kagabi dahil uuwi kami sa probinsya. Birthday ni Lola Areah at dapat present kaming apo niya sa araw na iyon. May piyesta rin sa lugar namin. Balak nga namin na aalis mayamaya.
Hinintay ko lang ang pagdating ni Markin sa studio namin hindi dahil magpapasama kami, ah. Gusto ko lang masigurado na hindi niya kami makikita, maabutan sa pag-alis namin at tatanungin pa ng kung anu-anong bagay. Wala na kaming panahon pa para makipagchikahan sa kanya.
"Oo, aalis kami at wala ka ng pakialam pa roon."
"Aalis ka, Lotus? Iiwan mo si Dada, love?" Gaya-gaya ang hayop!
"Hmm? Saan kayo pupunta, love? Iiwan mo ako rito?"
"Dada..."
Napairap ako at umalis sa kama. Pigil na pigil ko ang sarili ko na tadyakan ang lalaking ito. Bakit ba niya kami kinukulit ngayon?
Hindi na ako napansin pa ni Markiana dahil nakikipag-usap na siya sa Daddy niya kahit hindi naman siya naiintindihan nito. Lumabas na lang ako sa kuwarto at tinungo ang opisina ko.
"Tangna. Hindi pa yata kami makakaalis ni Markiana mamaya kung hindi pa iyon aalis dito. Ano ba kasi ang ginagawa niya rito? May nalalaman na ba talaga siya?" sunod-sunod na tanong ko at bumuntonghininga.
Kinuha ko ang phone ko na bihira ko lang gamitin kung hindi lang ako tumatawag kina Nanay. `Sakto na may nag-message sa akin at unregistered ang number niya.
From: +63 985 448 2402
Hi, si Rexus ito, Reyang. Save my number, please. Nasa Manila ako ngayon. Puwede ba akong dumalaw sa studio mo minsan?
Kumunot ang noo ko dahil bakit bigla ay napa-text si Rexus? At saan naman niya nakuha ang numero ko?
From: +63 985 448 2402
Hiningi ko pala ang number mo kay Tita. Baka magtaka ka.
Para saan naman? Alam ba ito ni Annaliza? Selosa at demonyita pa naman ang isang iyon. Baka si Rexus na naman ang dahilan at mapasugod na naman dalawang dalawa sa akin.
Bakit niya hiningi ang phone number ko? At bakit naman siya pupunta rito? Hindi na kami magkaibigan, no. Asa siya.
Wala akong balak na reply-an siya kaya naisipan kong itago na lamang iyon ulit pero nagulat ako nang may umagaw sa phone ko. Ang bilis ng kamay!
"Shet!" mura ko.
"Watch your language, Miss," suway nito sa akin at nasa kamay niya ang phone ko. Nasa bisig pa rin niya si Markiana.
"Tangna mo. Ibalik mo sa akin ang phone ko!"
Tumayo ako para habulin siya at makuha ang phone ko. Baka may kung ano pa na makita siya roon. May password iyon pero kababasa ko lang sa message kanina ni Rexus kaya malamang nakabukas na iyon.
"Engineer Markin..."
"Just wait." Ibinalik din naman niya sa akin ang phone ko pagkatapos ang saglit na pag-ri-ring ng cellphone niya.
"I call you when I'm not busy or everytime..." nakangising sabi niya.
Magpapalit ako ng simcard! Dahil tatawag talaga siya? Seryoso ba siya?
"Hindi ba kami nakakaabala sa `yo, ha? Umalis ka na nga at alam kong busy kang tao! Marami kang trabaho!" pagtataboy ko sa kanya.
"Love... Inaaway ako ng maganda mong Tita. Hindi na niya ako iniiwasan, love..."
"Hoy! Ako lang ang puwedeng tumawag kay Markiana na love!" Palagi na lang akong sumisigaw.
"Napapansin ko, ha kulot. Bakit ang init-init ng ulo mo sa akin? Kumukulo ba palagi ang dugo mo sa tuwing nakikita mo ako?" tanong niya.
"Dahil baka sugurin na naman ako ng girlfriend mo! May anak ka na raw..." diretsang sabi ko. Natigilan naman siya at napatingin sa akin.
"Kinausap ka ni Leighton? Ano'ng sinabi niya sa `yo?" So, hindi niya talaga iyon tinanggi? Girlfriend niya si Leighton at anak niya talaga iyon? Alam niya agad kung sino ang tinutukoy ko.
So, ano ang purpose niya na pumupunta pa rito? Seriously? Bakit hindi si Leighton ang puntahan niya at hindi sa anak niya na makipaglaro siya?
"Hindi ko anak si Astrid," mariin na sabi niya.
"Pero girlfriend mo na ang best friend mo?" nanunuyang tanong ko pa.
"Hindi, Rea," tanggi niya.
"Eh, kanino ba talaga anak ang batang iyon?"
"Kay Leandro nga..." Parang nauubos ang pisi ng pasensiya niya.
"At kanino nga ba talaga anak si Lotus?" Bayolente akong napalunok ng ibalik niya sa akin ang tanong ko.
Wala ka ng pakialam doon. Iyon sana ang sasabihin ko pero mukhang...nagalit siya?
"At Rea, hindi ako magkakaroon ng anak sa iba," sabi pa niya at diretso ang mga matang tiningnan ako.
Parang may nalalaman siya na ano...kung makatingin siya, ha. May laman.
"Tell me, Rea... Is she your daughter, right? Hindi mo siya pamangkin. Hindi siya anak ng kahit sinu-sino lang..." Napaatras ako dahil sa biglaan niyang paghakbang. Naging tahimik ang anak niya at parang seryoso rin siyang nakatingin sa akin. Naghihintay rin yata sa isasagot ko.
Ano nga ba ang isasagot ko? Eh, wala akong maisip... Kinakabahan ako.
"Ma...ma?" Mariin na napapikit ako dahil sa sinambit ni Markiana.