CHAPTER 24

2186 Words
Chapter 24: Their moments "DADA?" patanong na tawag ni Markiana sa Daddy niya. "Yes, love?" malambing na tanong naman ng lalaking ito. "Markiana, puro ka Dada Dada. Ako naman ang tawagin mo. Say Mommy... Ma...mi... Sige na, baby ko..." nakangusong sabi ko sa kanya. Humilig siya sa dibdib ko at saglit niya lang akong sinulyapan. Natawa ang kasama namin dahil tuwang-tuwa sa atensiyon na ibinibigay sa kanya ng anak niya. "Dada... Dada..." "Yes, love..." Napairap ako nang makita ko ang pagngisi ng engineer. Pinagtaasan pa niya ako ng kilay. "Favoritism," I murmured na mukhang narinig pa niya dahil bigla siyang humalakhak. Tinanggal niya ang seatbelt niya at humilig para lang kintalan ng halik ang pisngi ni Markiana. Dahil sa tuwa naman ng baby ay hinawakan ang magkabilang pisngi niya at humalik din pero nag-iwan pa ng laway. "You're just five months old, love. Pero kaya mo nang tawagin si Daddy. I'm so proud of you..." he said and I rolled my eyes. Bumalik siya sa puwesto niya at sinukbit ang seatbelt sa kanyang katawan. Nagsimula na rin siyang magmaneho. "Daan muna tayo sa Jollibee para bumili ng snack at kainin natin along the way?" suhestiyon niya na tinanguan ko na lang. Siya lang ang lumabas para bumili ng makakain namin sa biyahe at dalawang plastic bag na ang dala niya pagbalik niya. Sa kalagitnaan ng aming biyahe ay binuksan niya ang stereo niya at nagpatugtog. 'Sakto pa na rock ang kanta kaya ang hyper na baby na kasama namin ay mas gumalaw sa lap ko. "Markiana..." Mariin na napapikit ako at mahigpit na hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko naman tinanggal ang baby bag niya pero talaga naman, eh... Hindi lang katawan niya ang gumagalaw at pati ang matambok niyang legs ay sumisipa sa hita ko. Patagilid siyang nakaupo para mabigyan ng laya na pagmasdan ang Daddy niya. "She's hyper..." ngiting-ngiti na sambit ni Markin. "Noong bata pa ako ay hindi ako ganito! Baka sa 'yo ito nagmana," panunumbat ko sa kanya. "I'm behave, kulot," tanggi niya. "Hindi naman siya ganito, eh. Behave lang din siya... Markiana, stop that..." parang maiiyak na sabi ko at ang maliliit niyang braso ay tumatama sa mukha ko. "I-turn off mo na nga ang stereo mo," sabi ko. Umiling lang siya dahil natuwa siya sa pagsayaw ni Markiana, eh ako lang ang nahihirapan dito. Dahil sa inis ko ay ako na ang nagpatay ng stereo. Huminto na ang kanta at napatitig pa sa akin si Markiana. Hindi naman siya kumibo at humilig ulit sa dibdib ko. Tumunog na naman ang phone ni Markin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis. Huwag mong sabihin na si Leighton na naman 'yan?! One call away pa naman ang lalaking ito. Ipinatong niya ang phone niya malapit sa stereo at sinagot ang tawag pero naka-connect ito kaya maririnig namin ang boses ng kausap niya mula sa kabilang linya. "Yes?" sagot ni Markin. "Where have you been, Kuya? Kanina pa ako rito sa opisina mo't naghihintay. Pero hindi ka naman dumarating," sagot naman ng kausap niya. Kuya? May nakababatang kapatid pa ba siya? "Hindi ako papasok ngayon sa trabaho. Why?" "Kailangan ka namin dito. Wala si Kuya Markus. Hindi namin siya ma-contact," sabi ng lalaki. "Kuya Markus will be back after a week. Just wait for him, he's with Theza. Where's your Kuya Mergus? Siya ang tawagan mo, Michael." Si Michael ang kausap niya pero sino na naman ang Kuya Mergus na 'yan? "Abala siya sa trabaho niya at nagsisimula na rin siya sa bagong project niya." "Hindi mo ba kaya solusyunan 'yan? Si Miko ba?" "Nakakagago ang kliyente ni Grandpa, wala silang tiwala sa amin at si Kuya Markus nga ang gusto nilang kausapin nang sinabi namin na naka-leave sa trabaho ay ikaw na naman ang ipatatawag," reklamo ng nagngangalang Michael. "Alright, ako ang tatawag kay Mergus." "Where are you, by the way?" "Somewhere, may importante akong ginagawa ngayon," sagot ni Markin at sumulyap pa sa aming dalawa ni Markiana. Parang may malambot na bagay ang humaplos sa dibdib ko. Importante ba kami sa kanya? "Don't tell me it's Leighton, again? Iyon lang naman ang madalas mong nirarason sa amin na importante," nang-aasar na sabi ng kapatid niya. Gusto ko ring ngumisi, eh. "Shut up. I'll hang up the call," masungit na sabi niya at bago pa man mamatay ang linya ay narinig pa namin ang pagtawa nito. "That's my little brother, Michael. It's your Uncle Michael, love," he said at napapalakpak na naman ang baby na as if naintindihan niya ang sinabi nito. "I'm sorry kung hindi kita napakilala sa kanila ng maayos. You will meet them, soon, I promise that, Markiana," he added. "Okay lang ba talaga na sumama ka? Kailangan ka yata nila roon, eh," ani ko. Umiling na naman siya. "May puwede namang pumalit sa akin kapag wala si Kuya Markus o ako. Marami akong pinsan doon," sagot naman niya at mula sa kabilang linya ay may sumagot na sa tawag niya. "What is it?" "Where are you?" "Brother, I'm an Engineer. It's obvious na nasa site ako sa mga oras na ito. Why?" Mukhang suplado rin ang isang ito. "I call Kuya Darcy, bye," agad na paalam niya pero maagap ang lalaking nasa linya. "Ako na lang. May importante ka raw na ginagawa ngayon. Sino ba ang kasama mo?" tanong nito. "Your future family," mabilis na sagot ni Markin. At sino na naman ang Kuya Darcy niya? Marami ba silang magkapatid? Pero ano raw? Future family? Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Hindi na lang ako kumibo. "That's my twin brother, by the way." Nagulat ako sa binalita niya. "Talaga? May kakambal ka? Kamukha mo ba?" curious na tanong ko pero nang makita ang hitsura ko ay inirapan niya ako. Hindi na lamang ako umimik pa. Kalahating oras pa lamang ang biniyahe namin nang nagutom na ako. Hindi na ako nahiya nang pakiusapan ko si Markin. Hininto pa niya ang sasakyan niya para lamang ibigay sa akin ang binili niyang snack. Isang box ng pizza at may drinks pa. Siya ang naglagay ng straw ng drinks ko at ibinigay iyon sa akin. Pati isang slice ng pizza na mabilis kong sinubo. Pareho kaming napatawa nang maglahad din ng kamay si Markiana. Na para bang nanghihingi rin siya at gustong kumain. Hinalikan lang ng Daddy niya ang palad niya. "You can't eat pizza for now, love. Milk lang iyong sa 'yo," malambing na sabi niya at inabot ang baby bottle. Humahanga talaga ako kay Engineer Markin. Dahil hindi talaga siya nagdalawang isip na tanggapin sa buhay niya si Markiana. Ganito siya kaagad sa kanyang anak at sobrang lambing pa niya. Wala pa man ay nakikita ko na magiging mabuti siyang ama. Unexpected din kaya na dumating sa buhay niya ang anak namin pero heto siya. Tanggap na tanggap niya at hindi man lang siya natakot sa magiging consequence nito. Lalo na sa family history nila. Ang akala ko noon ay hindi niya matatanggap si Markiana lalo pa na babae ito pero ngayon... Inaasikaso niya nang maayos at naging malapit ang loob niya sa bata. Palihim na ngumiti na lamang ako. Sana maging worth it ang pagpayag ko sa kanya na tanggapin sa buhay namin ng anak ko. "Love, what's that smell?" namimilog ang mga matang tanong ko. Mabilis na napatingin din sa akin si Markin at bumaba ang tingin niya sa baby namin. Kinuha ko mula sa maliit niyang kamay ang baby bottle at naubos na niya ito. May kagat-kagat pa akong pizza nang makaamoy ako na hindi kaaya-aya. "What's wrong?" nagtataka ring tanong ni Markin. "Bomomba yata ang baby," wala sa sariling sagot ko at kinalas ko ang baby bag niya. "Bomomba?" weird na tanong na naman niya na hindi ko na nasagot pa. Napadighay pa ang baby ko at napabungisngis din sa huli. Pero alam kong mayamaya ay iiyak na ito. Hinayaan ko lang sa una pero unti-unti nang namula ang kilay at ilong niya. "W-What happened?" nag-aalalang tanong niya nang makita rin ang reaksyon ng anak niya. Napangisi ako at dahil bago kay Markin ang pagkakataon na ito ay inihinto na naman niya ang sasakyan niya. Kinalas ang seatbelt at kinuha mula sa akin si Markiana na malaki na ang pagngawa nito. Napahalakhak ako dahil nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha niya. Mas lalo lang ako natawa nang makita ko ang natatarantang pag-alo ng Daddy niya sa kanya. "What's wrong, love? M-May masakit ba sa 'yo? Baby... Iyong tummy mo ba ang masakit?" sunud-sunod na tanong niya at pinatayo pa niya ang anak niya sa lap niya para lamang matingnan ang magiging reaksyon nito. As if kaya siyang sagutin pero yumuko lang ito at hinawakan ang pink na pants niya. "Love... Rea stop laughing! Ano ba ang nangyayari kay Markiana?" suway nito sa akin at nagtanong pa. "Amuyin mo," utos ko. Salubong ang kilay niya nang tingnan ako pero mabilis na ibinalik din ang tingin niya sa baby Markiana namin na umiiyak pa. "Ang alin?" he asked. "Her little butt," natatawang sagot ko at sinunod naman niya. Lumakas ang tawa ko nang makita ang paglukot ng matangos niyang ilong. "Mabaho?" nang-aasar na tanong ko. Umigting ang panga niya at sinamaan ako ng tingin. "Amoy gatas," mariin na sabi niya at muling inalo ang umiiyak na baby. "Shh... Love, it's just your poo..." "Sa bahay antique ka na lang palitan, love," ani ko pero alam kong hindi siya hihinto sa pag-iyak. Hindi naman kasi maganda sa pakiramdam iyong dumumi ka. Iiyak talaga ang mga bata kapag nararamdaman nila na may something sa butt nila. "That's your poo, Markiana. Huwag kang mandiri. Kumakain si Mommy," ani ko. Huminto siya saglit sa pag-iyak pero nagmamakaawang tumingin naman siya sa Daddy niya. Kaya sa huli ay bumaba kami mula sa sasakyan para palitan siya. Nag-away pa kami ng Daddy nya dahil bakit kailangan pa raw naming bumaba? Eh, kung puwede naman daw namin na palitan ng diaper si Markiana. "Gusto mong maiwan ang amoy gatas?" nang-aasar na tanong ko sa kanya. Umigting lang ulit ang panga niya at bumuntonghininga. Lumuhod kami sa gilid ng kotse at hawak ni Markin ang anak namin. Ako ang magtatanggal ng pants at diaper niya pero dahil OA ng engineer na ito at ayaw makita na umiiyak ang anak niya ay ginawa niya ang lahat upang mapatawa ito. Nahirapan na naman ako sa pagtanggal ng pants ni Markiana. "Stop that! Hindi pa ako tapos dito," naiinis na sabi ko. Nakatalikod mula sa akin si Markiana at nasa ground din ang mga paa niya pero dahil kinikiliti siya nito ay mararahas ang galaw niya. "Markin! Patapusin niyo muna ako!" reklamo ko. Ang kaninang baby na ngumangawa ay ngayon bumungisngis na. "Behave, love," malambing na utos pa niya sa anak niya at huminto na rin ito. Nakahinga ako ng maluwag at tuluyan kong nahubad ang diaper niya. Pinunasan ko lang siya ng baby wipes kasi baka lamigin siya kung ibubuhos ko sa kanya ang bottled water. Malamig pa naman iyon. Nang matapos na ako ay tumayo rin kami. Wala ng saplot pang-ibaba si Markiana habang nasa bisig siya ng Daddy niya pero nagawa nitong ipasok siya sa coat. Tuwang-tuwa ito na tila naging kumot niya ang coat ng Daddy niya. Umiling ako at kumuha ng extra diaper saka baby pants ni Markiana. Nasa backseat ang bag naming mag-ina. Sumakay na rin ulit kami sa sasakyan. Kumagat pa ako ng pizza dahil nabitin ako, eh. Nilagyan ko ng pulbos ang baby ko saka ko isinuot sa kanya ang diaper niya. Ramdam ko ang tahimik na panonood sa akin ni Markin kaya naging uneasy ako. "How did you do that?" marahan na tanong niya at nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay malamlam ang mga mata niya. Nahihirapan akong sumagot dahil sa kagat kong pizza. Bumaba ang tingin niya roon at nabigla ako nang humilig siya. Nanlaki pa ang mga mata ko nang sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Kumagat din siya ng pizza at nginuya iyon. Dahil malaki pa ang parte sa bibig ko ay muli siyang kumagat. Nagsitayuan ang balahibo ko sa batok nang bahagya kong naramdaman ang labi niya sa akin. Napahinto lang kami nang inabot ni Markiana ang mukha niya at inilapit din ito, gagayahin pa yata ang ginawa namin ng Daddy niya. Mabilis kong nginuya ang kinakain ko at inalayo ko si Markiana sa kanyang ama. "Hindi ka pa puwedeng kumain, love," marahan na suway ko. Ang laruan na apple niya lang ang kinagat niya. "Ano pala iyon?" untag na tanong ko nang nasa bumiyahe na kami ulit. "You're just 24 years old, right? Paano mo nagagawa iyon ng tama?" interesadong tanong niya. "Ang alin?" nagtatakang tanong ko pa. "Ang kanina. Ang pag-aalaga sa anak natin." Nag-iwas ako nang tingin dahil sa narinig kong anak natin. Tangna, bakit ako kinikilig? "Hindi rin ako marunong noong una pero tinuruan ako nina Lola at Nanay," sagot ko at hindi na makatingin pa siya sa kanya ng diretso. "Gusto ko ring matuto..." "Ano?" tanong ko at nilingon ko na siya. "Gusto ko ring matuto... Turuan mo ako kung paano palitan ng diaper si Markiana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD