CHAPTER 25

2073 Words
Chapter 25: Meeting Rea's Family "GUSTO ko ring matuto... Turuan mo ako kung paano palitan ng diaper si Markiana." Seryoso at walang halong biro na sinabi niya iyon sa akin. Nasa boses niya na interesado talaga siya na matuto sa mga iyon. "Seryoso ka talaga? Hindi ka ba nandidiri sa amoy?" tanong ko at ngumiwi. Hindi rin naman mabaho ang dumi ni Markiana dahil gatas pa kaya niyang inumin. "Hindi naman mabaho, ah. Amoy gatas lang," sagot niya. "Talaga?!" Mabilis akong nag-react sa sinabi niya. Amoy gatas? Amoy gatas talaga?! "What's wrong with that?" kunot-noong tanong niya. "Gusto mo rin bang matuto na punasan ang poo niya sa little butt niya, ha?" I added my question. "Everything..." I just shook my head. He's serious. "Gusto ko ring gawin ang mga bagay na nagawa mo na sa kanya. Gusto kong matuto. Gusto ko ring alagaan si Markiana. Lahat-lahat..." Wala na akong nasabi pa at humilig na lang ako sa headrest. NAKAILANG beses kaming nag-stop over dahil kay Markiana. 'Sakto na narating namin ang Sta. Rosa na malapit naman sa barangay namin sa Sta. Tomas. Inihinto na naman niya ang kotse niya sa gilid ng daan. Hinubad ni Marlon ang suot niyang coat at ibinalot iyon sa amin, o sa anak niya dahil nakatulog ulit ang makulit na baby. Hindi ko binitawan ang ulo niya para suportahan ito at ipirmi sa dibdib ko. Halos padapa na nga siya sa katawan ko dahil inayos ko siya kanina. "Ganito talaga siya habang nasa biyahe kami. Madali siyang makatulog. Madaling mapagod na isa pa sobrang hyper niya kanina," pagkukuwento ko sa kanya at titig na titig ako sa baby ko. Hinalikan ko ang noo niya. "Madalas kayong bumiyahe? Sakay ng bus na iyon, safe ba iyon? Hindi ba siya naiintindihan doon?" sunud-sunod na tanong niya. Umiling ako dahil may dalang sasakyan naman sina Tatay at Tito. Kung minsan lang naman kaming sumakay no'n. "Iyong huling biyahe niya ay noong hinatid siya nina Tatay at Tito sa akin." "Bakit?" interesadong tanong niya. Napapangiti ako dahil totoong gusto niya talagang malaman ang lahat ng tungkol sa anak namin. "Mag-isa lang ako sa Manila at naiiwan siya sa probinsya. Ayon din sa gusto nina Nanay at Lola. Hindi raw kasi ako makakapagtrabaho ng maayos kung may bata akong kasama. Kahit ayos naman sa akin..." mahabang sagot ko. "Then?" he asked again. "Hindi pa sanay si Markiana na wala ako sa tabi niya. Hinahanap-hanap niya ang presensiya ko at palagi siyang nilalagnat. Iyak siya nang iyak. Titigil lang siya sa pag-iyak kung maririnig na niya ang boses ko at aaluin ko siya. Pero hindi sila agad nakaluwas nang araw na iyon dahil bumagyo. Umiyak na naman siya dahil naramdaman niya yata na hindi pa kami magkikita at sa sobrang excited niya rin, hindi siya natulog sa biyahe noong kinabukasan ay lumuwas sila ng probinsya. Tuwang-tuwa siya nang makita ako. Iyong boses niya, ang matamis niyang ngiti ay parang nabubuhay na naman ang dugo. Ang lungkot-lungkot ko noon at sobra ang pag-aalala ko sa kanya pero nang makita ko na siya? Bumalik ang sigla ko at mas nabigyan pa ako ng inspirasyon para ipagpatuloy ang pangarap ko sa kanya." Hindi ko namalayan na napahaba na pala ang kuwento ko sa kanya. Mukhang ayos lang naman kasi na magkuwento ako sa kanya, eh. Kahit abala siya sa pagmamaneho ay alam kong nakikinig pa rin siya. Panay rin ang sulyap niya sa amin at nakikita ko ang pagtaas ng sulok ng mga labi niya. Kumikislap din ang mga mata niya o baka guni-guni ko lang iyon. "She's a Mommy's girl, then? How come that you call her favoritism?" namamanghang tanong niya. Umirap ako dahil naaalala ko na nagtatampo pa ako kay Markiana. Mas nauna niyang tawagin ang Daddy niya kaysa sa akin na mas matagal niya akong kasama at ako ang naghirap sa kanya, ah. "Nang malaman mo na buntis ka... Ano'ng ginawa mo?" Panibagong topic. "Umiyak ako, siyempre," mabilis na sagot ko at saglit na sinulyapan niya ako saka niya ibinalik ang atensyon niya sa daan. Sinadya niyang bagalan ang pagmamaneho niya. Dahil na naman iyon sa amin. "Sino ba naman ang hindi maiiyak? Eh, 23 years old pa ako noon tapos nabuntis pa ako ng..." ani ko at hindi ko na madudugtungan pa ang sasabihin ko sana. "Naisip mo ba minsan na..." Alam ko 'yan! "Hindi, 'no!" Napatutop ako sa bibig ko dahil sa biglaan kong pagsigaw. Gumalaw si Markiana at dahil nakadikit ang matambok niyang pisngi sa dibdib ko humahaba ang nguso niya. Naiipit ang pisngi niya, eh. Itinaas ko hanggang balikat niya ang coat ni Markin at masuyong hinaplos ko ang pisngi niya. "Inaamin ko na...nagsisisi ako sa nangyari sa atin ng gabing iyon. Natakot ako... Kasi baka posibleng mabuntis ako lalo na wala tayong ginamit na proteksyunan... Ilang araw akong nagkulong..." "Nang malaman mo na buntis ka?" "Hindi pa. Pumunta lang kami sa clinic dahil nagsisimula na kasing sumama ang pakiramdam ko. Sinabi ni Dra. Lugi na...buntis ako," sabi ko at sariwa pa sa akin ang alaalang iyon. Oh, well... Hinding-hindi ko iyon makakalimutan dahil doon ko nalaman na nagdadalang tao na ako sa first baby ko. O bakit, Rea may second baby ka pa ba? Pinilig ko ang ulo ko dahil sa naisip ko. "Kasama mo ba ang parents mo?" "My grandparents. Nasa abroad pareho ang mga magulang ko. Sina Lolo Henriko at Lola Areah ang kasama ko noong araw na iyon. Nang malaman namin pareho ay mariin na kinurot niya ang braso ko," sabi ko na para lang nagsusumbong ako. Hindi ko alam kung bakit ganoon ako agad na makipag-usap sa kanya. Eh, 'di ba mukhang mainit ang ulo ko sa kanya? "Saan ka kinurot?" tanong pa niya. "Sa braso lang. Pagdating namin sa bahay ay hinampas ako ni Lola sa balikat ko. Iyak lang ako nang iyak at sinusuway lang siya ni Lolo. Kung hindi lang ako buntis ay baka walis tingting ang ipapalo niya sa akin sa mga oras na iyon. Galit na galit siya sa akin. Wala akong magagawa maski ako ay natatakot," mahabang sagot ko. "I'm sorry... Kung alam ko lang... Kung hindi ka umalis at napag-usapan natin iyon agad. Nasa tabi mo sana ako at handa akong saluhin ang bawat palo at hampas sa 'yo ng Lola mo." Bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niya. Oh, gee... Nakakakilig naman 'yan! "Okay lang naman iyon. Dahil tinanggap din nila si Markiana at dahil sa pagdating niya ay muli kaming nabuong magpamilya. Umuwi ang parents ko at nanatili na lang sa probinsya," nakangiting usal ko. "That's good... And I'm proud of you..." sabi niya at lumubo ang bibig ko. Ano'ng proud of you, 'yan? "Ha, bakit naman? Bakit ka naman proud sa akin?" nagtatakang tanong ko. "Dahil kinaya mo ang lahat... Para sa baby natin." Haist, hayan na naman siya sa baby namin. May butterfly na naman sa tummy ko. "Mahal ko kasi," ani ko. "Mahal ko rin naman," sagot niya at nagtama pa ang mga mata namin. Umiwas na lang ulit ako ng tingin sa kanya saka ako napatingin sa labas ng bintana. Finally, bago pa man na gumabi ay nakarating na kami. "Iliko mo ang sasakyan mo riyan tapos ihinto mo na," saad ko at inginuso ko sa kanya ang daan. Tumango siya at sinunod ang inutos ko. "Maligayang pagdating sa Sta. Tomas," nakangiting sabi ko sa kanya. Napakurap-kurap pa siya dahil nabigla yata siya. May lambing kasi ang boses ko. Grr, hindi ko namalayan na ganoon na pala ang boses ko. Nauna siyang bumaba at umikot sa side namin. Binuksan ang pintuan at siya pa ang nagkalas ng seatbelt ko. Mahimbing pa rin ang tulog ng baby namin. "What time is it?" I asked him at nakisilip din ako sa wristwatch niya na halatang mamahalin. "5:45 in the afternoon," sagot niya sa akin. Ilang oras din ang biniyahe namin at alam kong napagod siya kaya marahan na iginalaw niya ang braso at likod niya. "Napagod ka ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Baka sanay talaga siya na may sariling driver. "Sanay ako sa mahabang biyahe," suwabe na sagot niya lang at inalalayan na akong makababa kasi buhat-buhat ko pa rin si Markiana. Hindi talaga siya nagising. Tinanggal na muna niya ang coat niya at nabigla pa ako nang tinaklob niya iyon sa ulo ko. Nasa likod ko na ang braso niya, sa bandang ulo ko rin ang kamay niya. "Umaambon," maikling sagot niya lang. Tinanguan ko na lang siya at sabay na kaming naglakad. "Hindi pala nila alam na may anak na ako. Ang alam nila..." pagsisimula ko at pinasadahan ko ng tingin ang kapitbahay namin. Malayo-malayo naman ang distansya ng mga bahay. Napakatahimik pa rin talaga ng lugar na ito kaya hindi nakaka-stress. Ang lamig din. "Na akala nila ay pamangkin ko lang si Markiana," I added. "I understand," sagot niya agad sa akin. May iilan na kaming kapitbahay na nasa labas at agad silang nagkumpulan pero hindi nila ako nakilala dahil sa coat ni Markin na nasa ulunan ko. Mahinang humalakhak ako kasi pinipilit nila na silipin ang mukha ko. "Sino ang dumating?" "Oy, ang guwapo naman. Artista ba 'yan?" "Mukhang yayamanin." "Babae ba ang kasama niya?" "Hindi ko makita ang mukha, eh. Parang may buhat-buhat siyang bata." Iilan lang 'yan sa mga naging komento nilang lahat pero hindi ko sila binigyan pa ng pansin. Malalaman lang nila kung kaninong bahay kami pupunta. "Pasensiya ka na, ha? Maingay," untag na saad ko sa kasama ko na nanatiling tahimik at nakaakbay pa rin sa akin. Hindi pa rin ako sanay sa presensiya niya. Pero magaan naman ang aura niya. "Okay lang," utas niya. Huminto kami sa tapat ng antique naming bahay. Ang sarap pa rin sa pakiramdam ang umuwi ka sa sarili mong tahanan. "Bahay namin. Medyo...luma na siya kasi antique, eh," nahihiyang sabi ko pa. "Gusto mong...gawan natin ng bagong bahay ang pamilya mo?" Hala, aba... Kakaibang suggestion 'yan, ah. "At bakit naman? Mukha lang 'yan na luma pero alam kong hindi pa matutumba. Ang yabang mo, ah," sabi ko. "Okay," sabi niya at nagkibit balikat. Mababa lang ang tarangkahan ng bahay namin pero matibay 'yan kasi inaayos ito nina Tatay at Lolo. Ako sana ang aabot ng kandado sa maliit na tarangkahan namin nang yumuko na si Markin at siya na ang nagbukas no'n. Nahirapan pa siya noong una kasi hindi yata siya pamilyar sa locked na ginagamit namin pero nagawa naman niya iyon ng tama. "Kina Kah Areah? Sino ba ang dumating?" Tsismosa talaga sila, eh 'no? Hindi kami tinitigilan. Tuluyan kaming pumasok at 'sakto na bumukas ang pintuan. Napahinto ako dahil sa gulat. Si Lola Areah ang sumalubong sa amin agad. Naguguluhan na tiningnan niya kami at inayos pa niya ang suot niyang eyeglasses. Alam kong hindi pa niya ako nakikilala. "Sino kayo?" supladang tanong niya sa amin. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan ni Engineer Markin at humigpit ang paghawak niya sa balikat ko. May hawak kasing walis tingting ang aking abuela at oo, nagsusuplada talaga siya sa ibang tao na hindi niya kilala. Sa kabilang bahagi naman ng antique naming tirahan ay nakita ko ang paglalakad nina Lolo at kasama pala niya si Tatay. Napatingin na rin sila sa direksyon namin at natigilan. Pareho na kaming napako sa kinakatayuan namin ni Markin, dahil siguro sa gulat na makita ang pamilya ko? O dahil sa mga hawak nila ngayon? "Sino po ang dumating, Inay?" Boses iyon ng aking ina at sumilip din siya mula sa pintuan. Kutsilyo naman ang hawak ni Nanay. Mariin na napapikit ako at dahil nakadikit ang likod ko sa dibdib ni Markin ay ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Maging sa akin ay ganoon din kalakas ang pintig. "M-Magandang h-hapon po..." nauutal na bati niya sa pamilya ko at nasa boses ang kaba dahil nanginginig din ang boses niya. Pero napangiti pa rin ako. Kasi kahit na halatang natakot siya at kinakabahan ay nanatili pa rin siya na pormal na bumati sa mga ito at sobrang galang niya. "Sino ka? Ano'ng ginagawa niyo rito? Bakit kayo pumasok?" Boses naman iyon ni Lolo Henriko. "Teka...may kamukha kang bata ka ka," komento naman ni Tatay at sumeryoso ang boses niya. Hindi naman nang-aano ang pamilya ko pero hindi ko rin maiwasan ang kabahan sa magiging reaksyon nila kapag nakita nila kami ni Markiana na kasama ang Daddy nito. Nakabibigla rin naman kaya, 'no. "A-Ako po si... Engineer...Markin," pakilala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD