TWP
Chapter 9: Markiana & Connections
"THANK you. First time ko na maka-received ng magandang feedback from stranger. Simula nang pinatayo ko ito ay iilan lang ang bumili ng obra ko. Saka kumikita lang ako kung may mga festival sa probinsya namin. Horror paintings... This is...wow... Nakaka-touch naman..." ani ko at matamis na ngumiti sa kanya.
Napatingin naman ako sa likuran ng babae ng may lalaking papalapit sa amin. Bago pa man ako makapagsalita ay hinila na niya ang braso ng babae dahilan na napatayo ito.
Aba, bigla-bigla na lamang siyang manghihila ng mga tao at babae pa? Where's your manners?
"You're here. This is creepy," he commented and he glanced at me. Mas nakita ko tuloy nang maayos ang mukha niya.
Makapal ang kilay, matangos ang ilong... Basta guwapo siya...
Ano'ng creepy ka riyan? At bakit may kamukha na naman siya...
"And maybe you're the owner," dagdag pang saad niya and he even pointed at my direction. Seriously?
"Kilala mo?" nakangiwing tanong ko sa babae at umiling siya bilang pagtanggi. Hindi naman pala niya kilala ang isa pang kamukha ng lalaking iyon.
"I don't even know him. Maybe your visitor, too," she said.
"Oh, then. Hi, Miss. I'm Engineer Markus S. Brilliantes, nice to meet you?" nakangiting pakilala niya sa sarili niya at naglahad pa siya ng kamay sa babae.
Bumilis ang pintig ng puso ko... Another Engineer, and another Brilliantes. Sinu-sino pa ang makikilala kong kamukha at halatang kapamilya ng lalaking iyon?
"Not interested," the girl said in a flat tone at may ibinigay sa akin na... calling card. Kinuha ko naman iyon.
"Contact her, let's meet some other time, Miss?" aniya. Napangiti ako.
"Rea... Just call me, Rea," usal ko.
"Theza," maikling sagot niya lang din.
She was about to leave but this man stopped her at hindi ko nagustuhan ang ginawa niyang iyon. Hinanda ko ang sarili ko.
"That's a s-xual harassment, Sir," malamig na sabi ko at umigkas pataas ang isang paa ko.
Guess what I have done to him? I kicked his face...
"Maniac," I murmured. Nakita ko pa ang pagtaas ng sulok ng mga labi ng babae. Nagustuhan niya yata ang ginawa kong pagsipa sa lalaking ito.
"Why did you do that?!" he asked me in a cold voice. Hindi naman ako natakot dahil hindi naman siya mukhang katakot-takot.
Ang guwapo rin ng isang ito. Walang halong joke. Kaanu-ano rin kaya ito ni Engineer Brilliantes? Hindi iyong mas bata na Brilliantes na nakilala ko sa party, ah. Iyong dalawang matanda na binigyan ako ng one million na itinago lang pala ni Lola Areah. Akala ko nawala ko na. Grabe nga ang iyak ko ng gabing iyon.
Tapos iyon naman pala ang dahilan. Ayaw lang akong mawala ni Lola Areah.
"You touched that emotionless and pretty lady, like you want to r*pe her," I replied and his eyes widened in shocked.
"How could you say that?! I didn't do anything against her will! And for your information I'm not a r*pist, Miss weird," he complained. I know right, hindi naman siya mukhang r*pist.
"No one asking," I said.
"Weird," narinig kong bulong pa niya.
"And by the way, bakit binigyan ka niya ng calling card?" he asked me. Interested?
"Ah, that. Gusto mo bang bumili ng obra ko, Sir?" Alam kong nagulat na siya sa biglaang pagbabago ko. Baka kasi may gusto rin siyang bilhin.
"Sold out na kasi lahat ang mga naka-display na `yan. But if you can still wait ay may itinatapos pa akong artwork ko, and I'm pretty sure, na bagay po sa pag-uugali niyo ang subject ko na `yon," nakangiting sabi ko at pinagsiklop ko pa ang mga daliri ko.
I saw his jaw clinched, "Not interested. But I want to pay all of this," he said. Napasimangot ako. Binili na ng babae kanina at bakit gusto pa niyang bayaran? Hindi raw siya interesado pero babayaran niya?
"What are you, Sir? Stupid, sold out na po--" I didn't finish my words because he cut me off. How rude...
"Ako ang magbabayad at ipangalan mo sa kanya," seryosong aniya.
"Kanya? At sino naman `yon?"
"Pahingi ako ng papel--"
"Wala akong papel," tanggi ko. Ano naman ang gagawin niya sa papel?
"Eh, `di tissue!" naiinis na sigaw niya sa akin. Mabilis na inabot ko naman sa kanya ang hawak kong tissue... Err, hindi iyon tissue...
"Contact me, instead of her."
"Are you sure? Lahat po ito?" gulat na tanong ko.
"Mukha ba akong nagbibiro?" I hit his bottom.
"At bakit mo naman babayaran? Ni hindi ka nga niya kilala, ha! At hindi rin interesado na makilala ka!" asik ko sa kanya.
"Because she's my wife. Now you get it?" usal niya at bigla na lamang akong tinalikuran.
Ang gago rin ng isang iyon.
Napatingin ako sa tissue na sinulatan niya. Nagsalubong ang kilay ko.
"Theza Marie Medina-Brilliantes," I read her name... Iyon ang pangalan niya? Asawa ba niya talaga ang babaeng iyon? May LQ ba sila? Kaya ba itinanggi siya ng asawa niya na hindi siya kilala?
Sa nakikita ko ay parang...mahal naman niya ang babae. Kakaiba ang kislap ng mga mata niya.
Muli akong napatingin sa tissue, baby wipes ito, eh.
May address and cellphone number din ang nakasulat at narito rin ang pangalan niya.
Engineer Markus S. Brilliantes...
Dear new Engineer that I met today. Kaanu-ano mo ba si Engineer Markin S. Brilliantes? Kapatid ba?
Bakit ang liit ng mundo para sa atin at mas napapalapit yata ang kapahamakan naming mag-ina?
Pinilig ko na lamang ang ulo ko at nag-isip na lamang ng positibo para hindi na ako mas mangamba pa sa kapakanan ng anak ko.
Binalot ko ang lahat ng paintings ko para mai-deliver ko. Kukunin ko na muna ang bayad siyempre. May half million na naman ako.
The next two days ay sinurpresa ako nina Tatay. Tumawag sila sa akin na nandito na raw sila sa Manila.
Nagmamadaling bumaba ako sa first floor at excited na salubungin silang lahat.
Nang makita ko sila sa labas ay tinawag ko na agad ang pangalan ni Markiana. Kitang-kitang ko ang saya sa mukha niya and she even giggled when she saw me.
"Markiana!" I called her name...
Nag-ingay agad siya nang makuha ko siya mula kay Tatay. Ang Tito ko ang kasama niya. Dalawa lang naman sila ang naghatid sa apo nila.
Pinaulanan ko ng halik ang buong mukha ng anak ko na mas ikinatawa niya lalo. Mabilis na namula ang pisngi niya.
"Na-miss ka ni Mommy, Love... Tatlong araw lang tayong hindi nagkita," ani ko at hinalikan ko ang noo niya. Sumubsob ang mukha niya sa leeg ko at umikot din doon ang maliliit na braso niya.
"Salamat po sa paghahatid sa apo niyo, `Tay, Tito," nakangiting pagpapasalamat ko sa kanila na tuwang-tuwang panoorin kami ni Markiana.
"Wala iyon, pamangkin ko. Pamilya tayo rito at hindi naman kasi dapat na magkalayo kayong mag-ina. Maliit pa ang anak mo at hindi `yan sanay na wala ka sa tabi niya," ani sa akin ni Tito at tumango ako.
"Hindi na umiyak ang apo kong `yan, pero ang sigla-sigla niya na gitna ng biyahe namin. Ni hindi natulog kaya baka mamaya lang ay makakatulog na `yan," natatawang sabi ni Tatay.
"Pasok na muna po kayo sa loob, `Tay, Tito. Magpahinga na muna po kayo. Maghahanda po ako ng makakain niyo," ani ko. Alam ko kasi na uuwi rin sila agad, lalo na may negosyo silang pinapatayo ngayon sa probinsya.
"Hindi naman kami magtatagal dito, anak. May dadaanan din kami sa pabrika," ani Tatay at hinaplos pa niya ang buhok ng apo niya.
"Aalis na kami, Markiana," sabi ni Tatay at pareho niya kaming hinalikan sa noo.
"Mag-ingat kayo rito, ah?" Tumango lang ako.
"Ingat po..."
"Sige na, pumasok na kayong mag-ina," pagtataboy sa amin ni Tito na ikinatawa naming tatlo.
"Bye na raw, Markiana," malambing na sabi ko at inosenteng tiningnan niya ang mga Lolo niya.
Nag-wave-wave lang ang kamay niya saka kami tuluyang pumasok sa loob. Pumanhik sa second floor.
"Yey, hindi na mag-iisa si Mommy... May kasama na siya na isang munting anghel," I uttered. Narinig ko ang mahinang hagikhik niya na akala mo ay naintindihan niya ang sinabi ko.
Umupo ako sa mahabang sofa at humilig sa headrest nito. Hinarap ko si Markiana at pinatayo sa lap ko.
"Ang ganda ng baby ko... Hindi na tayo maghihiwalay pa, love... Dito ka na kay Mommy, okay?" malambing na sabi ko. Tumitig ng husto ang mga mata niya, pero namumungay na ang mga iyon at maya-maya lang ay pinaglalaruan na niya ang daliri niya at sinubo sa bibig niya.
"Gutom ka na, love? Milk ka na?" I asked her. Ngumiti lang siya sa akin at natawa na ako ng sipsipin na niya ang hinlalaki niyang daliri.
Matunog na hinalikan ko ang pisngi niya at tumayo na. Dumiretso kami sa kuwarto ko. Hindi na ito puro black. Pink, purple and white na siya. Dahil ayokong matakot sa silid ko ang anak ko kung puro black lang ang makikita niya sa loob.
Maingat na ibinaba ko siya sa kama ko at hindi pa yata niya ako pakakawalan. Ang akala niya ay aalis na naman ako.
"Magtitimpla lang ako ng milk mo, love... Hindi aalis si Mommy," ani ko at nilagyan ko ng unan ang gilid niya. Naintindihan na naman siguro niya ako dahil nagpaubaya na siya.
Lumapit ako sa island counter at habang nagtitimpla ako ng gatas niya ay hindi ko rin tinatanggal ang tingin ko sa kanya.
"Love, ano `yan?" natatawang tanong ko sa kanya.
Hindi na lang kasi ang daliri niya ang sinipsip niya. Maging ang daliri niya sa paa!
Mabilis na tinapos ko ang ginagawa ko at nilapitan siya. Tinanggal ko ang maliit niyang paa. Nakasuot pa siya ng cute na medyas.
"Love, walang boyfriend si Mommy paano ka magkakaroon ng kapatid?" naaaliw na tanong ko.
Ang sabi ng mga matatanda. Kapag sinisipsip daw ng mga babies ang daliri nila sa paa ay humihingi raw ito ng kapatid. Hindi ko alam kung totoo ba iyon. But goodness ayokong mabuntis na walang asawa, boyfriend nga ay wala pa! Naku!
Sinuri ko na muna ang milk niya kung `sakto lang ba ang init nito. Nilagyan ko naman ng malamig na tubig para mainom niya agad.
"Next month ay puwede ka ng mag-eat, love... Six months old ka na!" masayang sabi ko.
Parang kailan lang ay pinagbubuntis ko pa siya at nakita ko pa ang bagong silang na Markiana ko. Pero ngayon ay malapit na siyang mag-six months.
"Mas lalo kang tumaba, Markiana." Para akong baliw na ako lang ang nagsasalita rito. Kasi naman parang naiintindihan naman yata ako ng anak ko. Ngumingiti siya sa akin at tumatango habang kinakausap ko siya.
Nang puwedeng na niyang inumin ang milk niya ay inilapit ko sa bibig niya ang feeding bottle niya pero kinagat-kagat niya lang iyon at gumawa siya ng sounds.
"Love? Milk ka na..." Umiling-iling siya at kagat-kagat niya lang ito.
Sa una ay hindi ko siya naintindihan kung bakit ayaw niyang mag-milk kahit na alam kong gutom na siya at naalala ko pala na... Hindi pa siya humihinto sa pag-breakfeed sa akin.
Napahinga ako nang malalim at inalis ko ang isang unan sa kaliwa niya. Inayos ko iyon at humiga sa tabi niya.
I was wearing my black dress pero may butones naman iyon kaya hindi ako mahihirapan.
Kinuha ko na mula sa kamay niya ang feeding bottle niya at tumagilid ako. Ginawa kong unan ang kanang braso ko.
"Sige na, milk ka na, love..." nakangiting sabi ko.
Hinaplos ko ang buhok niya nang maramdaman ko na ang pagsubo niya sa n****e ko. Gusto niya lang yata ang breastmilk ni Mommy.
"Love... May nakilala na naman ako...bagong Brilliantes na kakilala ng... Daddy mo... Siguro," sambit ko at pinaghahalikan ko ang maliit niyang kamay. Hawak niya ang dibdib ko na madalas niyang gawin.
"Natatakot si Mommy na baka...magkrus ang mga landas niyo... Ayaw ni Mommy na mapahamak ka, baby ko..." nababahalang sabi ko.
Sa tuwing naaalala ko ang sinabi sa akin ni Leighton ay talagang hindi ako napapakali... Natatakot ako... Natatakot ako para sa kaligtasan ng anak ko...
Ayos lang sa akin na ako ang masaktan. Ayos lang sa akin na ako ang masira... Huwag lang ang anak ko... Huwag lang si Markiana...
Kaya gagawin ko ang lahat mailayo lang siya sa mga bagay na puwedeng ikapapahamak niya.
"Hinding-hindi ka pababayaan ni Mommy, love... Gagawin ko ang lahat...huwag nila lang malalaman ang tungkol sa `yo," seryosong sabi ko.
"I love you, Markiana Reyan Suwaib..." bulong ko sa tainga niya. Ngumiti ako sa kanya nang makita ang pamimigat ng mga mata niya.
Parang inaantok na siya pero ayaw naman niyang matulog. Sinapo ko ang matambok niyang pisngi.
"Sleep ka na, love. Sige na, baby ko..." ani ko at mabilis na pumikit siya. Hala, naiintindihan ako ng anak ko.
Maya-maya lang ay nakatulog na siya. Inayos ko ang pagkakahiga niya sa kama ko. Matagal na pinagmamasdan ko lang ang mahimbing niyang tulog.
Hindi ko naman ipagkakait sa `yo ang bagay na nauukol sa Daddy mo, Markiana. Pero natatakot ako na baka hindi ka niya tatanggapin. Lalo pa na...
Lalo pa sa pamilya ng Daddy mo ay bawal ang magkaroon ng babae...