TWP
Chapter 10: Suspecion & Meeting him
"GISING ka na, love!" masayang anas ko nang makita ang pagmulat ng mga mata niya. Agad siyang napangiti sa akin at itinaas ang mga braso niya.
Nangingiting hinawakan ko iyon. Sabay na hinalikan ang likod ng mga kamay niya. Napabungisngis ang munting anghel sa ginawa ko. Maganda ang gising ng baby ko ngayon, ah. Mahaba-habang oras din ang tinulog niya. Hapon na rin kasi sila Dumating kanina.
"Lalabas tayo para mag-grocery, love," ani ko.
6:17 na ng hapon at naisipan kong mag-grocery. Hinintay ko lang na magising siya. Isasama ko kasi si Markiana, alangang iiwan ko siya rito sa studio ko gayong wala siyang kasama. Hindi naman ako masamang ina, `no?
Pinalitan ko siya ang diaper niya. Nilagyan ng baby powder ang katawan niya at maging ang mukha nya. Pagkatapos ay pinasuot ko sa kanya ang damit niya na panlalaki. Sa labas lang na ipinapasuot ko sa kanya ang damit na ito. Natatakot lang kasi ako na baka maka-encounter na naman ako ng isa pang... Pinilig ko ang ulo ko.
Bago kami umalis ni Markiana ay nag-milk pa siya sa akin. Nagutom yata ang bata sa mahabang tulog niya.
"Ready ka na bang makilala mo siya, love? Hindi malabong makikita natin siya dahil pupuntahan natin si Engineer Markus para kunin ang bayad at ipa-deliver ang mga painting na binili ng wife niya," sabi ko. Inayos ko ang pagkakarga sa kanya.
Pero inaamin kong may takot sa puso ko. Lalo pa na baka... hindi niya tanggap ang anak ko. Ayokong maramdaman ng anak ko na unwanted child siya. Hindi naman siya nagkulang sa pagmamahal ko, namin ng pamilya namin.
"Mabuti na lang at kamukha mo si Mommy. Kaya manang-mana ka sa akin, eh," nakangiting sabi ko. Nanatiling nakatitig lang siya sa akin at nag-iingay ang bibig niya.
Matunog na hinalikan ko ang pisngi niya saka ako pumara ng taxi.
Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at maingat na pumasok para hindi mauntog ang baby ko. Ayos lang kung ako ang mauuntog. Huwag lang si Markiana.
"Sa grocery store po tayo, Manong," sabi ko sa taxi driver.
"Sige po, Ma'am," magalang na sabi nito sa akin.
Napatingin naman ako sa labas ng bintana nang may makita akong kotseng nakaparada malapit sa entrance ng studio ko.
Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan nang makita ko iyon. Kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ko. Nag-o-overthink si inner self.
Bago pa kami makarating sa pupuntahan namin ni Markiana ay inayos ko na ang baby bag niya para hindi ako mahihirapan mamaya. Pinaharap ko lang siya sa akin. Seryoso na naman niya akong tititigan. Ganito talaga siya sa akin.
"Bili tayo milk mo? O mas gusto mo ang milk ni Mommy?" malambing na tanong ko. Sinuotan ko siya ng makapal na bonnet na may tainga ng pusa. Kaya ang cute-cute niya ngayon.
Ngumiti lang siya sa akin at napapalakpak pa.
"Nandito na po tayo, Ma'am," sabi ng taxi driver at inabot ko na sa kanya ang pamasahe namin.
"Salamat po, Manong..."
"Ang bigat na natin, love," nakangiwing sabi ko. Nasa likuran niya pareho ang kamay ko para maaalalayan ko siya roon. Hinilig niya ang ulo niya sa dibdib ko. Napangiti ako sa ginawa niya.
Kumuha ako ng cart. Hindi naman marami ang bilihin kong grocery. Kaya hindi ako mahihirapan na itulak ito habang nasa bisig ko si Markiana.
"Doon muna tayo sa vegetables station," ani ko at napatingin sa akin ang isang babaeng nagtatrabaho sa grocery store.
"May maitutulong po ba ako sa inyo, Ma'am?" magalang na tanong niya sa akin, nakangiti rin siya. Nilapitan niya ako at baka naisip niya mahihirapan ako. Lalo pa na may kasama akong bata. Pero kaya ko naman.
Ngumiti ako sa kanya, "Wala, salamat po, Miss."
Nakangiting nagpaalam naman sa akin ang babae. Napatingin ako kay Markiana. Nasa malayo ang tingin nito at mahihinang ingay lang ang maririnig sa bibig niya. Pinaglalaruan na naman niya ang mga labi niya.
Kumuha ako ng maraming gulay dahil kailangan ko ngang kumain iyon ng araw-araw. Kasama ko na si Markiana at alam kong aayawan na niya ang gatas niya. Mas gusto na niya ang breastfeed. Kaya kailangang masustansya rin ang kakainin ko para sa kanya.
Isang kamay lang ang ginawa kong panulak at nang maraanan namin ang maraming biscuit ay gumalaw-galaw si Markiana. May kung ano'ng inaabot siya.
"Uhm..."
"Hindi ka pa puwedeng kumain niyan, love. Next month pa," natatawang sabi ko pero hindi siya nagpapigil. Gumalaw-galaw lang siya at may kung ano'ng itinuturo ang maliit niyang kamay.
"No, love... Doon na tayo sa counter. Magbabayad na tayo," umiiling na sabi ko. Humaba ang nguso niya at mabilis na namula ang mga mata niya. Nagbabadya agad ang mga luha niya. Matamis na nginitian ko siya.
"Hindi ka pa puwedeng mag-eat no'n. Pero sige...kukuha tayo. Pero si Mommy lang ang kakain," ani ko at iniwan ko lang ang cart ko roon.
Inabot ko ang isang box ng biscuit na para sa mga babies. Nang maibigay ko iyon kay Markiana at akmang maglalakad na nang makarinig ako ng pamilyar na boses na nagsalita. Malapit lang sa puwesto namin ni Markiana.
"Astrid. Hindi ka pa puwedeng kumain niyan," narinig kong sabi ng isang lalaki. Napakapamilyar sa akin ang boses na iyon.
Well, hinding-hindi ko makakalimutan ang taong nakasama ko sa isang gabing...
"Hay, baby... Bawal ka pa raw kumain sabi ni Daddy Kin. Bakit mo itinuturo `yan, ah?" sabi pa ng isang babae.
Tila huminto ang pagtibok ng puso ko nang may naisip na ako posibleng mangyari...
Bahagya akong umatras upang makita ang dalawang nagsasalita. Kilalang-kilala ko ang mga boses nila.
May kirot sa puso ko nang makita ko na sila nang tuluyan. Hindi ko inakala na makikita ko agad siya at kasama ko pa ang anak ko...
Karga-karga niya ang batang babae na tinatawag nilang Astrid at nakakapit sa braso niya ang babae. May ngiti sa labi nila habang pinagmamasdan nila ang bata.
"Ang ganda ng baby na `yan," sabi pa ng babae at hinalikan pa niya ang pisngi ng kanyang anak.
"Saan ba magmamana?" nakangiting tanong ng lalaki.
Maliban sa gabing iyon ay ngayon ko lang siya nakitang ngumiti at may buhay ang kanyang mga mata.
"Oh, siya sige sa `yo na," sabi pa ng babae.
Nagulat naman ako nang biglang umiyak si Markiana. Mabilis na tumalikod ako upang hindi nila ako makita. Dahil alam kong makikilala nila ako... Pero ang lalaking iyon? Hindi ko alam... Kung naaalala pa niya ako.
"Ssh... Love, tahan na... Bakit ka umiiyak?" mahinang tanong ko sa kanya.
"Umiyak ang baby, Astrid," narinig kong sabi nito.
Narinig ko ang footsteps nila palapit sa amin kaya bago pa man sila makalapit sa amin ni Markiana ay naglakad na ako palayo. Malalaki ang mga hakbang ko.
Umiiyak si Markiana habang tulak-tulak ko ang cart namin. Diretso lang ako sa counter. Nagmamadali ang bawat kilos ko kasi baka makita nila, ako.
Hindi pa ako handang harapin silang dalawa. Wala pa akong lakas ng loob. Pipila na sana kami nang itulak ng isang babae ang cart ko. Dahil siguro may kasama akong bata ay hindi na nila ako pinapila pa.
Pagkatapos naming magbayad ay hinatid pa nila kami sa labas para dalhin ang mga grocery bag.
"Salamat, Miss. Dito na lang po," nakangiting pagpapasalamat ko sa dalawang babae.
Ibinaba naman nila sa may bench ang pinamili namin at tiningnan ko muna si Markiana. Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon. Mahihinang paghikbi lang.
"Love, why did you cry? Tahan na," pag-aalo ko sa kanya at hinaplos ko ang pisngi niya. Tumigil naman siya at seryosong tinitigan na naman niya ako ng diretso sa mga mata ko.
"Hayan, smile ka na. Binili naman natin ang biscuit kanina, ah. Bakit iniyakan mo pa?" nangingiting tanong ko.
"Uwi na tayo?"
"Rea? It's you, right? Rea, the artist?" Nagulat na naman ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
Oh, gosh! Iniiwasan ko na sila pero bakit nagkita na naman kami?
Kinakabahan na pumihit ako para lingunin ang lalaki. Ang lalaking nakilala ko sa party na iyon. Ang kaibigan ni Leighton.
As usual ay ganoon pa rin ang hitsura niya. Guwapo pa rin siya at palangiti. Mas lalo lang akong kinabahan nang lumapit siya sa amin.
"Hindi nga ako nagkamali. Ikaw si Rea," nakangiting sabi niya.
Napalunok ako at sobrang bilis na ng t***k ng puso ko. Humigpit ang yakap ko kay Markiana.
"Dito ka na ba nakatira sa Manila? At..." Bumaba ang tingin niya...sa batang buhat-buhat ko.
"M-May anak ka na?" gulat na tanong niya sa akin.
Hindi niya puwedeng malaman na anak ko...na anak ko ang kasama ko ngayon. Baka...baka malaman niya...
"P-Pamangkin ko. Pamangkin ko siya," kabadong sagot ko at may gumuhit na kirot sa puso ko nang sambitin ko ang mga katagang iyon.
Hindi ko intensyon na itago si Markiana. Hindi ko gusto na ipakilala siya sa ibang tao bilang pamangkin ko lang pero para sa kaligtasan niya ay gagawin ko ang mga bagay na ito na ikasasakit lang din ng puso ko. Natatakot ako...
Umatras pa ako nang makita ko ang isa pang lalaki na `saktong huminto sa tabi ni Leandro. Tama si Leandro. Isa ang lalaking ito na iniiwasan ko.
Lalong-lalo na ang katabi niya na walang emosyon na nakatingin sa akin. Nasa bisig nito ang anak niya.
Love, may pamilya na yata ang Daddy mo...
"Rea? N-Nandito ka na pala sa Manila?" gulat na tanong sa akin ni Leighton. Mukhang hindi siya masaya na makita ako rito. The feeling is mutual. Grr
"Yeah," maikling sabi ko.
Hindi nagtagal ang titig sa akin ni Engineer Markin at hindi man lamang niya tiningnan si Markiana.
"Aalis na kami..." paalam ko. Leandro stepped towards us.
"Puwede ko ba kayong ihatid, Rea?" tanong niya. Umiling ako. Ayokong malaman pa nila ang working place ko.
"Malapit lang dito ang bahay na tinitirhan namin. Okay lang, Leandro. Salamat," ani ko.
Tumalikod ako at muling nagsalita si Leandro.
"Aalis na kayo at iiwan mo rito ang grocery bag niyo?" tanong niya. Mariin na napapikit ako. Shet! Nakalimutan ko dahil sa sobrang kabado ko! Gusto ko na kasing umalis dito, eh!
Bakit pa kasi nagkrus ang landas naming apat?!
"Sorry," sabi ko at babalikan ko na sana ang pinamili namin nang makita ko na may kumuha no'n.
Ano'ng ginagawa niya?
"Markin, what's up?" naguguluhang tanong ni Leandro sa kaibigan niya.
Nasa bisig na ni Leighton ang batang babae.
Dalawang grocery bag lang iyon pero binuhat lang ng isang kamay niya. Napaatras na naman ako dahil palapit na siya sa amin.
Wait lang... Bakit ba...bakit ginagawa niya ito?
"Kin?" tawag ni Leighton sa lalaking ito.
Hinawakan niya ako sa likuran ko dahilan na tumaas ang balahibo ko sa katawan.
"What are you doing, Mark?"
"Just go home with Leighton, Leandro. I'll take them home, too and I just want to ask something with this woman," malamig na sabi nito.
Nanlambot ang mga tuhod ko at hindi ko na magawang humakbang pa pero inalalayan niya ako upang makapaglakad.
"Walk straight, woman," iritadong sabi niya. Bakit mukhang may galit sa akin ang isang ito?! Inaano ko ba siya?!
"What are you doing? Uuwi na kami..." sabi ko. Nagpapasalamat ako dahil hindi ako nautal...
"Yeah right," walang ganang sabi niya.
Huminto kami sa isang itim na sasakyan. Hindi ako nakapagprotesta ng inilagay niya sa fortuner niya ang grocery namin.
"Ano'ng ginagawa mo? Uuwi na nga kami," sabi ko. May kalakasan na isinara niya iyon. Dahilan na napatalon sa gulat ang anak ko.
Nakita ko ang saglit na pagkatigil niya pero hindi talaga bumaba ang tingin niya sa akin...sa anak ko.
Humakbang ako palayo sa kanya pero hinaklit niya lang ang magkabilang balikat ko.
"Who are you?" sa halip na tanong ko. Seryosong tinitigan niya ako at umigting ang panga niya.
Napasinghap ako nang itulak niya ako sa hood ng kotse niya. Hindi ba niya nakikita na may bata akong dala-dala?! Gago ito!
"Tell me the truth... Is he your son?" he asked me. Bayolenteng napalunok ako. Hindi ko alam ang isasagot ko... I mean parang nalunok ko ang sarili kong dila...
Hindi ko naman kasi inaasahan na papansinin niya ako tapos ngayon ang lapit pa ng mukha niya sa akin. Diretso ang tingin sa mga mata ko. Halos hindi pa siya kumukurap.
"Tell me... He's your son?" he asked once again.
Dahan-dahan akong umiling, "P-Pamangkin ko..." mahinang sagot ko.
"Good," sabi niya at pinakawalan niya rin ako.
Ano'ng...bakit niya ako tinatanong kung anak ko nga ito? Bakit... May alam kaya siya? At natatakot lang malaman niya ang totoong...
"Dahil kung anak mo `yan ay wala kang mapapala sa kaibigan ko. May anak na iyon at hindi ka kayang panagutan," sabi niya. Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan.
"Ano'ng pinagsasabi mo?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Miss..." sambit niya, sinadyang huwag dugtungan ang sasabihin niya.
"Don't make me fool, Miss... You're the girl with Leandro in that room that night, right? And something possibly happened between you two because you were both drunk that night... Admit it... You're the girl he was talking about..." Ano'ng...paano...
Halos mabingi ako sa lakas ng kabog sa dibdib ko. Paano niya nasabi iyon? Paano niya nalaman ang bagay na iyon?