Chapter 11: Her father
"DON'T make me fool, Miss... You're the girl with Leandro in that room that night, right? And something possibly happened between you two because you were both drunk that night... Admit it... You're the girl he was talking about..."
Napangiwi ako sa sinabi niya dahil hindi ko yata kayang i-process sa utak ko ang mga iyon.
Ano'ng I'm with Leandro that night and where? What?! At paano ba niya nalaman ang bagay na iyon?! Ano'ng pinagsasabi sa kanya ni Leandro?!
"I'm a right?" tanong niya at inilapit pa niya ang mukha niya sa akin kaya halos bumaon na ang ulo ko sa hood ng sasakyan niya. Para lang huwag magdikit ang labi namin... My gosh...
Napahawak na ako sa laylayan ng damit niya, dahil doon na ako kumukuha ng suporta para hindi ako mapadausdos pababa sa sementadong daan. Sobrang higpit no'n. Nasa likod ng anak ko ang kaliwang kamay ko para mahawakan naman siya. Habang ang magkabilang kamay niya ay nasa gilid ng ulo ko. Ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin at naaamoy ko na rin ang sarili niyang hininga...
Oh, my gosh... Engineer Markin...
"Hmm? Tama ako, 'di ba?" pamimilit pa niya sa akin. Bayolente akong napalunok.
Bago pa ako makapagsalita nang mariin na napapikit siya at umawang ang labi sa gulat. Namimilog ang mga mata ko na bumaba ang tingin ko kay Markiana.
Pinipilit niya ang kamay niya na itaas pa at nagawa na niyang sampalin ito sa pisngi at sinasabayan pa niyang tunog na para bang umiirap siya.
"Hmp!" At inulit pa ng anak ko kahit nahihirapan talaga siyang lingunin ito.
Dumistansya sa amin si Engineer at nakatulalang hawak pa rin niya ang pisngi niyang nasaktan. Halos umiyak ako sa ginawa ng anak ko sa kanya.
Baka isipin niya na ang bata-bata pa ni Markiana ay marunong nang manakit at manampal ng tao.
Hindi nga rin ako sure kung matutuwa ba ako, matatakot o matatawa sa ginawa ng bata... Pero hindi ko naman magawang pangaralan ang baby ko dahil wala pa siyang kaalam-alam sa ginawa niya.
But in the end I'll just smiled at my daughter. Dahil inosente na siyang nakatingin sa akin habang nakadikit ang pisngi niya sa dibdib ko.
"Did she just... slapped me?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin at ngayon ay tiningnan na niya ang anak ko.
Hindi naman siya mukhang galit sa ginawa sa kanya ni Markiana. Gulat lang? Na tila ngayon lang siya nasampal sa buong buhay niya at isang bata pa?
"I'm sorry..." hinging paumanhin ko sa kanya at bumalik ang tingin niya sa mukha ko. Nag-iwas ako nang tingin sa kanya at hayan na naman ang paglapit niya sa akin.
Pero gayon na lamang ang pagbilis nang t***k ng puso ko nang bigla siyang huminto at mahinang humalakhak.
"Okay... Okay, hindi na ako lalapit, little champ," parang sumusuko na sabi niya at nagawa pa niyang itaas ang magkabilang kamay niya. Na para bang sumusuko na siya?
Itinaas kasi ni Markiana ang kanang kamay niya na animo'y handa na naman siyang manampal at ang tingin niya... Sobrang lamig...
Nagugulat ako sa ginagawang nilang dalawa pero mas nagulat siguro ako sa biglaang pagtawa ng engineer na ito.
Hindi naman niya ako kilala... Lalong-lalo na hndi naman niya ako natatandaan na minsan na akong naki-table sa kanila, that night sa party.
Napataas ang kilay ko nang makita ko ang palihim na pagbungisngis ng anak ko at parang ayaw niyang iparinig iyon sa lalaking kasama namin. Kasi humihilig siya sa dibdib ko. Masuyong hinaplos ko ang ulo niya.
"You're so makulit pala, love. Naglalaro ka lang," I uttered.
"Kulot," biglang sabi nito at may pagtataka sa mukha ko na tiningnan siya.
"Ano kamo?" masungit na tanong ko sa kanya.
"Kulot," ulit niya. Tumaas ang sulok ng mga labi niya nang makita ang reaksyon ko.
"Kulot," pag-uulit niya sa sinabi niya at napaisip naman ako kung bakit niya iyon sinasabi.
Naalala ko ang buhok ko na kulot. Tarantado ang lalaking ito...
"Ikaw ang tinatawag kong Kulot," nakangising sabi niya at parang may usok ang lalabas sa butas ng ilong ko.
Hindi naman ako nagalit sa kanya na tinawag niya akong Kulot kasi baka panunuya iyon pero hindi... Naiirita ako kasi mukhang tuwang-tuwa siya na tawagin akong ganoon.
"May pangalan ako at hindi Kulot," masungit na sabi ko.
"What's your nephew's name?" tanong niya sa akin, halatang interesado siyang malaman ang pangalan ng anak ko...
Markin... Markiana... Ayoko ngang sabihin sa kanya dahil hawig no'n ang pangalan niya.
"Why did you asked me that? At uuwi na kami," sabi ko at umayos ako sa pagkakatayo ko para lamang bumalik siya sa amin at hindi na siya nagawang bantaan pa ni Markiana.
Dahil pinagdikit pa niya ang mga noo nila. Hindi napigilan ni Markiana ang matawa dahil sa ginawa niya.
"We're friends now," tuwang-tuwa na sabi pa niya at hinawakan ang maliit na ilong ng bata.
Nabigla ako nang hapitin pa niya ako sa baywang ko at binuksan ang pintuan ng kotse niya.
"I'll take you home, the both of you," he said at inalalayan pa niya akong makaupo sa passenger seat niya.
"W-Wait... What? Hindi kami magpapahatid sa 'yo," sabi ko at kumunot naman noo niya.
"Why not?"
"Ni hindi kita kilala," sabi ko. Siya na naman ang nagtaas ng kilay sa akin.
"I know you... You're the girl in the party last year," he uttered.
In the party last year? Naalala pa niya ako?! Paanong... Eh, hindi kaya siya nakipagkilala sa akin noon. Nanatili siyang tahimik at walang balak na lingunin ako sa mga oras na iyon.
Baka nga rin ay aksidenteng nagtama lang ang mga mata naming dalawa.
"And don't lie to me that you didn't even know me... You do, Kulot," aniya. Aba, iyon na talaga ang itatawag niya sa akin? For real?!
"Dude, ngayon lang din kita nakita," sabi ko.
"And you know Leandro at ako hindi?" tanong pa niya at inilapit na naman niya ang mukha niya sa akin. Pipikit na sana ako nang maramdaman ko ang kamay niyang nasa tagiliran ko at sinuotan lang pala ako ng seatbelt.
Muntik na akong maiyak dahil sa sobrang kahihiyan. Lalo pa nang makita ko ang pagngisi niya. Mukhang nabasa niya ang magulo kong pag-iisip.
"S-Si Leandro at Leighton lang ang kilala ko. Dahil sila lang naman ang nagpakilala sa akin dati," laban ko sa kanya.
"Aw!" daing ko nang pitikin niya ang noo ko. Feeling close ang isang ito!
"I'm Engineer Markin S. Brilliantes, Miss Rea Suwaib..." Nahugot ko ang sariling hininga nang magpakilala na siya sa akin at alam niya...
Natatandaan niya ang pangalan ko... Paano? Eh, mukhang may sariling mundo siya sa mga oras na nag-uusap kami kasama ang mga kaibigan niya at siya ay tahimik lang talaga. Pero nakikinig lang pala siya?
Tapos naaalala pa niya ang pangalan ko? Dapat ba akong matuwa?
"And this little champ?" tanong niya at tiningnan na naman niya si Markiana na sa kanya na rin itong nakatingin.
Inabot nito ang kamay niya at magiliw naman niyang hinawakan ang maliit na palad ni Markiana.
"He looks exactly like... you," aniya at sinulyapan pa niya ako.
"But there's something... I couldn't even explain..." he said.
HABANG nasa biyahe kami ay tahimik lang kaming dalawa ni Engineer Markin. Pero hindi ang batang kasama namin na tila kaming dalawa ang kinakausap niya.
Siya lang naman itong nakaiintindi sa pinagsasabi niya at kung napapansin niya na hindi ko siya tinitingnan ay tatapikin niya ang pisngi ko. Kukunot ang magandang hugis ng kilay niya tapos ngunguso pa siya. Para bang sinasabi niyang hindi ako nakikinig sa kanya.
Tapos sa huli ay dadaldalin na naman niya ang lalaking nagmamaneho sa sasakyan nito. Ni hindi man nairita ang isa dahil kinukulit siya ng bata.
"Saan kayo nakatira?" tanong niya at saglit na sinulyapan ako.
"Ibaba mo na lang kami na malapit sa--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang sumingit na siya agad.
"No way... Hindi ko kayo ibababa sa kahit ano'ng lugar na tinutukoy mo. Gabi na, Kulot." I rolled my eyes.
"Hindi mo ba ako tinanong kung gusto ko ba na tawagin mo akong Kulot, seriously? Hindi tayo friends," naiiritang sabi ko. Ang lakas-lakas ng kabog sa dibdib ko.
Kakaiba pala sa feelings na tawagin kang Kulot. Baka ang iba ay magagalit pa sa kanya dahil parang nanunuya ka. Pero hindi... Grabe...ang weird ng pakiramdam ko.
"Sasabihin mo o iuuwi ko kayong mag-ina sa condo ko?" pananakot niya sa akin. Nalunok ko yata ang sarili kong laway. Pinagpapawisan na ako agad...
"P-Pamangkin ko siya," nauutal kong pagtatama sa kanya. Dahilan na sinilip ni Markiana ang mukha ko at nalukot pa ang maliit na matangos niyang ilong.
"Pamangkin... Kamukha mo... Ikaw ba ang pinaglihian ng Nanay niya?"
"O-Oo," mabilis na sagot ko pa at seryoso ko naman siyang tinitigan.
"B-Bakit ginagawa mo ang bagay na ito? Bakit...bakit mo kami hinahatid?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Dahil may gusto rin akong patunayan," seryosong sabi niya. I don't understand. Ano'ng may gusto siyang patunayan? Seriously? Ano ba ang pinagsasabi niya?
"Ni hindi ka namin kilala...at may pamilya ka na... Hindi mo na kami dapat pang lapitan..." sabi ko.
"May pamilya na?" salubong ang kilay na tanong niya.
"Si Leighton..."
"She's just my best friend, and that little girl is Leandro's daughter," sagot niya. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko at this moment.
May lungkot na dumaan sa mukha niya at parang nasa boses niya ang tila pagkabigo?
K-Kaibigan lang ba talaga ang turing niya kay Leighton? Wala na ba'ng iba? Or may nararamdaman siya para rito? May malalim siyang nararamdaman para sa best friend niya?
Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit kumikirot ang dibdib ko, particular na nananakit ang puso ko.
Pero sa halip din na pagtuunan ko ang sarili ko ay nakaramdam ako ng awa sa kanya. Dahil baka mahal niya nga si Leighton. Ang kaso nga lang ay may anak na ito at sa mismong matalik na kaibigan pa niya. Mukhang mas masakit sa parte niya na ang ganoon.
Iyong mahal niya ang best friend niya pero minamahal din ng kaibigan nila? May love triangle nga sa tatlo at alam niyang may natalo na sa labanan na hindi ko rin alam kung iyon ang tingin ng taong kalaban niya sa puso ni Leighton.
Napakasuwerte naman pala ni Leighton. Dahil dalawang lalaki ang nagmamahal sa kanya. Pinag-aagawan siya at kahit may anak na siya sa ibang lalaki ay patuloy pa rin siyang iniibig ni Markin.
Love... Ang suwerte pala ni Leighton dahil minamahal siya ng Daddy mo...ng Daddy mo na wala namang Kaalam-alam na nag-e-exist ka sa buhay niya... Oh, alam naman niya pero wala siyang idea kung ano at sino ka sa buhay niya.
Pero hindi natin siya gagambalain... Hindi naman natin kailangan ang kanyang atensyon para sa ating mag-ina.
Ayos na ang makita natin siya ngayon... Na may minamahal ng ibang babae...
Markiana looked at me, it seems she heard my words inside my mind. I sweetly smiled at her and kissed her cheeks.
"Bakit ikaw ang nag-aalaga sa pamangkin mo? Where's his parents?" At ang akala niya rin ay lalaki ka...
"N-Nagpunta sa abroad ang Mama niya, ang pinsan ko at ang Papa naman niya ay... hindi ko alam kung nasaan na," sagot ko. Ngayon lang hindi gumana ang utak ko sa pagsisinungaling kaya iyon na ang naging dahilan ko kung bakit ako ang nag-aalaga sa pamangkin ko.
Malamang anak ko siya at ang Daddy niya... Wala, naanakan lang ako at hindi pinanagutan ng ama ng anak ko... Dahil hindi naman niya alam at hindi rin puwedeng malaman niya...
Lalo na...babae si Markiana... Baka mapahamak lang siya sa pamilya ng Daddy siya and worst thing ay itatakwil din siya. Hindi siya tatanggapin at wala rin sa pamilya nila ang may anak sa labas.
Ayokong... masaktan ang damdamin ng anak ko kahit napakabata pa niya para alalahanin ang mga bagay na nasa paligid niya.
Kaya okay na sa akin ang mayroon kami ngayon ni Markiana. Alam kong karapatan ng Daddy niya na malaman ang tungkol sa kanya.
At karapatan din ng anak ko na makilala ang tunay niyang ama. Pero hindi... hindi ngayon... Maaaring sasabihin ko rin sa tamang panahon pero hindi ngayon.
"Right," tipid na sabi niya lang.
At para hindi na kami makukulong sa iisang lugar na kasama pa si Markiana ay labag sa loob ko na sabihin sa kanya ang address ng studio ko.
Sa una ay matagal pa niyang tiningnan ang studio ko. Salubong pa ang kilay niya lalo na ng mabasa niya ang placard ng studio ko.
Bumuntonghininga pa siya at napatingin sa paligid. May kung ano'ng hinahanap saka siya tumitig sa mukha ko.
"Safe ba ang lugar na ito? Hindi ba kayo mapapahamak? Parang walang katao-tao..." sabi niya.
Ako naman ang napatingin sa paligid ng studio ko. Marami namang shop dito at sa umaga hanggang hapon ay may mga tao naman ang makikitang naglalakad sa lugar na ito.
Sa tapat nga namin ay may malaking restaurant pa. Maliban sa left side ng studio ko ay may sirang building. Kung sabagay naman ay ang studio ko na ang pinakadulo.
"Safe ito. Maraming CCTV. At saka City ito. Umuwi ka na. Salamat sa paghahatid sa amin," sabi ko at ipinasok ko lang sa may pintuan ang pinamili namin.
Nag-aalangan pa siyang iwan kami pero sa huli ay tumango rin at sumakay sa kotse niya. Sinulyapan pa niya si Markiana na mukhang naghihintay na mapansin niya.
"See you again, lotto champ," nakangiting paalam niya kay Markiana. Tumawa lang ang anak ko.
"And you, Kulot," pahabol niya.
Pareho naming pinagmamasdan ni Markiana ang papalayong sasakyan niya at huminga ako nang malalim.
"Meet your father, love... Daddy Markin S. Brilliantes..."