Chapter 31: Red roses
"AT alam kong curious ka sa tinutukoy kong spooning," mayabang na sabi niya. Oo, inaamin kong wala nga akong idea sa sinasabi niyang spooning at hindi niya lang iyon ipinaliwanag sa akin.
Binigyan pa ng sample kaya hindi ko maiwasan ang isipin iyon kung paano talaga siyang gawin personal... Sa kama, nakahiga kami ng patagilid at nasa likuran ko siya habang... Tsk. Bad influence talaga siya.
"Walang spooning, Engineer. Sarili mong pag-iisip 'yan. Ikaw lang ang nakaisip ng spooning-spooning na 'yan," supladang sabi ko sa kanya. Nag-iinit pa rin ang pisngi ko.
Ngumisi lang siya at muling kinuha sa akin si Markiana. Inirapan ko lang siya sa huli.
"ANO'NG gagawin niyo sa bayan?" strict na tanong ni Lola Areah sa amin. Nakapamaywang pa siya. Oo, naging strict siya ngayon. Eh, si Tatay parang wala na sa kanya kung kasama namin ang engineer. Pinagkakatiwalaan na nga kasi niya ang lalaking ito.
Saglit na sinulyapan ko si Markin na busy sa pag-aayos ng baby bag sa akin sa balikat ko. Nang masiguradong secure na ito ay maingat na inilipat niya sa akin si Markiana. Nakaharap ito sa akin, agad siyang ngumiti at yumakap ang mumunting braso niya sa leeg ko. Pinugpog ko siya halik sa pisngi bago ko nilingon aking aming lola
"Mamamasyal po, Lola Areah. Ipapasyal po namin ang daddy ni Markiana. Para hindi mabagot sa antique nating bahay," magalang na sagot ko at pinagtaasan pa niya ako ng kilay.
Narinig ko naman ang pagtikhim ng katabi ko kaya sa kanya naibaling ang tingin ng lola ko. Sinadya niya yatang gawin iyon para kunin ang atensyon nito.
"P-Puwede ko ho ba'ng hiramin ang oras ng mag-ina ko, Ma'am?" kinakabahan na tanong ni Markin, nanginig pa ang boses niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa pagtawag niya sa aking lola.
Napahinto tuloy sa mga ginagawa sina Tatay at Tito Hart. Nakita ko pa ang pasimpleng pagsilip ni Tita Hanah at si Nanay mula sa kusina namin. Pati oras namin ay kailangan talagang hingin sa pamilya ko. Pinaninindigan talaga niya ang panliligaw sa amin.
"Basta hindi kayo magtatagal doon," sabi ni Lolo Henriko. Tumango lang din si Tatay nang tingnan ko siya. Sa paraan na iyon ay nakuha na namin ang permiso niya para makaalis na kami.
Paglabas namin mula sa bahay naming antique ay narinig ko pa ang paghinga ng malalim ni Engineer Markin. Parang ngayon lang yata siya huminga dahil sa sobrang kaba niya kanina. Wala namang nakakakaba dahil gusto na siya ng pamilya ko. Hindi lang kami sure kung ano rin ang naging desisyon ni Lola Areah para sa amin.
Malakas din naman ang kutob ko na tatanggapin niya si Markin. Ako pa ang nangangamba na paano kung darating ang panahon na mabigo niya ang pamilya ko? Overthink malala lang talaga ako.
Binuksan niya ang payong na dala namin at sumulong din siya. Nasa likod ko ang kamay niyang nakahawak sa payong at ang isang kamay naman niya ay malayang nakahawak sa likuran ni Markiana.
Masyado siyang malapit sa aming mag-ina. Parang may naghihintay na manakit sa aming dalawa at handa naman niya kaming ipagtanggol. Alalay na alalay siya sa amin ni baby Markiana.
"Baka magtaka ang kapitbahay namin. Ang alam nila ay anak ito ni Raia. Itinago kasi namin ang totoo," sabi ko sa kanya at naramdaman ko agad ang pagtingin niya sa akin.
"Sabihin mo na lang sa kanila ang totoo. Tell them that Markiana is your daughter," usal niya.
"Alam din nila na wala akong asawa, 'no. Kahit nga boyfriend. Wala," sabi ko pa.
"Okay, that's good. Soon, magkakaroon ka na ng boyfriend kapag sasagutin mo na ako," mayabang na sabi niya. Napairap na lamang ako. "Hindi natin gagamitin ang kotse ko? Malapit lang ba rito sa inyo ang bayan?"
"Kung puwede sanang lakarin, 'no?" pilosopang sambit ko. "Tricycle ang sasakyan natin ngayon, para masanay ka sa buhay namin dito sa probinsya." 'Sakto naman na nakita ko si Kalou.
Iyong kapitbahay namin na naghatid sa amin ni Lolo Henriko sa bahay ng mayor sa lugar namin. Iyong may party pagkatapos ng piyesta at invited kaming mga artist sa ginanap na exhibit. Oh, speaking of fiesta...
Malapit na iyon at baka matatagalan talaga si Markin dito sa amin. Mas nag-aalala ako sa trabaho niya. Ang mga katulad niya na anak mayaman ay talagang inaasahan ng pamilya niya sa mga negosyo nila. Kahit na marami pa silang magkakapatid at magpipinsan. Dahil alam natin pareho na may kanya-kanyang silang posisyon sa kompanya nila at sila lang ang dapat na present sa mga oras na sila rin ang kakailanganin.
Pinara ko ang tricycle ni Kalou at dahil nakapayong kami ay hindi pa niya ako nakilala kung hindi lang siya nakalapit sa gawi namin.
"Ikaw pala, Reyang! Kailan ka dumating dito sa atin?" masayang tanong niya sa akin. Kung makapagtanong siya ay ang akala niya ay sa abroad talaga ang pinunta ko, 'no?
"Kahapon lang, Kalou. Birthday kasi ni Lola Areah kaya nakita mo ako ngayon sa kinakatayuan ko," pabiro na sagot ko. "Punta ka sa antique naming bahay, ah? Invited ka, bawal ang hindi pumunta. Magtatampo si Lola Areah. Ayos lang naman kay Lolo Henriko," pag-aaya ko sa kanya na sunud-sunod na tumango naman siya. Saka siya napatitig sa lalaking kasama ko na halos pigain namin ni Markiana sa pagkakayakap niya sa amin.
Kunot na kunot ang noo ni Kalou at bumaba lang ang tingin niya sa baby ko.
"'Yan na ba si Markiana? Aba, ang gandang bata talaga ng pamangkin mo, Reyang!" sabi pa ni Kalou at bumaba na siya sa sasakyan niya.
"No. Hindi niya pamangkin si Markiana," bigla ay sabat ni Markin. Nawala ang ngiti sa labi ni Kalou at gulat na tiningnan na naman niya ang engineer.
"Sino naman siya, Reyang? Bakit kamukha siya ni Markiana?" curious na tanong niya. Sasagutin ko na sana pero naunahan na ako ni Markin.
"I'm Markin, Markiana's father," seryoso at malamig na sambit niya. Halos malaglag ang panga ni Kalou. "And I'm Rea's boyfriend," dugtong pa niya, dahilan na nag-iinit na naman ang magkabilang pisngi ko.
Kakaiba naman talagang bumanat ang engineer na ito, eh. Nanliligaw pa lamang siya pero heto siya, nagpakilala na boyfriend ko. Dahil sa pagsusungit ni Markin ay sinenyasan ko na lamang si Kalou na sumakay na sa sasakyan niya at magiging pasahero niya kami ngayon.
Nauna akong pinasakay ni Markin sa tricycle. Humawak lang din ako para makaakyat at ang isang kamay ko at nasa likuran ni Markiana. Nakaalalay naman sa baywang ko si Markin na maging ang ulunan ko ay hinarangan ng malaking kamay niya. Huwag lang akong mauntog sa bubong nito. Ang sweet niya. Sana walang expiration kahit na kung minsan, nababanas ako sa pinagsasabi niya at hindi pa ako naka-get over sa suggestion niyang birthday gift ko sa kanya.
Nang makitang maayos na ang pagkakaupo ko ay sumakay na rin siya. Dahil sa tangkad niya ay nahirapan din siya sa pagsakay. Pahirapan lang ang peg. Malaki ang pangangatawan niya kaya halos hindi na kami nagkasya sa loob kung hindi ang pareho niya kaming yakapin ng anak namin para mas magkasya siya.
"Saan ang punta niyo, Reyang?" tanong ni Kalou sa akin at bahagyang sumulyap sa side namin.
"Sa bayan. May bibilhin lang kami. Sandali lang naman kami roon, Kalou. Puwede bang ihatid mo kami pabalik dito sa bahay?"
"Oo naman, sige," sagot niya at sinabayan pa nang pagtango.
I glanced at Markin. I know na hindi siya sanay na sumakay sa ganitong klaseng sasakyan. Maalikabok at masyado ring mainit.
Makakaagaw lang kasi ng atensyon ang mamahalin niyang sasakyan at ayoko ng ganoon. Kasi baka makilala siya mga tauhan ng mayor. Ayokong tanungin ng kung ano-ano kung bakit kasama namin ang isa sa apo ng Brilliantes clan?
"Ayos ka lang ba riyan?" tanong ko sa kanya na naabutan kong nakayuko at pinagmamasdan niya lamang ang anak niya. As usual ay maingay na naman ang bibig nito at hindi pa man kami nagtatagal sa labas ay nakikita ko na ang pamamasa ng noo ng cute na baby. Hindi ko na siya sinuotan pa ng sumbrero baka kasi mas mainitan pa siya. Naka-headband na lamang siya.
Pinunasan ko na ang iilan na butil na pawis sa leeg niya at mabilis talagang mamula ang matambok niyang pisngi.
Hinalikan ko ang noo niya at titig na titig na naman siya sa akin bago siya ngumiti. Iyong ngiti niya lang talaga ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon.
2:24 pa lang ng hapon. Naisipan ko rin kasi na ganitong oras kaming lalabas at pupunta sa bayan para maiwasan ang masyadong init ng araw.
At ang mag-ama na ito ay hindi sanay na mainitan. Pulang-pula rin ang pisngi at leeg ni Markin. Inayos ko ang maliit na towel ng baby ko sa likod niya na nakaipit sa damit niya at may extra pa akong baby towel para pamunas naman ng pawis niya.
Inabot ko iyon kay Markin na naguguluhan pa sa una nang makita iyon sa kamay ko. Salubong pa ang kilay niya.
"Punasan mo ang pawis sa noo at sa leeg mo," utos ko sa kanya. Kahit hindi sanay ay isa sa bagay na mayroon ang nagustuhan ko. Hindi siya nagrereklamo.
Maliban na lamang kung pagdating sa aming dalawa ay reklamador siya. Kung ano ang gusto niya ay dapat pinagbibigyan ko na lamang. Kahit alam niyang posibleng may batang mabubuo sa kalandian niya. Sige siya...
"Just do it, baby..." sabi niya na sinadya pa niya yatang iparinig kay Kalou dahil napatingin na naman ito sa amin. Saka binigyang diin niya talaga ang word na baby.
Nakasimangot na ginawa ko na lang ang inuutos niya at pinapanood niya akong gawin iyon sa kanya. Kaya naman ay hindi ako matapos-tapos sa pagpunas ng pawis niya. Uneasy ako when it comes to him.
"Who is he? Is he your friend, kulot?" he asked me in a gently voice.
"Kapitbahay lang namin siya at hindi ko siya kaibigan, ha. Kilala siya ni Lolo Henriko. Siya ang naghatid sa amin ng gabing may party, remember sa mansion ni mayor? Bakit panay ang pag-igting ng panga mo habang pinagmamasdan mo si Kalou, ha? Bakit ang talim ng mga mata mo, ha?" tanong ko sa kanya at binulong ko lang talaga iyon para hindi marinig ng lalaking kinakawawa rin ng masasamang tingin ni Markin.
"Ayoko sa paraan ng pagtingin niya sa 'yo," sagot naman niya. Nagsusuplado na naman siya. Ano'ng problema niya?
"Sa sarili mo ay hindi ka galit? Napapansin ka rin ng Tito Hart ko, ah... Painosente ka pang engineer ka..." sabi ko. Nag-iwas na lamang siya ng tingin sa akin at bayolenteng napalunok. Sa huli ay pinaglaruan na lamang niya ang mga daliri ng baby namin.
Akala ko ay totoong regalo talaga ang bibilhin niya sa bayan. Pero isang punpon lang pala ng bulaklak ang naisipan niyang iregalo sa abuela ko saka pareho kaming walang maisip na matinong ireregalo para kay Lola Areah.
Nadaanan namin ang isang maliit na Divisoria. Balak ko sanang bilhan ng mga gamit si Markiana pero mabilis na pinigilan ako ng daddy niya. Sa Manila na raw kami bibili.
Hindi ako sure kung nilalait niya ang mga paninda rito sa amin pero naisip ko na masyado siyang maarte at ang gusto niya ay mamahalin na damit at mga gamit lang ang ibibili niya para sa anak niya. Gusto niyang i-spoil ang baby na makulit.
Hindi na niya nasuklian pa si Kalou at isang libo ang binayad niyang pamasahe namin. Nawindang pa si Kalou dahil first time niyang mabayaran ng pamasahe sa ganoong halaga. Nahiya pa nga siya kanina, kasi ang sabi niya ay wala siyang maisusukli.
Ang famous na linya na lamang ang pareho naming narinig ni Kalou. "Keep the change." Eh, 'di wow na lang sa mayayaman na engineer na katulad niya.
'Saktong pag-uwi naming tatlo ay nagpapahinga si Lola Areah sa kuwarto nila ni Lolo kaya hindi nakita ang pulang rosas na ibibigay ni Markin sa kanya bukas.
"Curious ako. Magkano ba ang dala mong pera? At wala akong nakita na tig-isang daan o limang daan man lang. Puro 1K lahat," utas ko.
Nasa sala kami ngayon. Naghanda si Nanay ng miryenda para sa amin at iyon ang kinakain namin ni Markin. Ang baby na kandong ko ay pinipilit din ang abutin ang plato na naglalaman ng turon. She wants to eat too.
"Nag-withdraw ako kahapon noong bumili ako ng snack natin. Naisip ko lang na baka mangangailangan ako ng pera. Nasa 40K iyon at iba iyong nasa wallet ko. Umabot yata iyon ng 90K, hindi ako sigurado." Nalunok ko ng buo ang kinakain kong turon at mabuti na lamang ay hindi ito bumara sa lalamunan ko.
"Ang dami mo namang dinalang pera. Hindi ka ba takot ma-hold-up?" gulat na tanong ko.
"Kaya nga nagdadala ako ng pera para iyon na lamang ang kunin niya," sagot niya na alam na alam kong nagbibiro na naman siya.
"As if..." sabi ko na lamang.
"I know how to fight against them, baby..." Ang yabang...
"Paano?" nakataas na kilay na tanong ko.
"Martial arts, baby. Do you think... Pinagbibigyan kami ni Grandpa na pumunta sa kung saan-saan na lugar kung hindi namin kayang lumaban kung may magtatangkang manakit sa amin?"
"Ewan ko..." I said at sumubo ulit ako ng turon na kinagatan niya rin.