CHAPTER 32

2315 Words
Chapter 32: Wife and Kiss KINABUKASAN ay abala na kaming lahat para sa kaarawan ni Lola Areah. Si Markin na hindi ko na hinayaan pang tumulong sa pag-aasikaso. Inutusan ko na lang siya na alagaan si Markiana. Kaya sila lang din ang nagkasama buong araw. Lumalapit lang sila sa akin kapag umiiyak ang anak namin dahil nagugutom siya at parang nasanay na rin ako sa presensiya ni Markin habang nagbi-breastfeed ang baby. Hindi na ako nahihiya kasi hindi naman lumalabas ang p*****t side niya. Naaaliw lang siyang panoorin ang baby niya. Ang gusto rin ng Lola ko ay ang kami lang magpamilya ang magsi-celebrate sa birthday niya pero sa huli ay may inimbita pa rin kami. Dumalo rin ang iilan na kaibigan ng mga magulang ko at ang mga kapitbahay rin namin. Isang light gray na baby gown ang ipinasuot ko sa anak ko. Sleeveless ang style nito at hindi ko rin nakalimutan ang lagyan siya ng malaking headband niya sa ulo. Ang daddy naman niya ay simpleng polo shirt na kulay abo lang ang suot nito at itim na pants. Fitted ito sa mahahaba niyang binti. Terno ang kulay ng suot nilang mag-ama. Habang ako ay itim na dress ulit. Ang ganda na nilang panoorin. Nag-aayos pa ako ng aking buhok at nakaupo sa dulo ng kama namin si Markin. Kasalukuyan niyang sinusuotan ng medyas at shoes nito si Markiana. Hindi ito malikot pero nakatingala naman sa kanya. Kaya madalas ay nadi-distract siya ng anak namin. Gusto pa yatang makipaglaro sa kanya at tatawa ng walang dahilan. Pinusod ko lang ang kulot kong buhok at lumapit sa gawi nila. Hindi ko sinalubong nang tingin si Markin dahil kakaiba ang pagtitig niya sa akin. Tama nga naman si Tito Hart. Bakit ba kasi ganito siya makatingin sa akin? Naninindig ang balahibo ko sa katawan. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ko ang matambok na legs ng baby ko. Napangiti ako nang makita na trying hard pala siya sa pagsusuot ng medyas ni Markiana. Medyo magulo pa ang suot nito. "Ayusin mo. Hindi naman ito mahirap isuot sa kanya," sabi ko at literal na pinapangaralan ko na siya. "Hindi ko nga magawa ng maayos dahil palagi niya akong tinatawanan. Nagiging bully ang baby mo, Mommy ganda," masayang sabi nito. Baka iyon nga ang dahilan kung bakit siya pinagtatawanan ng anak niya. Hindi kasi maaayos ang medyas at shoes nito. Kaya naman pala paminsan-minsan ay nakikita kong nanonood lang ito sa ginagawa sa kanya ng daddy engineer niya. "Hayan, tapos na." Tumayo na ako at hindi na niya ibinigay pa sa akin ang baby na nag-iingay na naman. Dinig na rinig na namin ang marahan na musika sa may garden at nakita ko rin ang pabalik-balik na pagpasok ni Tita Hanah sa kusina at may hawak itong tray. Huminto pa kami saglit sa may sala dahil pinagmamasdan pa ni Markin ang family picture namin. Kompleto kaming lahat diyan. Kami rin ng parents and grandparents ko. Nandiyan ang nag-iisa kong pinsan at ang kanyang asawa. "I want a family picture, too. Rea. But...saka na kung dalawa na ang baby natin," sabi niya na ikinagulat ko. Nangangarap na naman siya. "Bakit...ayaw mo kung tatlo tayo ni Markiana?" tanong ko kahit nakabibingi na ang lakas ng kabog sa dibdib ko. Umiling siya. "Bawal, eh," sagot niya. Nasa boses ang panghihinayang. "Ha?" gulat na tanong ko. Paano naman naging bawal iyon? At bakit kailangan na apat pa kami? Hala, ang tagal pa kaya iyon. Tss. Paglabas namin mula sa aming bahay at tinungo ang garden. Ang malamig na simoy ng hangin agad ang yumakap sa aming tatlo. Blouse style ang dress ko at manipis pa siya kaya nakaramdam din ako ng lamig. May cute na lights sa tent at maging sa paligid nito. Maganda rin ang sinag ng buwan na 'sakto yatang tumatama sa aming tatlo. "Iyong bulaklak pala ng Lola mo, baby..." "Mamaya mo na kunin," sabi ko. "Okay." Hindi pa man kami nakalalapit sa tent ay ramdam na ramdam ko na ang maraming mga matang nanonood sa amin. Pinagpawisan ako ng malamig. Baka kung ano-ano na naman ang sasabihin nila sa kasama ko. Hindi bale na pag-isipan nila ako ng kung ano dahil sigurado rin ako na malalaman na nilang lahat na hindi ko pamangkin ang baby ko at hindi anak ng aking pinsan si Markiana and lastly, kung sino ang guwapo at mala-model na kasama namin ngayong gabi. "Dada..." Nawala ang kaba sa dibdib ko nang marinig ko ang malambing na boses ng anak ko. I looked at her na sa akin na siya nakatingin. Matamis ang ngiti niya at kumikislap ang mga mata niya. "Mama..." "Are you nervous?" Markin asked me. Nararamdaman niya siguro na kabado ako habang papalapit kami sa tent. Agaw pansin naman kasi siya, eh. Isama mo pa na nasa bisig niya ang inakala ng lahat na anak ni Raia. "A little bit," sagot ko and I felt his hand in my back. Marahan na nagtaas baba iyon. Nagbibigay pa rin iyon sa akin ng kuryente. "Baka kung ano ang ibabato nilang kataga laban sa 'yo ang mga 'yan," sabi ko at pinipilit ko na rin ang ngumiti na tila hindi naman ako naaapektuhan sa mga tingin nila. "I am fine, Rea. Don't worry about me and I can handle everything," pagpapalakas loob niya sa akin at nawala na ang napipilitan kong pagngiti. Matapang naman ako sa mga taong posibleng huhusgahan ang pagkatao ko pero ibang usapan na kung si Engineer Markin ang pag-uusapan nila ng hindi maganda. Ang laking kahihiyan na ang pinagsasabi sa kanya ng pamilya ko, kahit na buong puso naman nila ito tinanggap at huwag na sanang dagdagan pa ng mga bisita ni Lola Areah. Nang makarating na kami ay ang pinsan kong si Raia ang unang lumapit sa amin. Pasimple niya akong hinila at hindi na rin kumibo pa si Markin nang makita niya iyon. Nakasuot ng light blue dress ang pinsan ko at maganda ang ayos niya ngayon. Pinaghandaan niya rin ang special na araw ng aming lola. "Kailangan ko pa ba'ng kunin mula sa kamukha ng aking pamangkin ang baby mo, pinsan? Saka..." "Aw..." mahinang daing ko dahil sa mariin na pagkurot niya sa tagiliran ko. Isa pang babae na ito. Ang hilig nilang tawagin na kamukha ni Markiana ang daddy nito. Bakit hindi na lang sa pangalan nito? "Hindi mo sinabi sa akin na isang Brilliantes pala ang tatay ng anak mo. Ang landi mo, ha," aniya sa akin at alam kong joke niya lang ang sinabi niyang malandi ako. Wala kaming samaan ng loob sa isa't isa. Mahigpit na ibinilin sa amin ng pamilya namin na huwag kaming mag-aaway na magpinsan. "Ikaw nga ang unang lumandi sa ating dalawa, tse," supladang sabi ko at kinurot ko rin ang baywang niya. "Nasaan ang anak mong si Moises at ang asawa mong nilandi mo na mas bata kaysa sa 'yo ng dalawang taon?" pabirong tanong ko sa kanya na ikinalaki ng kanyang mga mata. Hindi ko mapigilan ang mapatawa at hinampas na niya ang braso ko. Tama naman kasi ang sinabi ko na mas bata ang kanyang asawa ng dalawang taon kaysa sa kanya. "Gaga ka," she said at hinalikan pa ako sa pisngi. "Na-miss kitang future Brilliantes," nakangising sabi niya at bayolente akong napalunok. "Future ka riyan. Marami pa ang magbabago na relasyon namin. Malay mo...itinadhana lang pala na magkakaroon ng anak at hindi rin kami ang magkakatuluyan," sabi ko at si Raia lang talaga ang sasabihan ko ng ganoon pero hindi ko na namalayan ang paglapit sa amin ni Markin kasama ang anak namin. Mukhang narinig niya ang sinabi niya dahil naging blangko agad ang emosyon niya. Nahihiyang ngumiti ako sa kanya pero hindi naman siya nag-react at matatalim na ang mga matang tiningnan ako. "Uhm, Raia. Si Engineer Markin pala, ang daddy ni Markiana and... Mark... Markin, si Raia pala nag-iisa kong pinsan..." Halos hindi ko na mabigkas pa ng tama ang pangalan niya dahil bumibilis na naman ang t***k ng puso ko. Dumausdos kasi sa baywang ko ang kamay niya at hinapit niya ako palapit sa kanya. Sa liit ng katawan ko at si Markiana ay nasa bisig pa niya, nakakaya niyang gawin iyon sa amin. Nang tingnan ko naman ang naging reaction ni Raia ay nakataas na ang kilay niya at may pilyong ngiti sa mga labi niya. Gusto kong burahin. Shet lang. Ano na naman kaya ang iniisip ng babaeng ito? "Engineer Markin. Ikaw pala ang tatay ng pamangkin ko. Alam mo ba ang pinagdaan ng pinsan ko habang pinagbubuntis pa niya ang anak niyo? At ang magandang offer sana... Hindi sa inaano ko si Markiana, ah. Alam mo ba na maganda oppurtunidad ang ibinigay kay Rea ng hindi pa niya nalalaman na buntis siya?" mahabang saad ni Raia. Hindi ko na siya napigilan pa at dire-diretso na ang bunganga niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at sa paraan na iyon ay pinagbabantaan ko na siya. "Raia..." "What do mean by that?" naguguluhan na tanong ni Markin. "Raia. Ano ba 'yang pinagsasabi mong babae ka?" nagbabantang saad ko. "What was that? What's opportunity are you talking about? Rea?" baling nito sa akin na mabilis kong inilingan. Mas lalong hindi ko na kayang basahin pa ang emosyon na naglalaro sa kanyang mga mata. "She lost the chance to travel around the world. Isa siya sa napili na maging artist ng art collector sa ibang bansa after the party, after the exhibit..." Shet, shet... Wala akong nagawa kundi ang magmura na lamang. "Dahil...nabuntis siya at nawala sa kanya ang oppurtunidad na noon pa ay pinangarap na niyang..." Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang sumulpot ang mag-ama niya. Kinabahan na ako lalo ng magpaalam na sila sa amin. Para mawala na rin sa isip ni Engineer Markin ang sinabi ng pinsan ko sa kanya ay iginiya ko siya sa isang table at nandoon sina Tatay. "Reyang! Hindi ko alam na nag-asawa ka na pala! Bigatin pa! Kayo pala ang dumating no'ng isang araw. Hindi ka namin nakilala," sabi ng isa sa kaibigan ng aking ina at lumapit pa talaga siya sa amin. Kahapon lang ay girlfriend ang pakilala sa akin ni Markin. Paanong naging asawa ko na siya ngayon at kinasal na raw ako? Nilingon ko si Markin kung magrereklamo ba siya sa kanyang narinig. Nanlambot ang puso ko nang makita na nagbalik na ang ekspresyon niya. Namumungay ang mga matang tiningnan ako. I looked away. "Opo..." "Sabi ng Lolo Henriko mo ay civil wedding lang daw. Sana rito sa lugar natin kayo magpakasal." Oh, goodness... Wala pa nga sa isip ko ang magpakasal. Ano'ng pinagsasabi ni Lolo Henriko? Hinanap ng mga mata ko ang lolo ko at nakita ko na masayang nakikipag-usap siya at katabi niya lang si Lola Areah. "Ah... Opo..." Iyon na lamang ang sinabi ko. "Let's talk later, Rea. May gusto akong malaman sa pinagsasabi ng pinsan mo sa akin kanina," seryosong saad niya at napalunok na naman ako. Bakit pa? Hindi naman na iyon importante pa. "W-Wala naman iyon, eh," nauutal na sabi ko. Hinaplos niya lang ang pisngi ko at nabigla pa ako ng kinintalan niya ng marahan na halik ang sentido ko. "I'm sorry about that. Hindi mo sinabi sa akin..." namamaos ang boses na sabi niya. Kukuha na sana ako ng pagkain para sa amin pero nagboluntaryo siya na siya na lamang daw. Sa gabing ito ay naging masaya naman ang lahat. Lalo na ang birthday girl ni Lolo Henriko at isa-isa na ring nalaman ng lahat na ako talaga ang Mommy ni Markiana. May mga nagulat, siyempre hindi maiwasan iyon. At kaya naman pala na pinalabas nilang kasal na ako at civil wedding daw ay baka kung ano na naman daw ang sasabihin sa akin. Kahit totoo naman. Natapos din ang kasiyahan at nagpasya kaming mag-ina na magpapahinga na. Nauna kami ni Markiana dahil tutulong sa pagliligpit ang Daddy niya. Iiwasan ko sana siya sa magiging topic namin at alam kong desidido siyang kausapin ako tungkol sa bagay na iyon. Iyong bunganga kasi ni Raia! Nakakainis lang. Totoo ang sinabi ko na kapag hindi ka sikat ay talagang walang bibili ng artworks mo. Hindi ka makikila ng mga art collector pero itinago ko na minsan...ay napansin na sana ang mga gawa ko pero... Nanghihinayang man ako pero masaya naman ako sa naging desisyon ko. At sobra-sobra pa ang dumating sa buhay ko. Kaya hindi ko na rin inisip iyon. Alam ko rin na may isa pa akong pagkakataon para makilala ng lahat. Naniniwala pa rin ako na balang araw... Naunang natulog ang baby ko after niyang mag-milk sa akin. Inayos ko ang pagkakahiga niya at kinumutan siya. Matagal na hinalikan ko pa ang noo niya. "Nanghihinayang si Mommy, oo baby... Pero hindi ako nagsisisi na dumating ka sa buhay ko. Mahal kita, eh..." nakangiting sabi ko at hinalikan ko pa ulit ang pisngi niya. Ipinikit ko na ang aking mata at matutulog na sana nang maramdaman ko ang malambot na kumikiskis sa batok at leeg ko. Mabibigat na ang talukap ng mga mata ko pero ang makulit na bagay na iyon ay pinipilit na ginigising ang diwa ko. "Ano ba..." suway ko. Bumigat din ang baywang ko. "Let's talk... I told you na pag-uusapan pa natin ang tungkol sa offer na iyon..." Boses iyon ni Markin. Hindi ko siya pinansin dahil antok na antok na ako. Pero ang kulit niya! "Wake up, baby... Let's talk, Rea..." Hindi ko siya ulit pinansin at tinatanggal ko lang ang kamay niya sa pisngi ko. "I-Inaantok na ako, eh..." "Rea..." Titigil naman siya, alam ko. "Bukas na lang..." mahinang saad ko. "Wake up, baby... May pag-uusapan pa tayo," sabi niya at naramdaman ko ang pagkilos niya hanggang sa napadilat ako dahil nasa ibabaw ko na siya. Bago pa ako makapagsalita ng sinakop na ng mga labi niya bibig ko. "And you'll gonna be my wife...soon..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD