CHAPTER 33

1908 Words
Chapter 33: Unexpected isitor "AND you'll gonna be my wife...soon..." Pagkatapos niyang sambitin ang mga katagang `yan na pati ang kalamnan ko ay nanginig at saka siya umalis sa ibabaw ko. Humiga rin siya sa tabi ko pero pinatalikod niya ako mula sa kanya. Kaya ang natutulog na si Markiana ang kaharap ko ngayon. Sa tuwing natutulog kami ay hanggang baywang ko lang ang kumot ko o sa ibaba lang ng dibdib ko. Baka kasi pati ang mukha ng anak ko ay matabunan at mahihirapan siyang huminga. Ayoko namang gawin iyon. Pero minsan din ay pinapantayan ko ang ulo niya kaya kinabukasan nagigising ako na pinaglalaruan na niya ang mukha ko. Iyong para bang ginigising niya rin ako. Marahan na gumalaw si Markiana at tumagilid ito nang higa at hindi sinasadyang matamaan ako ng matambok niyang braso. Napapikit ako dahil `sakto talaga iyon sa mukha ko, mahinang dumaing pa ako dahil sa bigat ng kamay niya. Narinig ko naman ang mahinang paghalakhak ni Markin mula sa likuran ko. Umangat pataas ang aking ulo at tinanggal ang unan ko, pumalit ang matigas niyang braso. Hindi na ako nakapagsalita pa lalo na ng hapitin niya ako sa baywang at may pag-iingat na tinanggal ang kamay ng anak niya. Nararamdaman ko ang pagbuga niya ng hininga malapit sa aking tainga at nanuot sa ilong ko ang sabon na ginagamit ko rin. Bagong ligo lang siya. Hinalikan pa niya ang likod ng kamay ng baby namin at may tunog pa. Tuluyang nawala ang antok ko dahil sa makulit na engineer na ito. "Baby Markiana Reyan... My little Brilliantes... Sleep well, love," sambit niya. Gusto ko siyang asarin dahil hindi dala ng baby niya ang pangalan ng clan nila. Suwaib pa rin si Markiana, kahit alam ko kung sino ang daddy ng baby ko ay hindi ko ipagagamit ang surname nila. Wala rin naman kasing idea ang pamilya ko. Pero hindi ko rin napigilan ang bunganga ko, eh. "She's still Suwaib, not Brilliantes," ani ko at nanatili ang tingin ko sa anak namin. Dahil hindi puwedeng tingnan ko pa si Markin at baka masalubong ko lang ang labi niya na malapit sa aking pisnging namamahinga. "That's okay. Para sabay na rin kayong magiging Brilliantes," mayabang na sabi niya at kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangisi siya. "Tumigil ka," saad ko. "Can you tell me about the offer?" "Wala na nga iyon sa akin..." mabilis na tanggi ko. "Can you please, explain? Enlighten me, kulot," malambing na sabi niya at hinawi ang iilan na hibla ng buhok ko sa aking pisngi. "Fine. May nakilala akong art collector at nakita niya ang isa sa mga artwork ko sa exhibit," pagsisimula ko at mariin na nakinig lamang siya. "Then?" "Hayon nga, binigyan niya ako ng offer pero hindi rito sa Pinas. Nasa ibang bansa kasi ang studio nila. Pero nang malaman ko--namin na buntis pala ako... I talked to him about my situation. He was disappointed but nirespeto naman niya ang decision ko to turn down his offer in a good way," I explained. "He?" matabang na tanong niya. "Yeah," sagot ko at tumango pa. Hindi ko na nga binanggit pa ang bagay na iyon dahil masaya na akong kasama ko ang baby ko at wala akong pinagsisisihan. "Mabuti at dumating si Markiana para hindi ka na tumuloy pa," sabi niya. Hindi ko na lang iyon binigyang pansin pa at pumikit na ako. "Inaantok ka na ba?" tanong niya sa akin. Kung palagi niya akong kinakausap na may lambing sa boses ay talagang makakatulog ako agad. Hanggang sa hindi ko na nga namalayan pa at tuluyan na akong nakatulog. Inaasahan ko na paggising ko ay wala na ang dalawa sa kama pero mukhang mas nauna akong nagising kaysa sa dalawa. Lumipat sa kabila si Markin kaya nasa tabi na niya ang anak niya. Aba ang baby, nakahiga sa braso ng daddy niya at nasa dibdib din nito ang kamay niya na tila yumayakap din siya pabalik. Inayos ko na lang ang kumot sa katawan nila saka ako bumangon at lumabas ng silid namin. Nasa hagdanan pa man ako ng mahagip ako nang tingin ni Nanay. Lumapit siya sa akin. "Good morning po, `Nay," nakangiting bati ko sa kanya. "Magandang araw, anak. Dumiretso ka muna sa banyo at harapin ang bisita mo," sabi niya sa akin sabay hawak sa magkabilang balikat ko nang nakatalikod ako mula sa kanya. "Sino po ang bisita, `Nay?" tanong ko. Marahan ang pagtulak sa akin ng aking ina sa bandang kusina namin. "Basta," tipid na sabi niya lang. Kumunot lang ang aking noo dahil wala naman akong inaasahan na may bibisita pa sa akin, ah. Pero pumasok pa rin ako sa banyo. Nanghilamos at nag-toothbrush lang ako saka ko inayos ang buhok kong nagulo. Kulot na nga at magulo pa siya. Nagmumukha na akong bruha sa ayos ko. Hindi na natakot sa akin ang baby ko dahil sanay na siguro siyang makita ang ganoong ayos ko. Mabuti na lamang ay hindi niya minana sa akin ang buhok ko. Well, ang dami niyang pagkakatulad sa daddy niya. Napakadaya lang! Eh, sa akin? Parang wala naman yata. Pajama set ang suot ko at hindi ako nakasando lang katulad ng sinusuot ko sa tuwing kami lang ni Markiana ang natutulog sa kama at walang audience habang nagbi-breastfeed siya. Pagdating ko sa sala namin ay nagulat ako nang makita ko si Rexus. Nag-iisa lang siya at hindi ko nga inaasahan na siya pa ang bisita ko tapos ang aga-aga pa ay nandito na siya sa antique naming bahay. Prenteng nakaupo lang siya sa sofa at si Lolo Henriko ang kausap niya. Hindi ko alam kung nasaan si Tatay. Baka natutulog pa. Kaswal lang ang suot ni Rexus, puting V-neck shirt at itim na pantalon. Bumagay naman sa kanya dahil maganda rin ang pangangatawan niya at matangkad din siya. "Oh, nandito na pala ang apo ko. Reyang, nandito ang kababata mo at kanina ka pa niya hinihintay," pahayag sa akin ni Lolo Henriko. Wala sa sariling napatingin ulit ako kay Rexus. Bakit naman siya bumisita sa akin ngayon? Eh, hindi ba kinalimutan na niya ang pagkakaibigan namin? `Di ba, wala na siyang pakialam sa akin? Ano'ng ginagawa niya rito? Ang dami kong tanong sa sarili, tsk. Umupo ako sa tabi ni Lolo Henriko na may balak pa yata akong iwanan kasama ang sinasabi niyang kababata ko. Dati kong best friend, baka puwede pa. Oo, magkababata kami pero hanggang doon na lang din iyon. "Hi. Good morning, Rea," magiliw na bati niya sa akin na may ngiti pa sa labi. "Morning," tipid na bati ko lang. Naguguluhan pa ako kung bakit nandito siya. Ano'ng masamang hangin ang nagtulak sa kanya na bisitahin ako ngayon? "Maiiwan ko muna kayo, apo, Rexus." Gusto kong pigilan si lolo at nang makita ang naging reaksyon ko ay ngumiti lang siya sa akin at nag-thumbs up. Parang pinapahiwatig ni lolo na magigising maayos lang ang lahat, kahit hindi naman. "Ano'ng ginagawa mo rito, Rexus?" tanong ko at hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Alam kong naka-o-offend ang tanong na iyon pero ganoon kasi ako. Diretsahan kung magsalita at nakagugulat naman ang makita ko siya rito. Kung dati man na sanay na siyang nagpupunta rito ay ayos pa sa akin. Pero noong naging sila na ni Annaliza? Kahit ang sulyapan ako ay hindi niya magawa. Sa takot na maagaw ang bobitang iyon. Para akong isang virus noon o may malalang sakit na natatakot siyang mahawaan ko. "To visit you," sabi niya at hindi niya pinansin ang lamig ng boses ko. "But why?" I curiously asked him. "Your Lola Areah invited me on her birthday pero hindi ako nakarating dahil na-delay ang biyahe ko pauwi sa Sta. Tomas. Actually, kadarating ko lang kaninang madaling araw," he explains. I don't understand. "Dapat nagpapahinga ka sa mga oras na ito, Rexus. Bakit naisipan mo ang magpunta rito gayong wala ka pang sapat na pahinga mula pa kahapon?" naguguluhang tanong ko pa. "Para personal na humingi ng patawad dahil hindi ako nakadalo kagabi saka... Patawad din kung... ngayon lang ulit kita pinansin, Rea. Kinalimutan ko ang pagkakaibigan natin." Nabigla ako sa sinabi niya. Seryosong-seryoso pa. "Pero bakit ngayon mo lang yata napagtanto iyon, Rexus? Umabot na ng taon," nanunuyang tanong ko. Para sa akin, nanghihinayang ako sa friendship namin na matagal na rin naming binuo mula pa pagkabata pero ng dahil lang din sa iisang tao ay napakadali ring mawasak iyon. "I'm sorry..." sincere na sabi niya at nasundan ko ang paggalaw ng kamay niya. Kinuha niya ang isang punpon ng bulaklak at ibinigay iyon sa akin na may tipid na ngiti. Nagdadalawang isip pa ako na tanggapin ang bulaklak na nasa kamay niya at naghihintay rin siya na kunin ko iyon mula sa kanya. Pero bakit? Bakit niya ako binibigyan niyan? Hindi ko naman kailangan niyan. Ang ganda nga ng pag-organize ng bulaklak at parang pro lang ang inaayos nito. Hindi roses kundi tulips at alam ko... Kung ano ang ibig sabihin niya o assuming lang din ako na baka sinadya niya na iyan talaga ang ibibigay niya sa akin? "B-Baka mo ako... binibigyan nito? A-Alam ba `yan ni Annaliza? May alam ba siya na bibisita ka sa akin sa bahay namin, Rexus?" malamig na sabi ko pero nasa boses ko ang kinakabahan. Alam ko naman kasi ang dahilan kung bakit kinalimutan niya ako noon. Baka kasi walang alam ang girlfriend niya at kung malalaman no'n ang bagay na ito ay sigurado akong susugod na naman siya sa akin. Iyon ang dapat ko talagang iwasan. Sa totoo lang, ayoko na ng g**o. Ayoko ng makipag-away pa kay Annaliza. Napaka-immature kasing mag-isip ang babaeng iyon at lalo na may kakampi na siya. "Si Liz ang may idea nito, Rea. Gusto niyang ayusin ang friendship natin. Hindi na raw siya... Basta gusto niyang maging magkaibigan tayo ulit," sabi niya at wala akong nakikita na pagkukunwari lamang. Sincere na sincere siya. "Pero bakit ba talaga, Rexus? Bakit ngayon lang? At parang pinipilit ka naman ni Annaliza na gawin ang bagay na ito... Hindi mo kailangang gawin ito, Rex," mariin na sambit ko sa kanya na sinabayan ko pa nang pag-iling. "I'm sorry. Hindi lang ang girlfriend ko ang dahilan, Rea... Kaya...kaya pinili ko ang iwasan ka..." Mas lalo lang akong naguguluhan sa kanya. Hindi ko na siya maintindihan pa. "Can you forgive me?" nagsusumamong tanong niya sa akin at kitang-kita ko ang paghigpit ng kamay niya sa hawak niyang bulaklak. Inabot ko na iyon at nakita ko ang bahagyang pag-aliwalas ng guwapo niyang mukha. Hindi lang maganda ang pagkaka-design nito dahil mabango rin siya. Parang fresh pa. "To be honest... Tinanggap ko na ang lahat ng iyon, Rexus. Wala na sa akin pero..." "Mamamamamama..." Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Markiana. Nakita ko rin ang gulat na rumihestro sa mukha ni Rexus. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang mag-ama ko na hindi kalayuan sa puwesto namin. Madilim ang aura ni Markin at mahirap na namang basahin ang emosyon niya, dahil blangko lang iyon. Nasa bisig niya si Markiana na sa akin din nakatutok ang atensyon nito habang itinuturo ako kasabay nang pag-iingay niya. "Mamamamama..." Dumagundong ang kaba sa aking dibdib nang humakbang palapit sa amin ang engineer at mas lalo lang nag-ingay ang anak ko. Paulit-ulit na binibigkas nito ang salitang 'mama'. "Engineer Markin," sambit ni Rexus sa pangalan ni Markin. Ang sunod na ginawa ni Markin ay nagpagulat sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD