CHAPTER 34

2306 Words
Chapter 34: Her first time "GOOD morning, baby." After he greeted me, he even kissed the side of my lips at may diin pa iyon. Parang sasabog na talaga ang dibdib ko sa lakas ng tambol nito sa loob. Umagang-umaga ganito agad ang ibubungad niya sa akin! Oh, good God! "Our baby is hungry now. She need her Mama's milk," he added at kasabay na inilapit niya sa akin ang baby namin, pagkatapos niya ring kunin sa akin ang punpon ng bulaklak ng hindi nagpapaalam sa akin. Wala sa sariling kinandong ko na lang si Markiana at niyakap. Iyong maliit niyang kamay ay agad na dumapo sa dibdib ko. Normal na ginagawa naman iyon ng makulit na baby na ito, sa tuwing nagugutom nga siya. Madalas ay iaangat niya pataas ang laylayan ng damit ko. "Engineer Rexus, you're here," malamig na sabi naman ni Markin kay Rexus. "Yeah. What...what are you doing here, by the way? A-And..." Nalilito yata siya sa mga nagaganap ngayon. Wala rin naman kasi siyang kaalam-alam tungkol sa pagkakaroon ko ng anak. Dahil naputol na nga ang koneksyon na mayroon kami noon. Kaya paano niya malalaman? "I should ask you the same question. What are you doing here, this early in the morning?" he asked him at nanatili siyang nakatayo sa gilid ko. Nasundan namin pareho ni Rexus ang paglagay ni Markin ng bouquet sa center table namin. Walang pag-iingat iyon kaya umagaw talaga iyon ng atensyon. Umawang ang bibig ko sa gulat. "Binisita ko lang si Rea," kaswal na sagot naman ni Rexus. "And what's with the tulips? Why are you giving her that? For what?" seryosong tanong pa niya. Hinila ko ang laylayan ng suot niyang shirt para sana pigilan siya sa katatanong sa bisita ko at parang pinag-iinitan pa niya. Nanginig lang ang kamay ko dahil sa marahan na pagbaling nito sa akin at sa pagtanong sa akin ng malambing niyang boses. "What is it, baby?" he asked me in a soft voice. Nabitawan ko ang shirt niya at umiling sa kanya. Bumibigat ang atmosphere namin sa paligid dahil inilalabas na tensyon ng dalawang engineer na kasama namin. Hindi ko nakuha sa tingin at pag-iling ang Daddy ni Markiana dahil matapang na binalingan niya lang ulit si Rexus. "And you asked me why I'm here. Kasama kong nagpunta rito ang mag-ina ko. That's the reason..." diretsong sambit niya at bahagya pa niya kaming sinulyapan ng anak niya. Nakadikit na sa dibdib ko ang matambok na pisngi ng baby ko. Napangiti ako sa cute na gesture niya. Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan ang pisngi niya. "Good morning, love," I greeted her. Nakalimutan ko na kaharap pa pala namin si Rexus. Iyong ekspresyon niya ay parang hindi makapaniwala. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming tatlo pero humihinto iyon kay Markiana. He was shocked knowing that I have a daughter already. "M-May anak ka na, Rea?" gulat na tanong niya sa akin. I won't deny that fact. "Oo," sabi ko at pinaharap ko ang mukha ni Markiana sa kanya para makita niya ito ng malinaw. Mas nagulat pa yata siya ng inosente siyang tiningnan ng baby ko habang tumutulis ang nguso nito. Nakasuot siya ng baby pink na pajamas niya na may sumbrero pa sa ulo. Hindi na niya iyon tinanggal pa, may tainga rin kasi ng pusa kaya ang cute niyang tingnan. Nakasuot din siya medyas dahil malamig talaga kapag gabi na. "She's my daughter, Markiana Reyan. Five months old pa lamang siya," sabi ko. "A Brilliantes... Si Engineer Markin?" tanong niya sa sa akin na tinanguan ko lang. "How did it happened? Iyong huli nating pagkikita... How?" he asked again. "You always avoiding me at those time, Rexus kaya marami ka ng hindi alam tungkol sa akin," paliwanag ko pa sa kanya. Yumuko siya at alam kong pinagsisisihan na niya iyon. Base pa lang sa mga nababasa kong emosyon sa kanya. Sino ba naman kasi ang hindi manghihinayang sa friendship niyo na mula pagkabata pa ninyong binuo. Ipinagpasalamat ko ang pagdating ni Lola Areah at inaya kaming kumain ng agahan. Tumanggi si Rexus dahil may pupuntahan pa raw siya o sinadya niya na huwag ng sumabay sa amin. Nagtatanong din ang mga mata ni Tatay kung bakit nandito ang dati kong kaibigan pero wala siyang nakuhang sagot mula sa akin. Dahil maski ako, hindi pa kayang mag-sink in sa utak ko ang paghingi ng tawad sa akin ni Rexus sa personal at gusto niyang maging maayos ulit ang relasyon namin bilang magkaibigan. Kahit feeling ko ay sobrang hirap ng ibalik kasi may lamat na. "Kain na." I glanced at Markin. Marahan lang naman ang boses niya pero may kalamigan din. Nginuso ko ang anak niya na nagbi-breastfeed pa. Kanina pa ito pero hindi pa siya bumibitaw dahil sa sobrang gutom. Naiwan na nga kaming tatlo dito sa sala at dahil ayaw naman namin na mauunang magugutom ang bata ay dinala na lang ni Markin ang breakfast ko at sa kanya rin. Kanin na may nilagang itlog ang nakahain at adobong sayote. Hindi kape ang iniinom ko, gatas na dahil nang dumating si Markin ay hindi na niya ako hinayaan na uminom pa ng kape sa umaga. Dalawa na raw kami ni Markiana ang kumakain kaya dapat pareho kaming healthy at may vitamins. "Susubuan na lamang kita," suhestiyon niya. "Mauna ka ng kumain. Matatapos din si Markiana mayamaya," sabi ko at ngumiwi pa ako nang hinila ni Markiana ang n****e ko at mariin na kakagatin pa iyon. Masakit kaya iyon! Kahit maliit pa ang lumalabas na ngipin niya. "Stop that, love. Don't hurt your Mommy ganda," malambing na suway niya sa baby. Hindi nakatakas sa paningin niya ang ginawa ng sutil niyang anak. Manang-mana sa kanya. "A-Ayos lang. Sanay naman na ako," sabi ko sa kanya at pinagtaasan pa niya ako ng kilay. Akala ko ay magsasalita pa siya pero hindi na. Inabot niya sa mesa ang isang malaking pinggan at ang dami rin ng kanin. Maliban doon ay isang slice ng banana cake. May orange juice at isang maliit na tasang kape ang nakahain. Kumakain na rin naman ng agahan sina Nanay sa kusina. "Say ah..." Napatitig na lang ako sa kutsarang hawak niya na malapit na sa aking bibig. Hindi nga siya nagbibiro sa akin na susubuan niya ako. Umusog pa siya palapit sa akin para hindi siya mahirapan. "Rea, kain na," mariin na utos niya. No choice na ako kundi ang ngumanga na lamang at isinubo ko na ang kanin na may maliit na hiwa ng itlog. Nakadadalawang subo pa ako bago siya kumakain at gamit lang din ng iisang spoon. Kunot na kunot ang kanyang noo habang kumakain kami. Napapansin ko rin ang pagsulyap niya sa kabilang side at panay rin ang pag-igting niya ng panga. He seems angry. Pinadaanan ko ang daliri ko sa kanyang kilay na nagsasalubong din. Nabigla siya sa ginawa ko kaya napahinto siya. Pero mabilis ding lumambot ang ekspresyon niya. "Mukhang galit ka, ah. Ano'ng problema mo, Engineer Markin?" tanong ko sa kanya at ilang segundo niya rin akong tinitigan saka siya tumingin sa ibang direksyon. Nasundan ko iyon ng tingin at parang lumulutang lang ang utak ko. "Ano'ng mayroon sa bulaklak na `yan at bakit ang sama ng tingin mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya at akmang aabutin ko ang isang basong tubig nang maunahan niya ako. Kusa niyang ibinigay iyon sa akin. "That's it. What's with the guy who brought you a bouquet of flowers? Tulips rather... He can give you a yellow flowers instead, a symbol of friendship," he said. "You already know who is he... He's my best friend," sabi ko na para bang tinatanggap ko ulit sa buhay ko si Rexus. "I heard that," utas niya. "But...why he's giving you that?" he asked again, and pointed at the flowers. "A peace of offering, maybe..." I said and shrugged my shoulder, "And I will keep it. First time kong makatanggap ng bulaklak. Idi-display ko `yan sa bedside table ko mamaya," sabi ko at hindi ko na naisip pa ang magiging reaction niya. Dahil ang akala ko ay wala lang iyon sa kanya. Pero ginawa niyang big deal ang pagbibigay sa akin ni Rexus ng bulaklak. Dahil sa init ng ulo niya ay pinilit niya ako na ubusin ang pagkain namin kahit sinabi ko sa kanya na hindi ko na kaya dahil busog na ako. Pati iyong banana cake ay wala siyang patawad. Kaya sa huli ay sinuka ko na lamang iyon lahat. Nagulat ang sikmura ko lalo na sa matamis na kinain ko. Hindi rin naman kasi ako mahilig sa matatamis na pagkain. Gusto ko iyong `sakto lang ang lasa niya, iyong tamis. Naramdaman ko ang paghagod ng kamay niya sa likod ko at inipon pa niya ang lahat ng buhok ko para hindi ito maging harang sa akin. "I'm sorry," namamaos ang boses na sambit niya at hinalikan pa niya ang sentido ko. Pinunasan pa niya ang ilan na butil na luha sa gilid ng mga mata ko. "Parang ayaw ko ng kumain ng banana cake. Sobrang tamis niya," sumisinghot na sumbong ko sa kanya. Hindi ko na siya sinisi pa sa nangyari sa akin, dahil alam kong bugnutin siyang nilalang. "Ayos ka na ba?" marahan na tanong niya. I nodded my head at inalalayan na niya akong makatayo. "Si Markiana?" tanong ko. "Na kay Nanay," sagot niya na ikinataas ng aking kilay. "Nanay?" "Yeah, Nanay. Your mother told me that it's fine with her if I call her Nanay," he reasoned out. "Ano naman ang tawag mo sa Lolo Henriko ko, kay Tatay at kay Lola Areah? Same lang sa pagtawag mo sa akin?" nakataas ang kilay na tanong ko. Iginiya niya ako palabas ng banyo habang nakaalalay naman ang kamay niya sa likod ko. "Except sa Lola Areah mo. She's a little bit grumpy, just like you when we first meet, again..." tumatangong sambit niya. I pouted. Baka sabihin niya na kamukha ko na rin ang aking lola. "Whatever," sabi ko na lamang at inirapan siya. "I'm sorry for what happened awhile ago. I just want you, uhm... Paano ko ba sasabihin iyon ng hindi mo nabibigyan ng malisya?" tanong niya na may pag-aalanganan sa boses. "Ano'ng sabi mo?" nambabantang tanong ko sa kanya. Ano'ng ibig niyang sabihin sa 'I just want you' na `yan? Iba ang meaning no'n sa akin, eh. Kaya ayos-ayusin niya. "Gusto ko lang na...ako ang una sa lahat--no... Ano pa ba ang mga hindi mo nagagawa and I'm willing to give you that, and I will be the first," sincere na sabi niya and somehow, naintindihan ko na ang gusto niyang iparating sa akin. "Bakit?" I asked him. "I just want," he answered. "All your first time, I want to give you that." HINDI pa tapos sa p**********p ang pamilya ko sa daddy ni Markiana dahil inutusan na naman nila itong tumulong sa kanila sa ricemill. May mga trabaho raw sila na hindi pa natatapos at gusto nila na wala na silang alalahanin pa bago sumapit ang piyesta sa aming barangay. Mariin na tumanggi ako dahil baka this time ay hindi na kakayanin ni Markin ang mga trabahong ibibigay sa kanya nina Tatay at Tito Hart, sumama pa si Lolo Henriko. Nang makita niya ang busangot kong mukha ay kumindat siya na tila sinasabi niyang 'Ako ang bahala,' pinanghawakan ko iyon kaya hinayaan ko na lamang sila. Ayaw rin namang nagpapigil ang isa dahil nagpapabango pa siya ng pangalan niya. Naiwan kaming mga babae sa bahay at dumating naman ang pinsan kong si Raia para tumulong din sa paghahanda ng nalalapit na piyesta. "Sorry pala kagabi, pinsan! Pero sinadya ko talaga sabihin iyon sa kanya para malaman naman niya ang pinaghirapan mo!" I'm not sure kung may sinseridad ba sa paghingi niya sa akin ng pasensiya dahil halatang inaasar na naman niya ako. Sinasabayan niya kasi nang pagtawa. "Tita!" tawag ko sa Nanay niya nang makita kong akay-akay nito ang panganay niyang apo. Lalaki ang panganay na anak ni Raia at ang sinundan nito ay babae, na magdadalawang taon na. "Oh, Reyang." Yumakap ako sa braso ng tita ko at nginuso ko ang anak niyang sumbungera. "Iyong anak po niyo, Tita. Nagsumbong po sa daddy ni Markiana," sumbong ko rin. Na kay Lola Areah na naman si Markiana. Kahit hindi na siya kayang buhatin pa nito pero behave naman siyang nakaupo sa lap ng lola namin. "Ano naman iyon? Raia, ano naman ang sinabi mo sa manliligaw ng pinsan mo, ha?" natatawang tanong ni Tita. Patakbong lumapit ang anak ni Raia kina Lola Areah at ang magalang na bata hindi nagmana sa Mama niya ay hinalikan pa niya ang likod ng lola namin saka niya pinaglaruan ang kamay ni Markiana at maging ang kapatid niya. Tuwang-tuwa naman ang baby dahil ngayon lang ulit niyang nakasama ang mga pinsan niya. "Iyong offer po sa kanya last year, Mama. Baka kasi ano...wala." Wala rin siyang nasagot na matino. "Tigilan mo ang love life ng pinsan mo, Raia. May dalawa ka ng anak pero ang pag-iisip mo. Hay naku," ani Tita at umiling pa na para bang sinasabi niya rin na hopeless na ang kanyang anak. Malakas na tumawa lang din ako at sumimangot siya sa huli. "Dalhan natin ng miryenda ang mga lalaki sa ricemill," sabi ni Lola Areah. Ang mga lalaki talaga ang itinawag sa apat. "Nandoon din po ang asawa ko, Lola Areah," parang batang sabi ni Raia na pareho namin siyang tinawanan. Para lang siyang nanghihingi ng candy sa nanay niya. Nang irapan siya ng aming lola ay humaba lang ang nguso niya at kakamot-kamot sa ulo niya. "Hindi po ako nagbibiro, Lola." "Eh, `di gawan mo rin ng miryenda. May sarili ka namang kamay, aba," masungit na sabi nito sa kanya. Sanay naman kami sa attitude nito kaya wala na talagang bago sa pagiging masungit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD