CHAPTER 35

2089 Words
Chapter 35: Warning "DADA?" patanong na tawag ni Markiana sa daddy niya at palinga-linga pa siya sa paligid. Animo'y hinahanap ang kanyang ama. Tingnan mo nga naman, oh. Wala pang isang buwan silang magkasama ay hinahanap-hanap na ng baby ko si Markin. Nasanay na rin yata ang baby kulit sa presensiya ng daddy engineer niya. Alam na alam kung sino ang tatay niya. Hala, ako ang natatakot kapag bigla kaming igo-ghost ng engineer na iyon. Baka darating ang panahon ay makakalimutan na kami no'n. Kahit na alam kong mahal na mahal naman ni Markin ang anak niya. Tapos na kami sa paghahanda ng miryenda at nagkanya-kanya talaga kami para sa pagbibigyan din namin. Si Lolo Areah ay para kay Lolo Henriko naman ang inihanda niya, ganoon din si Nanay at Tita. Siyempre si Raia din sa para naman kay Engineer Markin ang inihanda kong miryenda. Pinalitan ko lang ng diaper ang anak ko at nakadapa na naman siya sa bed namin. Pinaglalaruan na naman niya ang paborito niyang mansanas. Kinuha ko siya at pinatayo sa lap ko saka ko matamang tiningnan ang mukha niya. Napangiti siya sa ginawa ko kaya pinaulanan ko na naman siya ng halik sa buong mukha niya at sa leeg niya. Ang bango-bango niya, kahit amoy gatas at pulbos siya. "Sasama ka ba, love? Ihahatid lang natin ang miryenda ng daddy mo na kinakawawa na naman ng mga lolo mo. Pinagtrabaho na naman nila sa ricemill," nakangusong sabi ko sa kanya. Humagikhik siya at sinubo na naman niya ang laruan niya sa kanyang bibig. "Dada... Dadadadadada..." Hayan na naman siya. Dalawang salita lang talaga ang kaya niyang bigkasin. Mama at dada pa. Excited ako na soon ay magiging madaldal na siyang bata. "Ang cute-cute mo talagang baby ka," nakangiting sabi ko sabay halik sa tungki ng ilong niya. Itim na shirt naman ang suot niya ngayon, pinarisan ko rin ng itim na cotton short pants. Manipis lang ang tela niya kasi baka madali siyang mainitan. Pero nilagyan ko pa rin siya ng puting baby towel niya sa likuran. Black sock and shoes din. Natatawa na lamang ako dahil black outfit na naman siya ngayon. Iyong sombrero niya ay may maliit na sungay pa na mas natutuwa akong pagmasdan siya. "Hayan, hindi lang cute-cute ang baby ko. Magandang-maganda rin," tuwang-tuwang bulalas ko. Normal na yata sa mga mommies ang pinupuri ang kanilang mga anak, `no? Ako kasi ay hindi nagsasawa na sabihin iyon kay Markiana. Eh, sa ang cute-cute niyang bata. Kaya ang suwerte ko sa kanya. Napakasuwerte ko dahil ako ang naging mommy niya at siya rin ang naging anak ko. Bago pa man kami makalabas ni Markiana sa aming silid nang marinig ko ang pamilyar na ringtone ni Markin. Napalingon ako sa pinagmumulan ng tunog na iyon at nasa bedside table ko lang. Kitang-kita ko ang pag-iilaw nito at gumagalaw ito dahil sa vibration. Dahil sa curious ay tumayo ako habang nasa bisig ko ang baby ko. Kinuha ko ang phone gamit ang isang kamay ko at napatitig ako nang matagal sa screen nito. Mergus is calling... "Hala, love. Tumatawag ang kakambal ng Daddy mo," pagkakausap ko kay Markiana at ang 'hmm?' niya lang ang isinagot sa akin saka pilit na kinukuha mula sa akin ang hawak kong cellphone. Medyo nagulat pa ako nang makita ko ang picture ni Markin kasama ang baby namin. Napangiti ako dahil ginawa niya iyong locked screen wallpaper. Pareho silang may ngiti sa labi. Hindi ko alam na may picture na pala silang dalawa. "Ang ganda niyong tingnan, love. Maganda ka at okay...guwapo na ang daddy mo. Parang iyong phone ko lang, tayo rin ang nasa wallpaper," tuwang-tuwang sabi ko. Nababahala ako kung sasagutin ko ang tawag nito pero kapag walang sasagot ay mas mangungulit pa ito. Bakit kaya hindi dinala ng lalaking iyon ang phone niya? Alam naman niya na importante ang tumatawag sa kanya. O baka nakalimutan niya lang? Pero sa halip na sagutin ay ibinulsa ko na lang iyon sa pants ko saka kami lumabas at sa sala ay naghihintay na sina Nanay sa amin. May lumapit naman sa amin na batang lalaki. "Sama si Yan-yan, Tita?" nahihirapang tanong sa akin ng pamangkin ko. Ang anak ni Raia. Ang guwapo niyang bata, four years old pa lamang siya kaya medyo bulol-bulol pa siya kung magsalita. Rexon ang pangalan nito at ang nakababata niyang kapatid ay si Renyel naman. At Yan-yan ang tawag niya sa pinsan niya dahil sa hirap niyang bumigkas ng mahabang pangalan nito. Iyong pangalan ko ay simple lang at three letters lang siya kaya bumawi ako sa pangalan ng baby ko. "Oo, nandoon daw kasi ang daddy niya," sagot ko sa kanya at malapad na ngumiti siya. Napatalon pa siya sa tuwa. "Maglalakad po ba tayo papunta sa ricemill, Mama?" tanong ng pinsan ko. Abala siya sa pag-aayos ng maliit na backpack nito ng kanyang anak. "Ang layo ng ricemill mula rito, Raia. Kung gusto mo ay ikaw na lang ang maglakad mag-isa," pagsusuplada sa kanya ng Mama niya. Binabara talaga siya ni Tita. "Eh, bakit pinaglakad niyo lang si Engineer Markin? Si Lolo lang ang pinasakay nila sa tricycle habang sina Papa, Tito, at ang manliligaw ni Raia ay pinaglakad niyo. Maglalakad din po sana ang asawa ko pero pinilit din ng nakatatanda na samahan si Lolo Henriko." "Nanay?!" Ako ang nag-react agad dahil hindi ko nai-imagine na pinaglakad nila si Markin! Napaigtad pa sa gulat si Markiana sa biglaan kong pagsigaw, muntik pa siyang umiyak dahil namumula na agad ang kilay nito. "I'm sorry, love," malambing na sabi ko sa kanya at hinalikan ko ang ulo niya. "Hayaan mo na, anak. Hindi naman daw nagreklamo, eh," mahinang saad sa akin ng aking ina pero umiling ako. Dahil hindi ko iyon nagustuhan. Nahuli ko naman ang pagngisi ni Raia na mukhang aasarin na naman niya ako. "Bakit ang overprotective mo, pinsan? Lalaki iyon, kayang-kaya no'n ang maglakad ng malayo. Strong iyon kaysa sa `yo, `no. Jackpot agad ng--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang hinampas ni Lola Areah ang walis tambo sa puwit niya. Suwerte niya na hindi walis tingting dahil mas masakit ang isang iyon. Eh, sa kanya? Iyong dulo lang ng walis. "Hindi kasi siya sanay sa ganoon. Kita nga niyo ang kotse niya sa labas. Bakit hindi iyon ang ginamit nila sa pagpunta sa ricemill? Bakit pinaglakad po nila, `Nay, Tita, Lola??" tila nagtatampong tanong ko sa kanila. "Malaki na iyon, Reyang. Malakas iyon," masungit na sagot sa akin ni lola. Tumawa lang si Tita at Raia, si Nanay naman ay hindi na nakaimik pa. Halatang hindi rin siya pabor sa ginawa ng mga lalaking iyon, sina Tatay at Tito Hart. "Mas sanay po iyong magbilang ng numero," dagdag ko pa. "Tatanungin ko nga kung nakailang rounds ka--" "Raia!" sigaw sa kanya ni Tita na may pagbabanta pa sa boses niya. "Nagbibiro lamang po ako, `Nay!" defensive na sabi nito. "Hindi `yan magandang biro!" "Eh, sanay na po kami ng pinsan ko. Hindi ba, Reyang?" Inirapan ko siya at hindi sinagot. "Tara na nga at baka mahuli pa tayo," ani Tita at iginiya na niya palabas ang kanyang apo. Sasakay kami sa truck ng ricemill nila. Ang trabahador nila ang nagmamaneho nito at sinadya kaming sunduin sa bahay. Dahil sa taas nito ay sigurado akong mahihirapan kaming sumakay. Nasa passenger seat naman sumakay si Lola Areah, nakasakay siya sa tulong ng driver. "Akin na muna ang apo ko, Reyang. Kumuha ka ng payong sa loob at huwag mong kalimutan na isarado ng mabuti ang pintuan ng bahay natin." Tinanguan ko si Nanay at maingat na ibinigay ko sa kanya ang aking anak. Kaya naman pala may tatlong payong si Raia. Para sa kanila ng baby niya ang isa at kay Tita naman. Maliit lang naman iyong kay Rexon. Patakbong pumasok ako sa loob ng antique naming bahay at kinuha ang dalawang payong na nakasabit lang sa pader malapit sa maliit naming TV. Nang makuha ko na ito ay agad din akong lumabas. Nakasakay na silang lahat sa truck at nakita ko pa ang pagsulyap sa akin ni Markiana. Naguguluhan. Hindi ako nakalapit agad nang makita ko naman si Rexus. Hala, bumalik siya? Napalingon ako sa gawi ng pamilya ko at sumenyas ako na kakausapin ko na muna si Rexus bago kami aalis. Tumango lang ang nanay ko pero iyong anak ko ay tila tinatawag pa ako at gumagalaw rin ang kamay niya. Lumapit ako kay Rexus. Iyon pa rin ang suot niya kanina. Hindi siya nagpalit. Nasa gilid nitong naka-park ang kotse niya, siguro sa kanya iyon. Kasi wala naman ito kanina at narinig ko pa ang pagbusina ng sasakyan na hindi ko gaano binigyan ng atensyon. "Nandito ka ulit? May kailangan ka ba, Rexus?" kaswal na tanong ko sa kanya. Matagal bago siya sumagot kasi tinitigan pa niya ang mukha ko. "Seryoso ka ba kay Engineer Markin, Rea? At paano ba'ng nangyari na nagkaroon kayo ng anak bigla?" tanong niya sa akin. Alam kong naguguluhan siya sa mga nangyayari. Pero bakit parang interesado siyang malaman iyon? "Alam ito ng girlfriend mo, Rexus. Alam ni Annaliza ang nagyari sa akin last year. Sila ang pangalawang nakaalam na buntis ako at sila rin ang may alam kung sino ang ama ng batang dinadala ko noon na hindi naman alam ng pamilya ko," walang emosyon na sabi ko. Wala sana akong balak na sabihin pa sa kanya iyon pero gusto kong malaman niya ang lahat ng nalalaman din ni Annaliza tungkol sa akin. "W-Wala... Rea... Wala akong alam. A-Aksidente lang ba ang nangyari sa inyo?" tanong pa niya. Bakit mukhang nag-aalala siya ngayon? Ano'ng nangyayari sa kanya? "Paanong aksidente?" nagtatakang tanong ko naman. "Kung hindi ako nagkakamali... Noong gabi sa party... Pareho kayong nawala ni Engineer Markin at pati ang kaibigan nitong si Leandro. Ayokong isipin na baka nasa iisang silid din sa mga oras na iyon ang kapatid kong si Leighton. Pero ang pamangkin ko, si Leandro talaga ang totoo niyang ama. Noong una ay ayaw pa niya sa bata, Rea. Dahil ang iniisip niya ay hindi ang kapatid ko ang nagalaw niya isang gabi... Nagpa-DNA test pa kami para malaman ang totoo. 99.9 percent positive na mag-ama silang dalawa." "Bakit sinasabi mo `yan sa akin, Rexus? Buhay na `yon ng kapatid mo at wala akong pakialam sa kanila. May atraso sa akin ang girlfriend at kapatid mo," malamig na saad ko na ikinatigil niya. "Ano'ng ibig mong sabihin doon, Rea? Ano'ng atraso?" "Mas mabuting sa kanila mo na lamang malalaman, Rexus. Tinanggap kita ulit sa buhay ko at bilang kaibigan ko ay aayusin natin ang relasyon natin pero...bakit ipinapakita mo sa akin ngayon ang pag-aalala na para bang may mangyari sa akin ng masama?" tanong ko. "Dahil hindi rin kita maintindihan, Rea. Kung bakit napakadali sa `yo na tanggapin ang lalaking iyon. Kahit na...oo, siya ang ama ng anak mo. Pero Rea, sasaktan ka lang ni Engineer Markin." Naikuyom ko ang kamao ko. Saan patutungo ang usapan na ito? "Sinisiraan mo lang ba siya sa akin? Para saan iyon, Rexus?" malamig na tanong ko sa kanya. "Hindi ganoon ang ibig kong sabihin, Rea," mabilis na agap niya at umiling. "Eh, ano? Bakit bigla kang naging concern sa akin?" "Dahil kaibigan pa rin ang turing ko sa `yo. Alam ko na hindi ko na dapat sabihin pa ito... Pero masasabi ka lang sa kanya, Rea... Ang kapatid ko ang mahal niya, hindi siya pinagutan ni Leandro at nandoon si Engineer Markin. Handa siyang panagutan ang kapatid ko at pakasalan pero unang tumanggi ang pamilya niya. Lahat sila, Rea... Hindi pabor sa mga babaeng pinipili ng mga anak nila." Honestly speaking, wala akong pakialam sa clan ni Markin. Tatanggalin man nila ako o hindi ay wala na akong pakialam pa. Mas natatakot lang talaga ako para sa anak ko. "M-Mahal niya ang anak namin, Rexus..." sambit ko. "He wants your studio, Rea... Iisang trabaho lang ang mayroon kami at alam ko na susunod na kausapin ka ay ang tungkol sa bagong pinatayo mong studio. May malaki kaming project at kailangang makuha namin ang lupang...kinakatayuan mo ngayon sa Manila..." "S-Sinasabi mo ba sa akin na... nilalapitan niya lamang kami dahil gusto niyang makuha iyon? Ang daming lupain diyan na puwede niyong bilhin! Bakit iyong lupang kinatitirikan ng studio ko sa Manila?!" bulalas ko. Gagawin ba iyon ni Markin? Palalayasin niya kami ni Markiana sa lugar na iyon? Napakawalang puso naman! "Rea..." "Ayokong maniwala, Rexus," sabi ko at tinalikuran na siya. Hi ko na pinansin pa ang pagtawag niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD