Chapter 36: Problem
HINDI na ako nakaimik pa nang sumakay ako sa truck. Ni hindi ko na rin pinansin pa ang kamay ni Raia na akmang tutulungan sana ako. Kahit nahihirapan ay sumakay pa rin ako ng walang hinihinging tulong mula sa kanila.
Nararamdaman ko rin paninitig nila sa akin at tila nais nilang magtanong kung ano ba ang pinag-usapan namin ni Rexus. Nakita rin nila kasi ang mahigpit na pagkuyom ng kamo ko. Wala ring salitang namutawi sa aking bibig nang kinuha ko si Markiana kay Nanay at mahigpit ko itong niyakap.
"Pero masasabi ka lang sa kanya, Rea... Ang kapatid ko ang mahal niya, hindi siya pinagutan ni Leandro at nandoon si Engineer Markin. Handa siyang panagutan ang kapatid ko at pakasalan pero unang tumanggi ang pamilya niya. Lahat sila, Rea... Hindi pabor sa mga babaeng pinipili ng mga anak nila." Isang sampal iyon sa pagkatao ko.
Hindi naglaho sa isip ko ang mga katagang binigkas ni Rexus at parang ngayon ay nagdududa na ako. Sa sinabi niya ay hindi ko na rin alam sa sarili ko kung sino ba ang paniniwalaan ko.
Si Rexus ba na dati kong matalik na kaibigan, na nakikitaan ko ng pag-aalala sa akin o si Engineer Markin na minsan ang hirap niya ring basahin pero nakikita ko rin sa kanya ang pagmamahal niya sa aming anak. Sa akin ba? Hanggang admiration o attractive lang talaga ang nararamdaman niya para sa akin?
Dahil sa malalim kong pag-iisip ay bumalik lang ang diwa ko ng marinig ko ang malambing na boses ng anak ko. Napayuko ako para makita ko ang maamo niyang mukha. Kunot na kunot ang kanyang noo at nakatingala rin sa akin. Inabot nito ang pisngi ko. Tipid na ngumiti ako sa kanya.
"Nababaliw na si Mommy, love. Parang natatakot na ako. May doubt na ako sa lahat ng bagay, Markiana... Ang daddy mo, love..." bulong ko sa kanya at idinikit ko lang ang labi ko sa sentido niya.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa ricemill. Sa malamang makikita ko siya at parang ang hirap ng tingnan si Markin, na baka niloloko niya lamang ako at nilalapitan lang dahil sa lupain na gusto nilang bilhin ay gusto ko na lang na huwag nang magpakita pa sa kanya. Parang gusto kong umuwi na lamang kami ni Markiana.
Isa-isang lumapit sa amin sina Tatay nang makita ang pagdating namin. Si Raia na unang inalalayan ng kanyang asawa na bumaba ang kanilang mga anak bago siya.
Napaiwas ako nang tingin nang makita ko si Markin na kasalukuyan nang naglalakad upang makalapit sa amin. Hindi na ako naghintay pa sa kanya na tutulungan din ako sa pagbaba pero para magawa iyon kailangan ko pang umupo sa sahig ng truck at dahan-dahan na lamang tatalon.
Ngunit hindi na kailangan dahil si Markiana ang binuhat niya at nailipat na naman ito sa lola niya. Sobrang taas ng sasakyan, katulad din naman ito ng kanina na pahirapan ng pagsakay at maging ganito rin.
Bumilis ang t***k ng puso ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko. Hindi ako nakapagsalita ng walang kahirap-hirap niya akong binuhat at napako lang ang aking tingin sa maugat niyang braso.
Nang tuluyan na niya akong naibaba ay iiwasan ko na sana siya pero mabilis na hinuli niya ang siko ko at ang isang kamay niya ay nanatili na lamang ito sa baywang ko.
"What's wrong, baby? Bakit pakiramdam ko ay iniiwasan mo ako?" nagtatakang tanong niya sa akin. Hindi ko siya matingnan ng diretso sa kanyang mga mata. Mariin na nakatiklop lang ang mga labi ko. Ang bilis niya ring makaramdam na iniiwasan ko siya.
"W-Wala..." nauutal ko pang sagot at bahagyang umatras upang dumistansya sana sa kanya pero hindi niya ako hinayaan. Mas hinapit niya ang baywang ko sa katawan niya.
Wala na akong kawala pa, lalo na nakahilig siya sa akin at sinusuri ang sulok ng mukha ko.
"Look at me. Look at me, Rea..." utos niya sa namamaos na boses. I tried to look at him pero umabot lang iyon sa panga niya nasundan ng aking mga mata ang pag-igting no'n bago ko pinirmi sa dibdib niya. Iyong leeg niya ay namumula na rin. I can't look at him straight in the eyes.
"Rea. May problema ba tayo?" marahan na tanong niya sa akin. Umiling ako.
"Wala naman," mabilis na sagot ko at itinukod ko ang palad ko sa dibdib niya para sana itulak siya pero hayan na naman siya. Halos yakapin na niya ako sa sobrang lapit ng katawan niya sa akin.
Na-conscious ako sa paligid, kasama pa naman namin sina Nanay at baka pagagalitan na namin kami ni Lola Areah kung makikita nito ang posisyon namin. Pasimple kong iginala ang paningin ko sa paligid.
Walang katao-tao dahil siguro nagpapahinga na ang mga ito sa cottage na sinadyang ipagawa nina Tito. Kaming dalawa na lamang ni Markin ang natira sa puwestong ito.
"Bitawan mo na ako," utos ko rin sa kanya.
"Kung wala tayong problema. Bakit hindi ka makatingin sa akin ng diretso? Bakit mo ako iniiwasan? Rea..." Iyong boses niya ay parang nauubusan na ng pasensiya sa akin. Kulang na lang ay pagalitan na niya ako.
"Wala nga," wika ko.
"Okay pa naman tayo kanina. Bakit ganyan agad ang bubungad mo sa akin?" malamig na tanong niya. Hinawakan niya ang chin ko para sana iangat ito.
"Look at me, baby, please..." nagsusumamong sambit niya. Iiling na sana ako pero humigpit ang kamay niya sa baywang ko, may panggigigil pa iyon. "Tang-ina, bakit hindi ka makatingin sa akin kung wala tayong problema?!" asik niya sa akin. Bigla ay nag-init ang sulok ng mga mata ko. Nararamdaman ko na rin ang kirot sa dibdib ko.
Umalingawngaw na naman sa isip ko ang boses ni Rexus.
"He wants your studio, Rea... Iisang trabaho lang ang mayroon kami at alam ko na susunod na kausapin ka ay ang tungkol sa bagong pinatayo mong studio. May malaki kaming project at kailangang makuha namin ang lupang...kinakatayuan mo ngayon sa Manila..."
"Kung alam kong magkakaganito ka lang ay hindi na sana ako umalis. Hindi ko na sana kayo iniwan pa ni Markiana," bulalas niya na ikinayuko ko lamang.
"Baka...hahanapin na ako ng anak ko," sabi ko at nakagat ko lang ang labi ko dahil sa malutong niyang pagmumura.
"Here you are again... Anak natin iyon, Rea. Anak natin," supladong sambit niya. Nakahiga ako ng maluwag nang sa wakas ay binitawan na niya ako.
Dumistansya na ako sa kanya pero bago ro'n ay kinuha ko muna mula sa bulsa ko ang phone niya at ibinigay iyon sa kanya.
Nakita ko pa ang pagkabato niya at natigilan nang makita ang hawak kong cellphone niya. Mabilis na kinuha niya iyon at ibinulsa niya sa suot niyang maong na pantalon.
"T-Tumawag kanina ang k-kakambal mo," nauutal na sabi ko sa kanya.
Aalis na sana ako pero hayan na naman siya sa mabilis na pagkilos niya. Ang palapulsuhan ko na naman ang hinawakan niya at pilit na pinapaharap ako sa kanya.
"Markin..." nambabantang sambit ko sa pangalan niya.
"May nabasa ka ba sa messenger ng phone ko, Rea? O may nakausap ka ba'ng isa sa mga kapatid at pinsan ko? Pinagsabihan ka ba nila kaya ka nagkakaganyan? Tang-ina naman huwag mo akong gawing hangin lang sa harapan mo!" sigaw niya ah hindi na niya napigilan pa ang tumaas ang boses niya. "Rea, please... Kausapin mo naman ako..."
"W-Wala nga. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko naman sinagot ang tawag ng kakambal mo," matigas ang boses na sabi ko at matapang na sinalubong ko na ang tingin niya. Sinigurado ko naman na walang kahit ano'ng ekspresyon ang mukha ko. Kitang-kita ko ang kaguluhan sa kanya.
Binawi ko na rin ang kamay ko saka ko siya tinalikuran. Wala sana akong balak na pansinin pa siya pero naramdaman ko na hindi siya sumunod sa akin kaya nilingon ko siya. Nanatili siyang nakatayo sa puwesto namin kanina at nagtatagis ang bagang na nakatingin lamang sa akin. Mukhang nainis siya sa akin.
"Gumawa kami ng miryenda para sa `yo. Sumunod ka na lang kung gusto mo," sabi ko at bigla pa akong nahiya.
Salubong na naman ang kilay niya at marahas na bumuntonghininga.
Nagsisimula na siyang maglakad palapit sa akin kaya pumihit na ako patalikod. Ayokong magsabay pa kami sa paglalakad. Mararamdaman niya lang na may problema nga sa akin at huwag niya akong pilitin na tanungin pa tungkol sa bagay na iyon. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko na sabihin sa kanya ang totoong problema ko.
Bumabagabag lamang iyon sa akin at mahihirapan akong kalimutan iyon. Sa ngayon ay wala muna akong paniniwalaan sa kahit sino sa kanila ni Rexus.
Para lang umiihip ang malamig na simoy ng hangin at tumatama ito sa batok ko. Nanayo ang balahibo ko sa katawan dahil sa maingat na paghawak niya sa likod ko.
"Pag-uusapan natin ang problemang `yan, Rea," bulong niya malapit sa tainga ko. Bayolenteng napalunok na lamang ako at saka ako humugot ng malalim na hininga.
Hindi ko na pinansin pa si Engineer Markin nang sabay-sabay na kaming kumain ng miryenda. Panay pa rin ang pagsulyap niya sa akin. Hindi rin naman siya makaupo sa tabi ko dahil hindi ko na siya hinayaan pa. Kaya naramdaman ko rin talaga ang inis niya na umupo na lamang sa tabi ni Lolo Henriko.
Nasa kabilang kubo naman ang ibang trabahador nila at maging sila naman ay ginawan din namin ng miryenda.
"Dada..." mahinang sambit na naman ni Markiana. Alam ko na gustong-gusto na niyang magpakuha sa daddy niya pero hindi na nga ito nakalapit pa sa amin.
"Kukuha lang ako ng tubig," narinig kong sabi ni Nanay. I just nodded my head and I played my daughter's finger. I felt her eyes staring at me too.
"Mamamama..."
"Shh, love... Okay lang si Mommy. Mamaya na lang, please? Gusto pa kitang yakapin," sambit ko na akala mo naman ay naiintindihan ng baby ko ang nararamdaman ko ngayon.
"Dada?" patanong na sabi na naman niya. I kissed her eyes and lovingly smiled at her. Isinandal ko ang ulo niya sa dibdib ko. "Later na lang, love..."
Nawala ang agam-agam ko sa dibdib dahil sa aking anak. Kaya saglit na nakalimutan ko ang lahat kaya hindi ko na rin namalayan pa ang pagtabi nang upo sa amin ng daddy niya.
Iyong kamay niya ay nakadantay na sa balikat ko, at ang isa napatong naman sa kamay ko na nasa bandang tiyan ni Markiana.
"Did Engineer Rexus and you've talked behind me, Rea?" he asked me. I suddenly got goosebumps because his cold breath hitting my neck and my cheek.
"Wala," mabilis na sagot ko. Napaka-defensive ng pagkakasagot ko.
"Your mother told me, that engineer visited you again before you went here, at nagkaganyan ka na raw pagkatapos niyong mag-usap. Rea." I glanced at my mother, naabutan ko pa ang tingin niya sa amin na mabilis ding nag-iwas.
Ang tsismosa ni Nanay. Halatang pinapaboran niya si Markin. Tss.
"Tell me."
"Bakit ba ang kulit mo?" I hissed. Hindi sinasadyang dumampi ang labi niya sa pisngi ko dahil sa paglingon ko sa kanya.
Umangat pataas si Markiana dahilan sa ginawa niya at malaya na niyang nakayakap ang baywang ko. Nasa lap na naman niya si Markiana na tuwang-tuwa na ng kinuha na siya ng daddy niya.
"I'm sorry, love. Mukhang kanina ka pang nagtitiis at naghihintay sa akin na kunin ka sa Mommy mo," he told her and he kissed her head. She just giggled.
Hindi pa kami tapos kumain ng miryenda namin nang inalalayan na niya akong tumayo. Nagpaalam siya sa pamilya ko na may pag-uusapan daw kami. Nagpresinta pa sila na sila muna ang mag-aalaga kay Markiana pero tumanggi na si Markin. Isinama pa rin niya ito.
O baka nararamdaman niya rin na ayaw bumitaw sa kanya ang anak niya. Nakayakap kasi ang braso nito sa leeg niya at namamahinga roon ang ulo nito.
"I want to talk with your Mom, love...in private."