CHAPTER 15

2172 Words
Chapter 15: Meeting Markus ISANG linggo rin na umabot ang pagbabalot ko at paghahanda ng mga paintings na binili ni Ms. Theza na si Engineer Markus pa ang magbabayad, kaya matatagalan talaga ako sa dami rin ng mga ito. Lalo pa na mag-isa lang ako ang umaasikaso. Mabuti na lamang ay behave lang ang aking anak. Tila nahuhulaan niya na busy-busy ang maganda niyang Mommy. "Mamm..." Nakangiting napatingin ako sa anak ko nang marinig ang mumunting boses niya. Nasa loob kami ng opisina ko at inilista ko lang ang 'saktong ibabayad sa akin mamaya ng client ko. Nakadapa naman si Markiana sa maliit na kama na sinadya kong bilhin para sa kanya. Hindi naman puwedeng nasa loob lang siya ng kuwarto namin habang ako ay nagtatrabaho. Kanina pa nga siya nag-iingay sa tabi ko. Nakailang beses na siyang dumapa at humiga. As usual ay nag-iingay na naman ang bibig niya at nilalaro pa iyon ng mga kamay niya habang pinagmamasdan ako. "You're going to meet your Tito Markus, love... Ikaw ba ay ready na, baby ko?" malambing na tanong ko sa kanya at tila naunawaan niya ang sinabi ko dahil tumango-tango pa siya at para makapalakpak ay humiga siya at mas nag-ingay. Natawa ako at lumapit sa kanya. Saka ko siya binuhat at pinugpog ng halik sa mukha niya. Ang maliliit niyang mga palad ay nasa pisngi ko at kung sinasadya ko na kilitiin siya ay tila hinaharangan niya ang mukha ko para pigil ako. Ang cute-cute niya kasi, eh... Nagawa ko pang kagatin ang pisngi niya nang hindi naman siya nasasaktan. Bumungisngis lang siya at ang boses niya ang maririnig sa loob ng opisina ko. Tuwang-tuwa rin siya kapag nilalaro ko siya, eh. Tumagal pa nang ilang minuto ang kulitan naming mag-ina na halos wala na kaming tigil. Si Markiana lang ay kontento at masaya na ako. Sinuotan ko ng itim na baby pants na hapit sa mataba niyang mga paa. Plane white shirt naman ang ipinaris ko sa pangtaas niya. Sunod kong isinuot sa kanya ang medyas at puting shoes niya. Isang baby hat na pang-witch ang sumbrelo niya at mas naging maganda siya sa aking paningin. "Ang ganda ng baby kong 'yan... Ang cute-cute ng anak ko, ah... Manang-mana talaga sa Mommy..." naaaliw na sabi ko at mariin na hinalikan ko ang pisngi niya. Namula ang mga mata niya dahil sa tagal na nakadikit ang labi ko sa kanya. Black outfit din ang isinuot ko, black dress na umabot hanggang talampakan ko ang haba nito pero nasisiguro ko naman na hindi ako nadadapa habang karga ko si Markiana at para makaiwas din ako sa lalaking weird na iyon ay nagsuot din ako ng itim na clock. Para akong witch nito. Natawa ako sa naisip ko. Si Engineer Markus lang naman ang kakausapin ko. Wala pa kasi akong staff na puwedeng mag-deliver ng mga painting na sold out na. Kasi wala pa naman akong client na katulad ng Tito ni Markiana na buong painting na naka-display sa studio ko ay bibilhin niya. Saka na ako kukuha ng mga helper at staff kung sikat na ako. Char lang... Iyon din naman kasi ang paraan, eh. Kailangan mong maging sikat para makilala ang artworks mo. At makilala rin ang angking talento mo. Sinukbit ko sa likuran ko ang itim na backpack ko kung saan naglalaman naman ang bottled feeding ni Markiana at ilan pa ng baby stuff niya. "Punta na tayo kay Tito Markus..." pagkakausap ko sa baby ko. Sumakay kami ng taxi at nagpahatid sa address ng kompanya ng engineer. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na kami sa direksyon na patutunguhan namin. Nang makapagbayad ako ng pamasahe namin sa taxi driver at pagkababa ko ay huminto pa ako dahil namamangha na napatingin ako sa malaki at mataas na gusali. Pinagpawisan ako dahil ngayon ay nararamdaman ko na ang kaba ko sa dibdib. Parang gusto kong umatras dahil tinubuan na ako ng takot...at hihimatayin lang ako rito... "L-Love... Tuloy pa ba tayo? Ang yaman-yaman ng family ng Daddy mo, eh..." sabi ko sa anak ko. Nilingon niya ako at inosenteng ngumiti saka ako hinalikan sa pisngi. Nawala yata ang kaba ko nang maramdaman ko na dumikit din ang laway niya sa akin. Dahil sa ginawa ng anak ko ay parang pinapagaan nga niya ang dibdib ko na nagsisimulang bumigat. Ang kaligtasan lang naman niya ang iniingatan ko. Hindi bale ako ang masaktan, huwag lang siya... "Ang sweet mo naman, baby ko..." sabi ko at hinalikan ang noo niya. Kung hindi ko gagawin ito at maging matapang kahit ngayon lang... Sayang naman ang mga painting ko kung hindi lang mababayaran at matagal pa siyang mabibili ng new client namin. Pera na iyon, eh... Gagawin ko pa bang bato? Sa dami-rami ba naman kasi ng taong makasasalamuha ko ay ang pamilya pa ng ama ng anak ko. Sadyang maliit nga ang mundo para sa amin o baka ang tadhana mismo ang naglalaro at kami ang napagtripan nito? "Tara na, love..." I murmured. Naramdaman ko na tila na-excite ang anak ko. Malaki nga talaga ang firm nila at hindi rin ako sigurado kung ilang floor ito. Sa labas pa lang ay mahihiya ka na sa sobrang ganda ng building nila. Ano pa kaya kung nasa loob ka na? Sobrang yaman talaga niya... Nakakapangliit ng pagkatao... "ID po, Ma'am?" tanong sa akin ng security at hinarangan pa kami. "Bawal po ang outfit niyo, Ma'am," dagdag niya. Nawe-weirduhan pa siya na tiningnan ako mula ulo hanggang sa talampakan ko tapos ngumiwi siya. Kakamot-kamot sa ulo naman ang isa. "Ano?" gulat na tanong ko sa lalaki. Itinago ng anak ko ang mukha niya sa leeg ko dahil parang natakot siya mga guard. Hindi yata nagustuhan ng baby ko ang mukha ng dalawang manong. "May dress code po ang firm namin, Ma'am. Bawal po ang suot niyo at hindi kayo makapapasok sa loob," sabi nito sa akin at kinumpas pa niya ang kamay niya. Ibinigay ko sa kanya ang sinulatan na tissue ni Engineer Markus. Hindi ako sure kung puwede na ba iyon para makapasok kami at hayaan na lamang nila. "May appointment po kami ni Engineer Markus, Sir," dahilan ko. Kunot na kunot ang noo niya nang binasa niya iyon. "Handwriting po niya 'yan, Sir," sabi ko pa. Maganda ang handwriting ni Engineer Markus na pa-slanting pa. Halatang professional, eh... "Tatawag na po muna kami sa opisina ni Engineer Markus para po ikumpirma na may appointment nga talaga kayo sa kanya," sabi niya. Nawala ang emosyon sa mukha ko dahil bakit ikukumpirma pa? Hindi ba niya alam na tirik na tirik na ang araw at may kasama pa akong bata? Eh, kung papasukin na niya ako sa building? "May appointment po talaga ako kay Engineer Markus, Sir, eh. Kung gusto mo po ay tawagan mo rin siya na kasama ko ang anak niya," naiinis na saad ko at mas nagtaka siya sa sinabi ko. Umiling-iling na para ba'ng naiisip niya na nababaliw na ako. I shrugged my shoulder. Sinilip pa niya ang anak ko at lumingon naman sa kanya saka ulit nagtago sa leeg ko si Markiana. Nakita ko ang pamumutla niya at saglit na kinausap pa niya ang kasama niya. Saka niya kami pinapasok at sinamahan pa kami ng isang guard na hindi na rin dumaan sa information desk, diretso sa elevator. Napangiti ako... Matakot kayo dahil Brilliantes din ang kasama ko... Sekreto nga lang dahil natatakot pa rin ako sa magiging kapalaran ng anak ko. Kontento naman ako sa buhay na naibigay ko kay Markiana. Kahit hindi ang marangya na buhay at kompletong pamilya. Walang ganoon... Napakaimposible ang bagay na iyon... Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko kung ilang floor ito. Nasa 15th pero alam kong may ibang elevator pa para makaakyat sa taas ng floor nito. Saka... Nakalimutan ko na noong pumasok kami ni Markiana ay bigla siyang napa-woo... Dahil sa lamig ng aircon sa loob at naghahalo ang mabangong amoy nito. Nag-iisa lang sa 7th floor ang opisina ni Engineer Markus at mas maganda sa lugar na ito. May nakita akong isang lalaki na siguro ay secretary niya kaya nilapitan ko siya. Nagulat pa siya nang batiin ko siya, "Good morning po. Nasa loob po ba si Engineer Markus?" magalang na tanong ko sa kanya. Napatayo pa siya at namimilog ang mga mata niya sa gulat. Kiming napangiti ako sa kanya. "Good morning. Hindi pa po dumarating si Engineer Markus. Baka po mamaya," nahihiyang sabi niya sa akin, "Pero puwede po kayong maghintay kay Engineer sa loob ng opisina niya," dagdag niya. Narinig naman namin pareho ang tunog ng elevator at sumunod ang baritonong tono ng pamilyar na lalaki. Ang outfit ko ang unang pinuna niya. Ang galing naman niya... "This against the rule. May dress code kami sa firm, Miss..." mariin na sabi niya at nilingon ko siya. Walang emosyon na tiningnan niya lang ako, na as if ay hindi niya ako kilala. Hindi lang siya nag-iisa. May isang babae sa likuran niya. My eyebrows arched when I saw her outfit. Aware naman ako sa makabagong pananamit ng mga babae sa panahon ko ngayon kaya hindi na ako nabigla nang makita ko ang dress niya na halos sumilip na ang panty niya or ang singit niya dahil sa kakulangan ng tela ng pananamit niya. "Ano'ng dress code ba ang tinutukoy mo, Sir? Dapat ba magsusuot din ako ng damit katulad ng kasama mo para hindi na ako against sa rule? Para makapasok na ako agad?" malamig at nanunuyang tanong ko sa kanya. Agad na nag-react ang babae at pinanlisikan ako ng mga mata. Mas lalo akong nairita sa pagmumukha nito kahit na maganda pa siya at mala-model ang body niya pero... Girlfriend ba siya ng lalaking ito? Ganito ba talaga ang mga tipo siya sa babae? Halos makita na ang sariling kaluluwa nito? "Excuse me?" malditang saad nito na muntik ko nang gayahin ang boses niya at ngiwian siya. Hindi ko alam kung saan ako naiirita. Sa pagmumukha ba ng Daddy ni Markiana o sa damit niyang kaunting galaw lang ay makikita na ang hindi dapat makita. Pero all in all ang galit ko ay na kay Engineer Markin. Hindi ko alam kung bakit uminit agad ang ulo ko sa kanya nang makita ko siya at kasama pa ang demonyitang ito... Dahil din siguro sa panunuya ko sa kanya kanina ay naubos ang pisi ng pasensiya at agad niya kaming pinakaladkad sa mga security nila. Masama ang tingin ko kay Markin Brilliantes dahil bakit galit na galit siya sa akin ngayon?! Hindi ba niya nakikita na kasama ko si Markiana?! At anak pa niya ito... Namilog ang mga mata ko nang umiyak na ang anak ko dahil sa takot na nangyayari sa amin ngayon. "Love, okay lang..." pag-aalo ko sa kanya. Tumahan naman siya at sumandal sa dibdib ko habang masuyong hinahaplos ko ang likod niya. "Huwag niyo siyang papasukin hangga't ganyan ang suot niya," habilin niya sa mga guard at punong-puno ng awtoridad ang boses niya. Natakot ako bigla dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito kaya hindi ko na rin sinubukan pa na kausapin kahit na kailangan ko ring makausap si Engineer Markus. Hindi ko lang alam kung pinsan ba o kapatid niya si Engineer Markus. Magkamukha rin naman kasi ang dalawa. NGUNIT bumalik naman kami kinabukasan at naabutan niya kami sa gate na nakikipagpalitan ng maiinit na salita sa mga tauhan nila. "Business ito kaya kailangan kong makita si Engineer Markus," naiinis na sabi ko sa kanya. "May dress code ang building na ito--" "What's wrong with my outfit, dude? I'm sane pa naman para magsuot ng kinulang na tela at kung uupo ka na ay kita agad ang singit mo," supladang sabi ko at umigting ang panga niya. "Seriously? Bakit ba mainit ang ulo mo sa akin, ha?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. Nabigla ako nang kinuha niya mula sa bisig ko si Markiana. Para akong aatakehin sa puso dahil first time ni Markiana na mabuhat ng Daddy niya! Kaya hindi rin umimik ang bata saka niya ako binitbit. "Oy, ang pamangkin ko..." Kinakabahan na sambit ko pero hindi niya ako pinansin at sunud-sunod ang bawat paghakbang niya. "Kailangan mo pa talagang gamitin ang pangalan ni Kuya para lamang makapasok ka sa building na ito?" seryosong tanong niya. So... Kuya pa niya si Engineer Markus? Magkapatid sila... "Mahalaga ang pakay ko kay Engineer Markus, saka I told you na business ito," sabi ko, "At kung dadalhin mo ako sa kanya ay kaya ko namang maglakad ng hindi mo inaalayan at akin na nga ang pamangkin ko! Baka umiyak, eh!" dagdag ko pa. Hindi tuloy maiwasan ng mga staff nila ang mapatingin sa amin. Malamang sa malamang ay kilala nila ang lalaking bumitbit sa akin at this moment. Kaya gulat na gulat din ang reaction ng mga tao sa amin. May iba ay napatigil sa mga ginagawa nila. "So, anak ba ito ni Kuya? Katulad ng sinabi mo sa mga guard, ha?" he mocked me. Saan niya nalaman na sinabi ko iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD